Chapter Two

54.2K 1K 64
                                    

A/N : Dedicated kay ate MaevelAnne kasi nung nalaman ko na may book4 ang story ng JDina halos gumulong ako sa kama. HAHAHAHA.

-

TWO




Umiwas ako sa mga taong nagkakatulakan na sa asaran o yung ibang mga lalaki na lasing na. Aminado ako sa sarili ko na nandito na ata sa eskwelahan namin ang pinaka gagong mga lalaki sa lahat. Wala e, pera pera nalang talaga ang labanan ngayon.


Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ang guard na humarang sa amin kanina, wala na sigurong nagtatangkang pumasok kaya ngayon sa loob siya nagbabantay. Magtatago na sana ako sa likod ng pader pero huli na! Natanaw na niya ata ako!


"Teka? Ikaw yung makulit kanina ha? Nasaan na yung kaibigan mo? Paano kayo nakapasok dito?" Palapit siya ng palapit sa akin.


Gustuhin ko mang tumakbo ay ayokong gumawa ng eksena dito. Hinayaan ko nalang siya na hawakan ang braso ko. Wala rin naman ako magagawa, he'll kick my ass away from here. Edi mas okay, sa labas din naman ang punta ko.

"Ikaw bata ka! Mawawalan ako ng trabaho sayo! Simpleng pakiusap hindi mo pa masunod! Binigyan mo pa ako ng sakit sa ulo at hahanapin ko pa ang kaibigan mo!" Utas niya sa akin habang patuloy siya sa pagkakaladkad.

"Kuya, bitawan mo na po ako. Aalis ako ng kusa!" Medyo iritado kong sabi dahil humihigpit na ang hawak niya sa braso ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan, mas lalo pang humigpit ang hawak niya dahilan para mapangiwi na ako!

"Hey, what are you doing to her?" Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa likod.

Mukhang kilala ng guwardya ang boses na yun kaya lumingon siya. Well, kilala ko rin naman kung kaninong boses yun, e.

"S-Stan, hijo. Ito po kasing babaeng 'to ang kulit. Sinasabi pa niya na siya ang apo ni sir Juancho." Tinuro turo pa ako nung guard.

Napairap ako.

"Is that so?" Humalukipkip si Stan at tinignan ako pagkatapos ay tinignan niya rin yung guard. "Can you please let her go? She's my auntie, by the way."

Parang password ang sinabing 'yon ni Stan at mabilis akong binitawan nung guard. Ramdam ko rin na nagulat siya mismo sa sinabi ng pamangkin ko.

"Ho? H-Hindi ko po kasi.." Nahihiyang yumuko sa akin yung guard. "T-Totoo pala. Pasensya na. Pasensya na po."

Nakatingin lang ako sa kanya at magsasalita na sana nang bigla akong hablutin ni Stan at nilakad pabalik sa gulo ng Oval.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, Stan! Uuwi na ako!" Pilit kong binabawi ang braso ko sakanya.

"Cadence, stop fidgeting you'll get hurt." Ani Stan at dinala ako sa gitna ng Oval.

May mga upuan doon at pormang pabilog. Sa gitna non ay dalawang upuan at sa gilid ng dalawang upuan ay lamesa na may nakapatong na tatlong maliliit na box. What's this?

Inupo ako ni Stan sa tabi ni Daile. Kumaway sa akin ang bestfriend ko. Itatanong ko sana kay Stan kung anong meron pero naupo na siya sa kabilang dulo katabi ng mga kapatid niya.

"Ayan! Kompleto na tayo. Si Cadence na lang kasi ang hinihintay." Nilingon ko ang nagsalita. Si Magdalen! "Gaya nga ng sinabi ko kanina, diba more than 100 tayong lahat na nandito? Bumunot kami ng 20 na mga pangalan para mapasali sa ating laro na 'Do it or Do it'!"

Kumunot ang noo ko at humilig ng kaunti palapit kay Daile para makabulong. "Nabobobo na ba siya?"

"Ewan ko ba. Do it or do it? Not so cool." Kibit balikat ni Daile.

Mark Me All OverWhere stories live. Discover now