Prologue

1 0 0
                                    

" Bye,Yris."

"Beans!"

" Ingat ka."

"Tuna!"

"Sori, hindi tayo makapunta sa dagat."

" Milk!"

"Wag niyo akong i-iwan!" Palahaw ng batang nagngangalang Yris.Halos lumuwa ang mga niyang matang walang kurap sa pagulantang habang tumutulo mula rito ang mga luha. Pilit niyang niyuyugyog ang mga balikat ng buto't balat na katawan ng mga kapwa batang nakahandusay sa paligid niya. Kahit halos mapunit na ang kaniyang labi sa kasisigaw sa pangalan ng mga kaibigan, hindi na sila muling nagmulat ng mga mata.

Buong araw siyang nakaupo sa tabi ng mga kaibigan.Walang imik at hindi gumagalaw na tila isa din siyang nanigas na bangkay. Tumigil na ang mga luha at hindi na niya maramdaman ang reyalidad. Wala na siyang lakas para tumindig o kumurap. May ngiti na naukit sa mukha ng kaniyang mga kaibigan, kahit pa wala na silang buhay. Ang kanilang huling ngiti. Gusto niya ulit umiyak ngunit bigla niyang naalala ang boses nila Beans, Tuna at Milk.Ang mga batang tinuring niya ng kapatid simula nang mamulat siya sa mundo ng Mud Valley ang tambakan ng basura ng kaharian ng Roma.
Tulad niya, sila rin ay ulila at walang tahanan. Sabay silang namuhay sa pangangalakal at pamamalimos sa bayan. Ngunit sa lahat ng araw, ang araw na iyon ay puno ng trahedya, lahat nang mga nakatira sa Mud Valley ay namatay sa malawakang panglalason ng Gobyerno. Dahil sa kagustuhan nilang linisin ang rehiyon,sila ay nagpasya na isama sa plano ang pagkitil sa mga naninirahan dito na sa kanilang opinyon ay mga mamamayang wala namang maitutulong sa pag usbong ng bayan.
" Upang mabawasan ang Populasyon." At sila ay napalaya sa krimen nang immoralidad.

" Paglaki natin, pumunta tayo sa dagat.Mabango daw ang hangin do'n."Wika ni Beans sabay tingin sa ulap.

" Tara!" Sabay na magayon nina Tuna, Milk at Yris. Mga pangalan na tinakda sakanila ng mga matandang basurero, mga salitang madalas nilang makita sa mga basura. Ngunit ang pangalan ni Yris ay hindi galing sa basura. Galing ito sa kaniyang magulang na sa pamamagitan ng isang panyo, kanilang ipinaalam na siya ay may pangalan.

" Malamig daw ang tubig, at kaya ka daw patulugin nang tunog ng mga alon."

" Ano ang alon?" Tanong ni Tuna. Ang pinakamaliit sa lahat.

" Ewan." Nagkamot ng ulo si Beans. Siya ang nagiisang lalaki sa grupo, siya ang protektor ng tatlong batang babae dahil kahit payat ay malakas at matapang ito.

"Baka parte ng dagat?" Paghula ni Milk. Sa kanilang apat siya ang mabilis magtanda sa mga detalye ng mga bagay bagay. Marunong din siyang magbilang.

" Huwag ninyo nang hulaan,para masorpresa tayo pag nakita natin."Nakangiting wika ni Yris at patalong inakbayan sina Tuna at Milk.

" Basta, paglaki natin, makikita natin ang dagat."

" Tapos kakain tayo sa tabi ng dagat, lahat ng pagkain na masarap."

" At pagkatapos uuwi tayo sa malaaakiiing bahay!"

" Matutulog sa malaaamboot na kamaaa."

Naghalakhakan ang apat na paslit, wala man laman ang sikmura, puno naman ng pangarap ang kanilang puso.

Sa kalagitnaan ng gabi, sa wakas ay gumalaw na si Yris. Isa isa niyang hinalikan ang noo ng mga kaibigan at hinagkan ang malamig nilang katawan sa huling pagkakataon. Kinumutan niya sila at inukit sa memorya ang payapang ngiti sa kanilang munting labi.

Sa edad na walong taon,kaniyang napagtanto na kailanman ay hindi na siya makakaahon. Tapos na ang kwento sa tagpong ito. Wala na ang kinabukasan at hindi na mararanasang lumaki at tumanda kasama ang mga mahal niyang kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fugitives Where stories live. Discover now