Chapter 3

268 7 0
                                    

Chapter 3

Familia Fierro

Sino naman kaya ang mga 'yon? Pangalan palang alam mo ng bigatin. Future business partners kaya sila ni Nikolaus? Pero bakit kailangan niya pa ako isama ro'n? Wala naman akong sasabihin at gagawin doon, eh.

"Alright. I'll let you know when I need something. Thank you, Beatrice."

Umakyat na agad ako sa kwarto ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Beatrice. Nakalagay na rin daw sa kwarto ko ang dress na gagamitin ko para mamaya sa dinner meeting namin.

First time kong lalabas at haharap sa mga clients ni Nikolaus bilang asawa niya. Kinakabahan ako dahil baka hindi nila ako magustuhan. O, baka mamaya ay magkamali ako. Tsaka bakit niya kasi ako ihaharap sa kanila? Six months lang naman ang kontrata ko sa kaniya, eh. Baka mamaya pagkatapos ng kontrata namin ay hanapin nila ako bilang asawa niya. Pero pwede niya namang sabihin na hiwalay na kami.

"Malia, ready ka na?" Kumatok si Briggs sa kwarto ko. Nandito pala siya? Eh, 'di ba kasama niya lang umalis si Nikolaus kanina?

Inayos ko na ang sarili ko at pinagbuksan siya ng pinto. Muntikan ko pa ngang makalimutan suotin ang wedding ring namin. Madalas ko kasi itong hubarin dahil baka mawala ko. Mamahalin pa naman ito at wala akong ipangbabayad kung sakaling mawala ko ito. Pagkabukas ko ng pinto ay naka suot na rin siya ng suit at ready na. Mukhang ako nalang ang hinihintay niya.

"Si Nikolaus?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya.

"Nauna na siya sa meeting."

"Bakit hindi mo kasama?"

"Ako na raw kasi ang sumundo sayo."

"Si Beatrice?"

"Na sa baba, hinihintay ka na." Tumango tango ako.

Sabay kaming bumaba ni Briggs at inalalayan niya pa ako pababa ng hagdan. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin ni Beatrice. Baka mamaya ay matapilok pa ako at magpagulong-gulong dito sa hagdan.

"May tanong ako," bigla kong baling kay Briggs, curious.

"Ano 'yun?"

"'Di ba secretary ka ni Nikolaus?"

Tumango naman siya. "Oo, bakit mo naitanong?"

"Pero secretary niya rin si Beatrice?"

"Nagseselos ka kay Beatrice, 'no?" Asar niya at natawa pa.

"Hoy, hindi, 'no!" Nahampas ko pa siya sa braso pero mahina lang naman iyon. "Ang ibig ko lang sabihin, bakit dalawa 'yung secretary niya? Masyado kang big deal dyan, eh!"

"I'm his personal secretary, while Beatrice handles secretarial duties at the company." Pagpapaliwanag niya.

Napakunot naman ang noo ko. "Personal? Paanong personal? Pati ba pagligo at pagkain niya, kailangan mo s'yang paalalahanan?" Biro ko.

Huminto naman siya at tumitig sa akin. Napahinto rin tuloy ako lalo na nang makitang seryoso siya. May nasabi ba akong mali? Nagbibiro lang naman ako.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "Malia, hindi mo pa lubusang kilala si Nikolaus. Marami ka pang dapat na malaman at hindi dapat na malaman."

"Huh?"

"If I were you, I'd stay quiet to avoid danger... and death." Napalunok tuloy ako sa sinabi ni Briggs.

"Tinatakot mo ba 'ko, Briggs?"

"No, I'm just stating the facts, Malia." Seryosong sabi niya.

Palaisipan pa rin sa akin iyong mga sinabi kanina ni Briggs. Hindi ko siya masyadong maintindihan sa sinambit n'yang iyon. Bukod na alam kong mga mafia sila, ano pa ang hindi ko dapat malaman at malaman pa? Kapag ba nalaman ko ang mga iyon, malalagay ako sa kapahamakan na posibleng maging dahilan ng kamatayan ko? Ganoon ba ang pinupunto niya?

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz