2- Ford Family

7.1K 152 6
                                    

#BiyahengForever

Daniel

"TATAY, where did you go?" tanong ng panganay ko sa'kin nang naghahanda ako ng dinner para sa mga mag-iina ko.

"Ha? Ano 'yon?"

"Saan ka po pumunta, Tay?" he asked me again. Nasa likod ko siya at pinapanuod ang niluluto ko.

Nagluto lang ako mg mashed potato, with so much love. Ito kasi ang paborito ng tatlo, well bukod sa'kin since hindi ako kumakain ng gulay. Naalala ko pa nung ipinagbubuntis pa ni Kathryn si Sky noon. Halos araw-araw siyang naghihingi ng KFC mash potato, tapos gabi pa 'yun kaya sarado na ang KFC. Wala akong nagawa kung hindi ay mag-research ng recipe tapos niluto ko pa. Ayaw ko kasing mastress si Kathryn lalo na dala-dala niya ang baby namin. Naka-ilang failures ako bago ko makuha ang tamang lasa na gusto ni Kath. Hanggang sa ipinagbuntis ni Kathryn si Sab at 'yun pa din ang pinaglilihian niya.

"Tatay! I'm talking to you!" napabaling ako sa anak ko na ngayo'y masama ang tingin sa'kin.

Nilukot ko ang buhok niya. "What is it, pogi? Sorry may inaalala lang si Tatay."

"Nevermind it. I'll just save it later when we'll sleep together with Nanay and baby bunso."

Patay tayo diyan! Gusto ko pa namang masolo ang nanay nila!

"Skyrel!" sigaw naman ni Kathryn pagkapasok niya sa kusina. Napatingin naman siya sa'ming dalawa, "Bakit ka nandiyan? Let your Papa cook muna."

"Nay, I'm helping Tatay naman."

Napangisi nalang si Kathryn bago bumaling sa'kin. Lumapit siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Natatawang binalingan ko siya.

"Bally, baka hindi tayo makakain nito. Baka ikaw pa ang una kong kainin," I laughed. "Control ni Daniel 'tong ginagawa ko, utang na loob."

Mas idinikit niya pa ang sarili sa'kin kaya ramdam ko 'yung ano niya sa likod ko. Mas lalo naman akong uminit, baka makalimutan ko pa ang anak namin na nanood sa'ming dalawa.

"Bakit ka pa nagluto? I cooked caldereta naman kanina."

"Hindi kakain si Sab na wala ang mash potato ng Tatay niya. Remember?"

She pouted. "Pero kinakain niya naman ang mga luto ko."

Minsan nga'y magtatampo itong si Kathryn dahil mas close daw sa'kin si Sab. Eh kasalan ko ba kung may connection kaming mag-ama? Ang dalawang bata mas close sa'kin. Sinabi ko naman sa kaniya na wala rin namang magbabago dahil siya ang nanay nila.

Napalingon ako kay Sky at nakita kong abala siya sa dining table kaya mabilis kong hinalikan si Kathryn sa labi.

"I love you. I love you. I love you, Kathryn Chandria Bernardo-Ford."

_

"BABY, let's change your jammies na." rinig kong sabi ni Kathryn sa bunso namin.

Nandito kasi kami sa living room and of course, idle time namin ngayon. Naglalaro kami ni Sky ng playstation habang sila Kathryn at Sab naman ay babad sa cellphone.

"Jammies!" tili ni Sab kaya agad tumayo si Kathryn at binuhat ang anak namin. Hindi na ako lumingon dahil concentrate kami ni Sky kung paano tatalunin ang isa't-isa. Call of Duty kasi ang nilaro namin.

"Tatay! I'm almost there!" sigaw ni Sky.

"Hindi pwede, anak. Dapat manalo si Tatay," tumawa naman ako habang hawak ang control. "Ihanda mo 'yang mighty canon mo at bazooka."

Biyaheng ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon