Estong:
Talaga ba? Hindi mo ba naalala na binasted kita?

Ako:
And that was your loss, Estong. Yuck! I don't wanna remember that phase of my life. Bakit mo ba pinapaalala? Don't tell me you're falling for me now, and you want me to like you again!

Palagi kaming nasa Isla Verde noon tuwing holidays kaya talagang naging close kami na akala nila ay magkakatuluyan kami in the future. Maraming mabait doon at simple ang pamumuhay. Tito Cali's family had decided to live there since then, napupunta lang sila ng Laguna kapag may okasyon.

Estong:
Mandiri ka sa sarili mo, Cap. Asa ka pa. Hindi ka nga pasado sa type ko.

Napasinghap ako pero hindi nainsulto. It's just that ang kapal lang din ng mukha ni Estong kahit ganyan siya. Sobrang taas ng self-confidence niya, hindi nagigiba kaya nakakabilib siya. Inaayawan niya pa na tinutukso kami dati kasi raw hindi kami bagay.

Ako:
Hahaha! That's better.

Ako:
Anyways, you know Theius right?

Estong:
Theius Roscoe? Grabe ka magkagusto, halatang hindi mapapasayo!

Ako:
Damn you! It's not him! It's his friend!

They're not actually friends. They're frenemies.

Estong:
Reizhan Cordova? Hindi pa rin mapapasayo.

Ako:
Ganoon ba ako kapangit, Estong?

Duh. Those two aren't my type. Ayaw ko sa may pamilyang kabilang sa mga matataas masyado. Matapobre ang mga iyon at magiging hindrance pa sa relasyon ng mga anak nila. At madalas ay sila-sila lang ang dapat ang magkakatuluyan, iyong nasa circle ng mga elite families. They do arranged marriage most of the time.

I hate it. Sabi ni momsy, ganoon din daw ang pamilyang Zobel. Hanggang doon lang ang alam ko at curious ako hanggang ngayon.

Hindi naman arranged marriage sila momsy at popsy.

Estong:
Hindi naman pero kung tutuusin, mas maraming mas maganda at mas madali sayo na kayang-kaya nila. Hindi sila papahirapan. Aalilain at paglalaruan mo lang naman ang mga lalaki.

Ako:
You mean to say? 🤨

Tingin nila lagi sa akin ay nang-aalila at mapaglaro sa mga lalaki dahil papalit-palit daw ako ng dini-date. Last year, I dated eight boys. But I didn't date them at the same time, I was dumping them first then date another one.

I was trying to be serious! Nakakasawa rin kasing magpapalit-palit.

Estong:
Wala naman jejeje

Ako:
Wala sa kanila. It's Asta.

Napabuntong-hininga ako pagtapos i-send iyon. Nobody knows that, si Estong pa lang.

That freak, I like him. I don't even know why, I just found him so attractive. He wasn't even ideal for me. He's a bad boy, he stopped studying and he's just doing what he wants. In short, pabigat siya at walang pa yatang pangarap sa buhay. Mabuti na lang at mayaman sila.

Iyon ang nakakadismaya. Paano kung mag-date kami? Sa pamilya niya pa rin galing ang panggastos. At paano ko siya maipapakilala sa pamilya ko kung ganoon siya? Mabuti sana kung may mabigat na rason kung bakit kaso wala akong makita.

He was from a decent family and they're complete. There's really no reason for him to be rebellious.

Estong:
Tangina, bakit 'yon pa? Gago 'yon kaya pinatapon dito sa Isla Verde noon, alam mo naman 'yon! Ang alam ko nasa New Jersey na siya, paano mo pa nagustuhan 'yun?

Ako:
He's been staying here in Manila for eight months now.

Estong:
Ewan ko sayo, hindi ka marunong pumili. Kung hindi mapapasayo, 'yung nuknukan naman ng gago ang gusto mo. Puro ka kasi guwapo kaya ka nasasaktan.

Rouge Series #2: Dazed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon