“are you insulting me?” tanong ko sakanya.

“ang sinasabi ko lang fren, palitan mo na yang style mo, ano ka ba style pa ni Cory Aquino yang suot mo ay” natatawa nitong sabi sakin.

“bahala ka na nga jan” sagot ko. Agad naman akong bumaling sa lalaking nasa left side ko. Nakita ko siyang nagcecellphone kay tinawag ko ang atensyon niya para maumpisahan ko na siyang itrain.

“ahm excuse me Mr. Chankimha? Shall we start our training?” hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagcecellphone at tumatawa pa sa mga pinapanood niya. Grrr kuhang kuha niya ang inis ko, kaya hinablot ko ang cellphone niya at nilagay sa drawer ko. Napatingin naman siya ng masama.

“what the f*ck? Are you crazy? Don’t you know who I am?” nakatayo na siya kayat nakatingin na samin ang mga kasama naming sa office.

“as per instruction I was to train you. And I have your Mom’s words. She said to train you like other trainees, never give special treatment.” Mariin kong sagot sakanya. Naupo siya sa upuan kayat umupo na rin ako.

“fine! Ano bang gagawin?” sagot niya. Makikinig din pala eh.

Freen’s POV

Ano ba naman to! Nakakaasar! Sa amazona pa ako naassign. Akala ko pa naman magagamit ko ang pagiging anak ng may ari dito sa company. Eto nga siya at nag eexlain sa kung ano ang mga kailangan gawin. Binigyan niya rin ako ng napakaraming files. About daw to sa project next month.

As she was explaining she puts her eyeglass on her head. I saw her eyes, they were so beautiful. It’s like I’m drowning when I’m looking into it. Her nose it’s so perfect. And her lips, it’s pink and plump that I’m craving to kiss her. When I turned my eyes down to her boobs, ahh dito siya nagkulang pero ok na rin yan. Kaya lang yung suot niya, sobrang nakakamanang.

“excuse me Mr. Chankimha? Are you still listening?” I snapped out of my imagination as she asked me.

“ah.. ahm yeah yeah continue” I answered and she continued on explaining.

“here look at my computer I’ll teach you how to put your work on our files so that everybody in this office can access it” she said and turn herself on her computer. Napatingin naman ako sa bewang niya, grabe kumakain pa ba tong babaeng to? Napakaliit ng bewang. Bumaba ulit ang tingin ko sa mga binti niya, at jusko po napakaputi. Tinapik tapik ko ang mukha ko dahil ayokong mahuli niya akong pinagmamasdan ko siya.

“pano nga ulit? Nalilito ako” palusot ko sakanya dahil ang totoo eh diko naman napakinggan yung sinabi niya. Kayat muli niya itong pinaliwanag sakin.

“nakuha mo na?” tanong niya sakin, pagkatapos niya akong turuan.

“yes kuha ko na” sagot ko.

“you can start doing your work, input some ideas about sa event for next month” utos nito sakin. Nag umpisa na rin ako.

Becky’s POV

Ewan ko anong meron sa lalaking to. Manyak siguro. Dahil napansin ko kanina eh parang ini scan niya ako. Hindi ko na lang pinansin yun dahil marami pa akong trabahong kailangang tapusin. Hours past and it’s already 6 pm.

“Everyone save your works and turn off your computers. Let’s go home na” saad ng team leader naming. Hays buti na lang at nasurvive ko ang araw na to, mukhang tatanda ako lalo dahil sa mokong na to.

“fren tara uwi na tayo” aya sakin ni Irin.

“sige tara” umalis na kami at lumabas ng building.

“Fren so how was your day training Mr. Chankimha?” mapanukso nitong tanong

“Nako fren mas lalo akong tatanda sa siraulong yon” sagot ko saknya

“pero fren napansin ko kanina, he was scanning you. Mukhang type ka ni Sir Chankimha. Kaya nga sabi ko sayo eh dapat umpisahan mo nang mag ayos sa sarili mo” tukso sakin ni Irin

“magtigil ka nga, alam mo kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang” tugon ko sakanya.

“ok fine. Pero fren, kelan ka kaya magkakaboyfriend kung ganyan ang itsura mo” tanong nito sakin

“hoy di naman ako nbsb no. nagkaboyfriend din ako” sagot ko sakanya

“oo nga pero throughout your relationship eh niloloko ka lang niya. Fren di na tayo bumabata no. like duh you’re already 26, you should start looking for the person na makakasama mo” – Irin

“makapagsabi ka parang hindi tayo same age” sagot ko

“atleast ako may boyfriend” sambit nito.

“hay bahala ka na nga jan, mauuna nako. See you bukas, bye” nagpaalam nako sakanya at sumakay ng jeep.

At Becky’s apartment

Pagpasok ko sa apartment ko ay sumalampak agad ako sa sofa.

“extra nakakapagod ang araw na to! Asar talaga yung mokong na yun!”

Tumayo ako para pumunta sa kwarto ko. Nang mapadaan ako sa salamin ay pinagmasdan ko ang itsura ko.

“yeah. I really look like a manang.”
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. After ko maligo at magbihis ay humiga na ako at nagcellphone muna. Habang nagsscroll ako sa Facebook ay napapadaan ako sa feed ko ang mga posts ng mga high school and college classmates ko. May sari sarili na silang pamilya.

“kailan kaya ako magkakaboyfriend? Hmmm di naman ako nagmamadali eh. Kaya lang parang buong buhay ko mag isa na lang ako. Hayy ano ba naman yan kung ano anong pumapasok sa isip ko, makatulog na nga para may lakas akong makipagbangayan sa mokong na Freen na yun”

LOVE IN MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon