"Mag-aalas tres y media na, masyadong mainit, huwag kang magtatatakbo sa labas ha."

Habang nagtatali ako ng buhok ko ay yumakap siya sa mga binti ko.

"Ateng sleeping beauty, tara po sa duyan, malamig po doon, doon po tayo magpahinga. Sabi po ni Aleng Letty e dadalhan ka na lang daw po niya ng maruya at juice. Tumulong po ako sa paglalagay ng harina dun, naghalo din po ako tapos lumayo po ako nung niluluto na. Sabi po ni Aleng Letty e baka raw po matalsikan ako ng mantika at saka po tampuhin raw po e, baka raw po maubos agad 'yong mantika." Kwento pa ni Eya habang naglalakad kami hawak-hawak ang kamay ko.

"Ate, bukas po ba kayo magtatanim ng mais?"

"Oo."

"P'wede po ba akong tumulong?"

"Kapag hindi mainit, p'wede naman."

"Ate, nangangagat po ba si Pega?"

"Hindi, mabait si Pega, mabait lahat ng kabayo natin dito sa Rancho."

"P'wede mo po ba akong turuan sumakay kay Pega? Gusto ko rin pong matuto mangabayo. Masarap po ba sa pakiramdam kapag tumatakbo ang kabayo?"

Mukhang okay na nga siya, matanong na ulit e.

"Oo, masarap sa pakiramdam pero nakakakaba sa una. Hayaan mo at kapag hindi ako busy ay tuturuan kita ha."

"Opo, salamat po."

Umupo kami pareho sa damuhan, napasandal ako sa puno ng mangga, nakakapagod.

"Ate."

"Hmm?"

"P'wede po bang ikaw na lang ang Ate ko?"

"Ha? Eh ako naman talaga ang Ate mo e. 'Di ba ako nga ang Ateng sleeping beauty mo?"

"Oo nga po pero gusto kitang maging Ate para sa Kuya ko, para kay Dada."

Napaayos ako ng upo.

"Ayaw ko po ng ibang Ate, ikaw lang po ang gusto ko. Lalong ayaw ko po sa step sister ni Cinderella, ayoko, ayoko po."

Hinawakan ko siya sa kamay at tiningnan g deretso sa mata. "Eya, ang Kuya mo ang pipili kung sino ang magiging Ate mo, kung sino ang gusto niya. At kung sino man ang piliin niya, mahalin mo rin katulad ng pagmamahal mo sa Kuya mo, at dapat reapituhin din ha."

"Basta ikaw lang ang gusto ko." Sabi niya at yumakap ulit sa akin.

"Meryenda mo." Iniabot ni Joepette sa akin ang maruya na nakabalot sa dahon ng saging.

"Salamat."

"Eya, hinahanap ka ni Nanay."

"Bakit daw po Kuya Joepette?"

"Bibihisan ka raw niya dahil amoy maruya ka na. Tingnan mo nga ang damit mo oh puro harina, balik ka na lang dito pagkatapos mong magbihis."

Tumakbo papunta sa kubo si Eya.

Umupo si Joepette sa tabi ko. "Dinalhan kita ulit ng tubig, alam kong ayaw mo ng juice."

"Salamat."

"Sabi mo sa akin kanina ay alam mo kung nasaan si Mang Jun, nasaan siya?"

"Nasa bahay siya." Kakagat na sana ako ng maruya pero–

"Ano? Paano siya napunta dun?"

"Nakita raw siya ni Tito Drammy." Pakagat na sana ako ulit.

"Paano siya nakilala ni Sir Drammy?"

"Eh paano kaya ako makakakain? Baka naman p'wedeng mamaya na ang tanong, hindi pa ako nagme-meryenda oh."

Napakamot siya sa ulo. "Sorry."

Minadali kong ubusin ang meryenda ko bago uminom ang tubig. "Nagulat na lang ako nung nakita ko si Mang Jun sa bahay, siya na ang bago naming hardinero. Nagtataka nga ako, hindi pa naman kami nakakapag-usap ng maayos ni Mang Jun. Aalamin ko ang plano niya tapos sasabihin ko sa iyo."

"Nakakapagtaka nga ano?  Paano niya nalaman ang bahay ninyo? Paano niya napapayag si Sir Drammy na doon siya magtrabaho e hindi naman siya magkakilala. Hindi naman sa pag-iisip ng masama Tyra pero hindi naman talaga natin kilala si Mang Jun, hindi nga natin alam kung Jun ba talaga ang pangalan niya, tinulungan lang naman natin kasi kailangan niya ng tulong nung panahong 'yon. Ano kaya ang pakay niya? Basta mag-iingat kayo ha, mag-iingat ka."

"Salamat sa pagpapaalala Joepette. Hayaan mo, sasabihin ko sa iyo lahat ng galaw ni Mang Jun."

Napahinto kami sa pag-uusap dahil biglang sumulpot si Eya sa tabi ko.

"Hindi na raw po ako amoy maruya Kuya Joepette, amoy baby powder na po ako." Sabi ni Eya at kumarga kay Joepette.

"Ang bango na nga. Hintayin natin ang Kuya mo, parating na 'yon."

Speaking of parating, may tricycle na ngang dumarating.

Binuksan ni Mang Nato ang gate.

"Kuya, ibaba mo na ako. Nand'yan na sila Dada." Sabi ni Eya at pagkababa ay humawak sa kamay ko. 

Naunang bumaba si Aleng Adela, lalapit sana ako para puntahan si Ely pero lumabas si Gwy galing sa likod at inalalayan si Ely kaya napaurong na lang ako ulit.

Nagkatinginan kami ni Joepette. "G-Gusto mo bang lapitan ang Kuya mo?" Tanong ko kay Eya.

"Mamaya na lang po Ate, baka po kailangan pa niyang magpahinga saka ayoko po lapitan 'yong ka-mukha mo." Nakasimangot na sambit ni Eya at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Joepette.

"Ikaw, ayaw mo bang lapitan?"

Sinuntok ko ng mahina sa tagiliran si Joepette. "Tigilan mo ako, wala kang alam." Bulong ko

"Lapitan mo, matutuwa 'yon."

"Nandoon naman 'yong ka-mukha ko, hindi ko na kailangan lumapit dun." Sabi ko at binuhat si Eya.

"Hindi mo manlang kukumustahin?"

"Mukha namang okay na siya." Sabi ko at umupo sa duyan.

"Hay naku Miss Tyra. Ako na lang ang lalapit, ako na lang ang magtatanong, kwenina lang tayo mamaya." Kikindat-kindat na sambit ni Joepette at bigla na lang tumawa.

Napailing na lang ako.

“Baril. Kotse. Bulaklak.”

Napakunot noo ako nang mabasa ko ang text galing kay Kaley, ano'ng ibig sabihin nun?

* End of Chapter 29 *

  — gytearah 🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now