Chapter 1: Canteen moment

1K 22 11
                                    

Ccrrrrrinnggg!! Cccrrriiinnnggg!!!! Crccrrriinnnggg!!!!

Annnnaaaakkk!

Giiisssing nnnnaaaa

6:00am na at maligo ka na.....

yan ang gumising sa akin sa isang umagang ky ganda.

Ang boses ng maganda kong mama na mas malakas pa sa tunog ng alarm clock.

Pero kahit ganun ang mama ko mahal na mahal ko yun at ramdam ko din ang pagmamahal nya sa aming magkakapatid.

Oo nga pala, ako si Trevor Ledesma, pangalawa sa aming limang magkakapatid, 16 years old at nasa 4th year highschool na.

Yee men last year ko na sa pagiging highschool at makakagraduate na din ako sa wakas.

Makakamtan ko na ang diploma na inaasam~asam ko!

                 ~Trevors' POV~

6:45am na akong umalis sa bahay namin at lalakarin ko lang mula bahay.

Oo, malapit lang sa bahay namin ang paaralan na pinapasokan ko.

Saktong alas siete ako nakadating sa school namin buti wala pa yung teacher ko sa English subject.

Naupo na ako sa classroom namin at inayos yung mga gamit ko sa desk.

Oo, nga pala nasa top three star section ako out of 24 sections ng buong 4th year highschool students.

Oo, ganun kami ka dami kasi nga sa isang publikong paaralan ako nag~aaral...

Kahit papaano my talino din naman akong taglay at makapagsabayan din naman ako sa iba pang matatalinong estudyante sa school namin.

Maya~maya pa mga ilang sandal pa dumating na yung teacher namin.

At yun na nga buong oras na naman namin pinag~aralan ang subject verb agreement at mga grammar.

Konti na lang at mauubos na rin namin ang buong libro ng Merriam Webster Dictionary.

Ganun ka tindi tong teacher namin daig pa talaga si Sen. Merriam Defensor Santiago!

Aba, matindi!!

Ikaw na talaga Ma'am.

Pagkatapos pa ng dalawang subjects yun na tumunog na yung bells hudyat ng break time.

Ang pinaka paborito nating subject sa buhay ng isang estudyante "recess"

Dali~dali kami pumunta ng canteen ng mga kaklasi ko na sina

(Mark, Lizza, Charm, Belle, Daniel, Klaine at Wilm bale walo kaming magbabarkada)

para bumili ng makakain namin ng my biglang my bumangga sa aking isang lalaki.

Napasigaw ako sa lakas ng pagkabunggo nya sa akin at napadikit ako sa pader.

Aaaarrrayyyyy....

sigaw ko. At tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa (ang gwapo ko) hahahah tapos bigla na lang sya umalis at hindi man lang nag sorry, hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba ako o buhay pa ba ako.

Ako: loko yun ahh. Di man lang nag sorry o tinanong ako kung buhay pa ako at humihinga pa... ansakit tuloy na katawan ko!!

Mark: Oo, nga.. tara habulin natin para makaganti ka.

Charm: away lang yan at hayaan mo na lang yun. Di naman niya siguro sinasadya ang nangyari.

Ako: di sinasadya?!  di nga nag sorry man lang sa akin. Hindi siguro uso sa kaniya ang salitang "SORRY"

My Destiny  (BoyXBoy - Bisexual Love Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora