Dahil kung pumayag na lang sana akong kantutin niya noon ng walang suot na kapote ay magaan na sana ang loob ko ngayon.

Pero pinairal ko ang aking kaduwagan at takot na mawala ang aking sarili.

Kaya't pinigilan ko siya sa gusto niyang gawin.

Ngayon tuloy ay nakakaramdam na ako ng prustrasyon at galit sa sarili.

At hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hanggang ngayon rin ay wala pa rin akong paramdam kay Yamato kahit na nakailang tawag o text na ito sa akin ay hindi ko pinapansin mga iyon.

O mas tama bang sabihin na iniiwasan ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya kapag nagusap na kami at bukod pa roon ay pinangungunahan rin ako ng takot.

Gusto ko ng subukang bumalik sa dati ngunit ayaw akong payagan ng sarili kong katawan.

Ano kayang ginawa sa akin ni Yamato at bakit sa kaniya lang nabubuhay ang katawan at libog ko.

~~~~~~~~

Noong oras na ng uwian ay hindi na muna ako umuwi at napagisipan kong magtungo sa isang bar dito bayan.

Nagpaalam naman ako sa bahay at dinahilan kong inaya ako ng mga kasamahan ko sa trabaho na uminom at baka madaling araw na ako maka uwi para hindi na nila ako hintayin.

Gusto kong magisip isip ngayon at sa tuwing stress ako ay palagi akong umiinom ng alak at nagpapaka lasing.

Upang pagkagising ko ay bakasakaling makalimutan ko na ang mga problema at pinagaalala ko.

Hindi naman ako pupunta sa bar na maingay at puno ng ilaw, mas gusto ko doon sa tahimik at pwede kong maenjoy ang iniinom kong alak.

May alam akong bar na ganoon na talagang pinupuntahan rin ng tao.

Pagkarating ko sa aking destinasyon ay nagpark muna ako ng kotse bago ako pumasok sa loob.

Pagpasok ko ay marami na akong nakitang tao sa loob at iilan na lang ang mauupuan kaya naman lumapit na ako sa counter upang makapag order na ng alak at pulutan.

Gusto kong magpakawasted ngayon bakasakaling bukas ay makalimutan ko na rin ang nararamdaman kong pagnanasa para kay Yamato.

Isa nga pala itong resto bar kaya naman pwede ka ring mag order ng pagkain at hindi lang puro alak.

Sa lagay ko naman ay hindi ako pwedeng umorder ng pagkain na may kanin dahil baka pag nalasing ako mamaya ay isuka ko rin ang mga ito.

Bukod pa roon ay alam naman nating hindi maganda ang amoy ng suka lalo na kapag sinamahan ng pagkain dahil tiyak may sasama at sasama talaga.

At alam niyo naman ako hindi ako magaling uminom at madali talaga akong malasing kaya naman nagiingat lang ako.

Isang order ng sisig at isang bucket ng red horse ang inorder ko.

Pagkatapos kong mag order ay naghanap na ako ng mauupuan.

Sa awa naman ng diyos ay may bakante pa kaya naman umupo na ako agad at hinintay ang mga inorder ko.

Pagkaraan ng kinse minutos ay nakita ko na ang paparating na waiter dala ang mga inorder ko.

Bago ako uminom at magpakalasing ay niluwagan ko na muna ang kurbatang suot ko upang makahinga ako ng maluwag. Pagkatapos noon ay nagsimula na ako sa aking paginom.


~~~~~~~~~~~


YAMATO (POINT OF VIEW)

Nitong mga nagdaang araw ay hindi sinasagot ni Cane ang lahat ng mga tawag at text ko sa kaniya.

Sa tingin ko ay iniiwasan niya ako at nagsimula lang ito noong muling may mangyari sa aming dalawa sa aking pinagtatrabahuhan.

Nagsisimula na tuloy akong magalala at magisip dahil sa tingin ko ay hindi maganda ang pakiramdam ni Cane.

Kasalukuyan akong nandito sa may sala ng aming bahay at kasama kong nanood ng tv ang panganay kong si Hanz o Hanzo sa buong niyang pangalan.

Ang bunsong anak ko naman ay nandoon sa taas at pinapatulog na ng asawa ko.

Matutulog na rin kaming dalawa ni Hanz, nagpapaantok na lang kami sa pamamagitan ng panonood ng tv.

Tiningnan ko ang telepono ko at mapasa hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa huling mensaheng pinadala ko kay Cane.

Ibababa ko pa lang sana ito noong bigla itong tumunog at rumihistro sa screen ang pangalan ng taong kanina ko pa gustong magparamdam sa akin.

Papa Cane calling...

Nagpaalam na muna ako sa anak ko at naglakad na ako patungo sa labas upang doon sagutin ang tawag para kahit bumaba man ang asawa ko ay hindi niya maririnig ang aming paguusap ni Cane.

"Hello, Papa Cane?" bungad ko.


Itutuloy...

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Where stories live. Discover now