CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Rain's Pov

"Yes okay don't worry I'll go after this" sabi ni Andromeda sa kausap nya sa phone.

Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa bago kong tutuluyan.Till now is nasa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Is that a dream?" bulong ko sa sarili ko.

"It seems very real."bulong ko ulit.

"Yes little Rain?ano yung sabi mo ulit??" Andromeda asked.Di ko namalayan na napalakas pala yung bulong ko.

"Ah nothing" pagtatapos ko ng usapan.Nginitian nya ko at di na ulit nagtanong pa.

Mga konting oras lang din ang lumipas ay nakarating na kami sa bago kong tutuluyan.

"We're here " Bry said.

"Aw the house is classy and gorgeous huh.You really have a good taste my little Rain." puri ni Andromeda at agad ko naman syang nginitian.

"Thank you Andromeda.I remembered that this is the dream house of my Mom and Dad ." pansin ko naman na agad nawala ang ngiti ni Andromeda at nagkatinginan sila ni Bry.

"Why?is there something wrong?" taka kong tanong sakanila.

"Oh nothing its just..." -Andromeda

"Oh about kagabi ba.Don't worry forget about that.Gusto korin magsorry kasi nagreact ako ng ganun.Its just I really became damn sensitive whenever I engage with some things na connected sakanila.Sorry Bry and especially Andromeda." paghingi ko ng pasensya sa kanila.Agad naman silang ngumiti.

"Okay enough with that.Let's go" pagyaya ni Bry sa amin at agad na kaming bumaba.

Kinuha na namin ang mga gamit mula sa likod ng kotse at pinasok na ito sa bahay.By the way yung bahay ay hanggang second floor sya.Sa second floor ay may tambayan ,kita dito ang magandang view ng mountain at lake.

Busy na nagaayos ng mga gamit sila Andromeda nang mapagdesisyunan kong umakyat muna sa second floor para magpahangin dito.Pagakyat ko ay wala pa itong kagamit gamit.Meron lamang itong upuan,salamin,table at ilang kakaramput na mga paintings.Mamaya ay ilalagay ko rin dito ang mga picture namin.

Naupo muna ako saglit sa upuan at kita mula dito ang magandang tanawin.Ramdam ko ang payapa sa lugar na ito.Ilang distansya rin sa bahay na ito ay makikita mo ang mga tahanan ng mga kapitbahay ko.

Mukhang hindi pala labas ang mga tao sa lugar na ito.Mukhang mga may kaya rin kasi ang mga nakatira.Mabuti naman at ganun.

*tok tok tok

Agad na nakatawag ng atensyon ko ang mga katok na iyon at agad akong napatayo sa pagkakaupo.Saan nanggaling yun?

*tok tok tok tok tok

Lumakas ang tunog neto ngayon.

"ANDROMEDA?" sigaw na tanong ko pero walang sumagot.

"hihihihihi" agad akong napalingon sa may kusina dahil parang may tumakbo papunta don.

"hihihihihi habulin moko" agad ulit akong napalingon kung saan ko naririnig ang boses na iyon.Parang galing sa bata ang boses at patakbo takbo.Nanggagaling naman ito ngayon sa hallway.Pagpunta ko sa hallway ay---

"hihihihihihihihihi" tumakbo ito sa may kwarto.Naka-awang ng bahagya ang kwarto at madilim.Gusto ko pumunta dito pero parang nagdadalawang-isip ako pero out of curiosity unti unti paring papunta ngayon ang paa ko dito.

Palapit ako nang palapit nang maaninag ko ang pigura ng bata at umiilaw mula sa dilim ang dalawang mata nito.Malapit na ko ng biglang sumara ang pintuan.Agad ko naman itong binuksan pero ayaw nito mabukas.

"hahahahahahaha" nakadinig ako ng tawa mula sa loob.Unti-unti kong nilapat ang tenga ko sa pinto.Kung kanina ay tumatawa ito ngayon naman ay hagulgol ang maririnig mo.

"Gusto ko lang naman maging masaya pero pinagkait nyo yun sa amin.Pinatay nyo yung pamilya ko.Pinatay nyo at ngayon kayo naman ang papatayin ko " galit nyang iyak at biglang tumawa kasabay nito ang pagbukas ng pinto,hinambalos ako nito ng malakas.Napaupo ako sa sahig at kita ko ang pigura ng bata na pinapaligiran ako ngayon habang nagsasabi ng---

"Papatayin kitaaaaaa!!!!" paulit ulit nyalang sinasabi yun habang umiikot sya sa akin.

"Tama na ano bang pinagsasabi mo!!" napaiyak nalang ako habang nakatakip sa tenga pero hindi sya natinag at patuloy parin ang pagsambit nito.Ramdam ko na ang pagkahilo.Maya-maya ay nakarinig ako ng mga paa na paakyat.

"Sky Rain! " tawag sa akin pero unti-unti na kong nilamon ng hilo at nawalan ng malay.












©swissgaze





















Rain,Rain go away(Go away Sky Rain)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz