To be with Her <3

64 5 7
                                    

"Ang ganda ko. Yeah! Yow! Maganda ako! Aha! Akala mo ha. Hmp!!" Ang wika ni Ayano sa sarili habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa malinaw na tubig ng ilog. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa tabi ng ilog. Naiinis kasi siya kay Sinbad, ang hari ng Sindria at matalik na kaibigan ni Aladdin, Alibaba at Morgianna. Palagi kasi siyang iniinis nito. Halos araw-araw siyang inaasar nito at ang nakakapikon pa ay sinasabihan siya nitong pangit, eh mas pangit nga ito eh. Talagang makakatikim na siya sa'kin kapag di niya ako tinigilan.

"Ayano, bakit nag-iisa ka dito?" Biglang tanong ni Morgianna at Alibaba na kararating lamang.

"Oh, kayo palang dalawa. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ayano.

"Namamasyal kami ni Morg dito, mabuti nga at sinamahan niya ako. Ikaw, 'bat nag-iisa ka dito?" Wika ni Alibaba.

"Wala lang, malamig dito eh tsaka tahimik. Masarap magpalipas ng oras dito. Hays!" Sagot ni Ayano habang ipinikit ang mga mata.

"Tama ka dyan Ayano, isa ang lugar na to sa napaka-tahimik at malinis. Dito din kami madalas magpalipas ng oras. Nga pala, hinahanap ka ni

Sin, nagkita na ba kayo?" Nakangiting wika ni Morg.

Napadilat naman agad ng mata si Ayano dahil sa narinig.

"Ano? Hinahanap ako ni Sinbad? Tsk! Bakit ano na naman kaya ang kailangan nun sa'kin?" Nakasimangot na tanong ni Ayano sa dalawa.

"Hindi ko alam Ayano eh." Sagot ni Morg.

"Baka namimiss ka lang niya Ayano." Natatawang sagot ni Alibaba.

"Namimiss? Hmp! Aasarin niya lang ako." Nakasimangot pa rin na wika ni Ayano.

"May gusto kasi sayo si — ." naputol ang sasabihin ni Alibaba ng takpan ni Morgianna ang kanyang bunganga.

"Huh? Sinong may gusto sa'kin?" Takang tanong ni Ayano.

"Ahmm .. Wala yon Ayano. Wag mong pansinin ang sinabi ni Alibaba." Natatawang sagot ni Morg.

"Ganun ba? Hahahaha Sige. Oh! San pa ang punta niyo?" Nakangiting tanong ni Ayano.

"Kahit saan Ayano, sige mamasyal pa kami ni Morgianna. Paalam." Nakangiting wika ni Alibaba.

"Eh? Nasaan si Aladdin?" Habol na tanong ni Ayano.

"Kasama niya si Yamraiha at Sharrkan. Sige, aalis na kami." Sagot ni Morgianna at hinila na si Alibaba paalis sa lugar na iyon.

Naiwan na namang nag-iisa si Ayano.

Nakapikit siya habang sinasamyo ang malinis na hangin. Nililipad ng hangin ang kanyang itim at mahabang buhok. Ninanamnam niya ang simoy ng hangin habang nakapikit pa rin.

Nagulat pa si Ayano ng may tumikhim sa kanyang bandang likod. Agad siyang napadilat at tumingin sa taong tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong ni Ayano sa nakatayong si Sinbad.

"Wala lang, bakit masama bang pumunta dito? Sa pagkakatanda ko, sakop ng Sindria ang lugar na to." nakangising sagot ni Sinbad sa kanya.

"Bakit may sinabi ba akong iba? Tinatanong ko lang naman kung bakit nandito ka?" nakasimangot pa rin na wika ni Ayano.

"Bakit ba lagi kang nakasimangot kapag kausap mo ako? Ngumiti ka naman para hindi ka madaling pumangit." natatawang sagot ni Sinbad.

"Tse! bakit naman ako ngingiti?" nakasimangot pa rin si Ayano.

"Ang pangit mo Ayano, wag ka kasing naka-simangot. Wala naman akong ginagawa sayo." natatawang wika ni Sinbad at umupo sa tabi ni Ayano.

"Alam mo, hindi naman kita inaaway kaya wag kang magagalit sa'kin. Binibiro lang naman kita eh." nakangiting dagdag pa ni Sinbad.

My Girl [One Shot Short Story]Where stories live. Discover now