CHAPTER 1: Forget Me Not

1.4K 39 8
                                    

CHAPTER 1: Forget Me Not

Third Person POV

Nang makatakas si Maxim gamit ang kotse nila ni Trevor, sinubukan labanan ni Trevor ang mga lalaking papatayin ang kanyang asawa. Alam niyang hindi siya papatayin ng mga ito. Hindi siya ang habol ng mga ito kundi si Maxim, ang asawa niya. Mabilis siyang tumayo kahit sobrang sakit na ng mga tama sa katawan niya. Nakipag-agawan pa ng baril pero isang malakas na palo lang sa batok ang tuluyang nagpawala sa kaniya ng malay.

"Dalhin niyo ang walang kwentang yan! Sundan niyo yung bwisit na baklang asawa! Patayin niyo!" Isang malakas na sigaw at nakakatakot na utos ng ama ni Trevor pagkatapos nitong hampasin ang batok ng sariling anak.

Agad tumalima ang mga tauhan at mabilis na lumabas para sundan si Maxim. Ang iba naman ay naiwan para dalhin ang walang malay na Trevor. Agad nilang sinakay si Trevor sa sasakayan at mabilis na pinaandar paalis.



"BAKIT mo siya binaril Roderick?! Nababaliw ka na ba?!" Malakas na sigaw ng ina ni Trevor nang makita niya itong walang malay at duguan nang makarating sila sa mansyon ng mga Smith.

Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Roderick. "Pwede ba?! Hindi ko siya binaril! Tawagin mo na yung doctor kesa dada ka nang dada dyan!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ng ama ni Trevor. Mabilis naman tumalima ang ina ni Trevor at tumawag ng doctor.

Nakatitig lang ang ama ni Trevor sa kaniya habang wala siyang malay at duguan na nakahiga sa couch nila. Dahil na rin sa kapangyarihan ng mga Smith, lalo na si Roderick, hindi lumipas ang kalahating oras ay nakarating agad ang doctor para gumamot kay Trevor. Agad ginamot ng doctor si Trevor nang makarating siya para na rin maagapan ang pagkawala ng maraming dugo.

Nakatitig lang ang ina at ama ni Trevor habang ginagamot siya ng doctor. Napangisi nalang at napailing si Roderick habang nakatingin sa walang kalaban-laban niyang anak. Ang anak na gagamitin niya sa madudumi niyang plano. Mabilis na tumalikod si Roderick at mabilis na umalis kung saan ginagamot si Trevor at mabilis na inilabas ang phone niya.

"Danny." Nakangising turan ni Roderick nang sagutin ang tawag niya ng tinawagan niya.

"Yes? Who is this?" Nagtataka naman na tanong ng nasa kabilang linya.

He is Danny Hanes. A sciencetist. Kilalang-kilala siya sa mga ginagawa niyang gamot. Wala yata siyang hindi kayang gawin pagdating sa mga gamot. Illegal man o hindi.

"Roderick Smith." Tipid na sagot ni Roderick at hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi niya.

"Meron ka na ba ng gamot na hinihingi ko?" Seryosong dugtong ni Roderick matapos nitong magpakilala.

"Of course, Smith! I am not Danny Hanes for nothing!" Tumatawang sagot ni Danny na kinatawa din ni Rodrigo.

"Good. I need it tommorow." Turan pa ni Roderick.

"No problem, Smith. I'll be there before seven." Pangako naman ni Danny na kinangisi ni Roderick.

Pinatay na ni Roderick ang tawag at bumalik kung saan ginagamot si Trevor. Si Trevor na walang kalaban-laban at walang kaalam-alam sa kung anong gagawin at mangyayari sa kaniya paggising niya. Napangisi nalang si Roderick habang nakatitig sa anak na magdadala ng tagumpay sa kaniya.

"Itali niyo. Baka maulol yan paggising." Natatawang utos niya sa mga tao niya bago tuluyang umalis.

Gusto man pigilan ng ina ni Trevor ang ginagawang pagtali sa anak niya, hindi niya magawa. Tiyak na siya ang malilintikan kay Roderick. Kaya mabilis nalang siyang nag-iwas ng tingin at sumunod kay Roderick.

𝐒𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟏 - 𝐒𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon