Brokenhearted

170 12 11
                                    

"Carmina, hindi ka pa ba nagsasawa sa panliligaw mo kay Trystan?" Tanong ni Kara sa 'kin.

Ngitian ko 'lang siya at tinignan si Trystan sa kabilang table. Ang cute niya kumain ng spaghetti. May dumi pa naman sa bibig niya. Oh my gosh, I want to wipe that sauce on your cheek!


"Hoy, Carmin! Ano ba 'yan?! I'm talking to you, pero sa ibang tao naman ang attention mo? Carmina Domingo, you have been courting Trystan Ramirez for 3 months! Babae ka, Carmina! Dapat si Trystan ang lumiligaw sa 'yo, hindi ikaw! Aba, tama na 'to! Ba't si Trystan pa kasi?! Alam mo naman na suplado ang lalaking 'yun! He rejected you, diba?! Ba't hindi ka pa sumuko?! In fact, he rejected you 10 times already! Ang lakas ata ng fighting spirit mo, 'te! Why don't you give up already, Carmina? There's a lot of fish in the sea! I'm talking about men, not actual fishes. As far as I read, konti na ang mga isda ata ngayon dahil sa mga commercial fisheries! Uy, Mina! Sasali ka ba sa 'No to commercial Fisheries! Yes to- Teka 'lang, di ba sasali ka sa singing contest? Good luck, ah! May kanta ka na ba?"


Napahawak ako sa side ng ulo ko. Ano ba, Kara?! Nahihilo na ako sa mga tanong mo, ang dami. Palaging out of topic. Akala ko ba ako at si Trystan my loves ang topic? Ba't napunta sa commercial fisheries tapos sa singing contest?


Ang daldal talaga ng babaeng 'to, you can't close her mouth. Kahit i-close mo pa ang bibig niyan, she will never stop talking. Kaya nga suki si Kara sa detention room, dahil sa madaldal niyang bibig. And she wouldn't stop asking me kung ba't palaging na-de-dention siya. Wala talaga siyang clue at parang may amnesia ata 'to. She would deny the fact that she's too noisy and talkative, and would ask kung ba't umalis ang mga kaklase namin kapag magsasalita siya. ewan ko nga sa kanya.

Wala na siyang pag-asa, pati ang "PAG-ASA", suko na 'rin sa kanya. Ewan ko nga sa "SOCO" kung suko na 'rin sila sa kanya.



"Uy, Mina! Ba't tinakpan mo ang tenga mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Did I just cover my ears involuntarily? Ang bait ni Utak, alam talaga niya na sumasakit ang tenga ko sa mga sigaw ni Kara. Apir, utak! Aish, baliw na naman ako! Talagang alam ni utak, utak ko siya e! Binatukan ko ang sarili ko sa inis.


"Hoy, Mina! Sinapian ka ba ng baliw? Ba't mo binatukan ang sarili mo? Alam mo ba, magkakaroon ka ng sakit sa batok mo! Ang sakit kaya niyan-wait, may sakit ba sa batok? Matanong nga mamaya kay Mama." Sabi niya habang hinawakan niya ang baba niya. Aish, ito na naman ang pagiging out of topic niya.


Tumingin nalang ako sa kabilang table kung saan umupo ang asawa ko. Pagtingin ko do'n, nagulat ako kasi wala na ang asawa ko! OMO, hubby ko, where na you?! Agad akong tumayo tapos kinain ko ang sandwich ko sa isang lunok.

Nabilaukan nga ako dahil do'n. Ikaw kasi, hubby, ba't iniwan mo ako? Ayan, malapit ka ng mawalan ng wifey.


"Oh, Mina, aalis ka na? Iiwan mo na naman ako dito? Magiging Miss Lonely na naman ako? WTF talaga. Wala Talagang Forever-Wait, meron pala! Forever single ako. Huhuhu! Prince charming ko, come to me na!" Iniwan ko si Kara na nag-da-drama sa table namin.

Nakakahiya talaga si Kara, kahit saan hindi parin mawawala ang kabaliwan niya. But, because of that, she cheers me up when I'm down or na-discourage ako. Even though she doesn't support my love for Trystan, at least she's there comforting and cheering me up.


Tumatakbo ako sa hallway dahil hinahanap ko si hubby ko. Nasaan na ba kasi siya, e?! Where art thou, Trystan ko? Padabog akong umupo sa malapit na bench. But my butt slipped, and I fell on the bench.

"Aray! Huhuhu, ba't ang sama mo, bench?!" Galit na sigaw ko sa bench, dinuduro ko pa 'to. Ang sakit ng pwet ko. Biglang tumulo ang ulan kaya nabasa ang uniform ko. Ang mas saklap pa, wala akong damit na pampalit. Ang malas ko ngayon, ako na ang next reyna ng kamalasan.


BrokenheartedWhere stories live. Discover now