Nagsimulang magliwaliw ang mga mata ni Summer sa paligid ng café pero bigo siyang mahanap ang binabanggit ni Martin. Pero natigilan siya nang masilayan si Izen na mukhang nakikinig pa sa usapan nila. At nang magtama ang mga mata nila ay agad na nag-iwas si Izen.

She laughed. Imposibleng ito ang ibig sabihin ni Martin. Seriously, a guy? Nah.

Nagpapatawa ba si Martin, para kasing nag-iimbento na lang siya ng mga salita para ipahiya siya. But no, she's Summer Kim, for goodness' sake! No one had ever shamed her before and that will stand the test of time.

"You know what?” Muli siyang humarap kay Martin. “Sinasabi mo ba 'yan para tumigil na ang Dad mo sa paghahanap ng mapapangasawa mo? Alam mo, okay lang naman sa 'kin kung sasabihin mong ayaw mo sa akin. I'll make you fall in love with me then. Hindi mo na kailangang magpalusot. It will take time for you to finally accept me pero wala namang masama kung ita-try mo, right? I can wait naman. Your Dad just wanted to ensure that you'll end up with someone you can rely on. We can help one another naman---" Martin pushed Summer's hand away from him.

He raised his brows out of annoyance. "You don't know anything!---"

Natigilan ang dalawa sa pag-aaway nang may maglapag ng tasa sa mismong harapan nila. Nanginginig pa ang kamay ni Izen dahil sa tension na nararamdaman niya sa pagitan ng dalawa. Ilang segundo pa siyang napapalunok.

"A-ah...” Umawang ang bibig niya upang magsalita pero hindi siya makahanap ng salitang aakma sa sitwasyon. “Ito na po ‘yong---"

Inis siyang binalingan ni Martin for interrupting them, pero sandali lamang iyon dahil pumasok na namang kalokohan sa kanyang kokote na magpapabilis sa pagsolusyong problema niya.

He grinned as he lift his playful hands on Izen's buttom and gently touches it. "Haven't you told her about us, babe?"

Nanlaki ang mga mata ni Izen nang maramdaman ang kamay ni Martin sa pwetan niya. Para bang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao niya dahil sa ginawa nito, lalo pa noong pisilin na ito 'yon.

Sa gulat niya ay agad siyang napalayo kay Martin. Pinagsisihan niya naman agad iyon. Grabe, beh! Opportunity 'yon!

Tinignan siya ni Summer ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa dahilan para mapalunok si Izen. Iba na ang tingin sa kanya ng babae, parang kakainin siya. Wala siyang alam sa nangyayari at lalong naninigas siya ngayon dahil sa kamay ni Martin na nararamdaman niya pa rin sa pwetan niya. Maya-maya pa ay napatayo na si Martin at inakbayan siya.

Mas lalo siyang nataranta. Sheet! Anong happenings?

"A---ahh! Wala po akong---"

Pinutol na ni Martin ang gusto niyang sabihin. "You see, hindi ka na dapat nagsayang ng oras na sumunod sa utos ng Dad ko. Naghahanap lang talaga ako ng buwelo para sabihin sa kanya ang tungkol sa mahal ko. Actually, he's pregnant and anytime soon, magpapakasal na kami. Ginamit ka lang ng butihin kong ama so, I could unveil the truth sooner than he anticipated."

Nagulat si Izen sa sumunod niyang sinabi, sakto naman ang pagbukas ng pinto ng café at pumasok sina Kael at Akio na nagulat rin nang marinig ang sinabi ni Martin, especially when he pointed out Izen na shock pa rin. Natameme nang masaksihan ang pangyayaring 'yon. Wala silang lakas para makapagsalita dahil sa gulat.

Napakabilis ng pangyayari. Wala silang naintindihan pareho. Lalo na si Izen. Pina-process pa rin ng bobo niyang utak ang bawat salitang binitawan ni Martin. Like, ano daw?

Galit na kinuha ni Summer ang bag niya at sinadya niya pang dumaan sa pagitan nila Martin at Izen para mapaghiwalay sila. Nang tuluyang makaalis si Summer ay napangisi si Martin sa tuwa na may napa-walk-out na naman siyang babae. Well, as long as hindi pa siya tatantanan ng Dad niya ay mananatili talaga siyang bastos sa mga babaeng ihaharap sa kanya na hindi niya naman pinili in the first place.

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon