Chapter 12: Shadow in the middle of the night

125 5 1
                                    

~

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog kaya nagpas'ya na lamang akong magpa hangin sa beranda rito sa loob ng kuwarto ko.

Akala ko pag nagpa hangin ako sa labas makakaramdam na ako ng antok pero hindi pa rin. Kaya lumabas na lamang ako para uminom ng tubig dahil nanunuyot ang lalamunan ko.

Dala ko ang lampara habang tinatahak ang madilim na hallway rito sa palasyo. Ang sinag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag rito sa hallway galing sa malaking bintana, kaya hindi mas'yadong madilim pag naglalakad.

Ang tahimik. Walang ka tao-tao at alam mo'ng sa mga oras na ito lahat ng tao sa palasyo ay tulog na. Parang naging hunted ang palasyo dahil sa walang tao at madilim. Nangilabot ako habang tinatahak ang malawak na hallway. Pati mga painting na nakasabit sa dingding kinatatakutan ko ngayon.

Hindi naman ako mas'yado matatakutin pero kakaiba kase ang aura ng lugar na ito. Mahaba na hallway tapos sa dulo nito hindi mo pa makita dahil sa sobrang dilim.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at binaniwala ang takot na nararamdaman ko. Habang naglalakad papunta sa kusina bigla na lamang ako napa siksik sa gilid. Nagtatago dahil may bigla nalang akong may narinig na mga yapak ng sapatos sa hindi kalayuan. Buti nalang madilim kaya mabilis akong nakapag tago sa likod ng estat'wa. Nang marinig kong palapit na sila sa gawi ko ay mabilis kong hinipan ang dala kong lampara at sinilip kung sino ang may-ari ng mga yapak na iyon.

Nang silipin ko bigla nalang nangunot ang noo ko. Hindi ako pamilyar sa mga hitsura nila. Akala ko kase mga guards lang sa palasyo pero nagkamali ako. Hindi sila mga guards para silang mga assassin. May suot silang mga clock at naka takip ang bibig nila sa tela.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin kaya sinundan ko na lamang sila ng palihim kung saan sila pupunta. May hawak silang mga espada sa kamay. Nag iingat at napapalinga sila sa paligid habang naglalakad.

Hindi ko sila maiwan at makapag tawag ng tulong dahil pag lumabas ako sa pinagtataguan ko mahuhuli nila ako. Kaya sinundan ko na lamang sila at para malaman ko rin kung saan sila pupunta. Mamaya na ako hihingi ng tulog pag alam ko kung sino ang kailangan nila.

Umakyat sila sa malaki at malawak na hagdanan ng palasyo. Patungo ito sa mga kuwarto ng mga maharlika. Nando'n sila Duke Xander, Duke August, Princess Bella, nando'n rin ang kuwarto nila Cloud at Leofeon.

Mas lalo akong kinabahan. Parang alam ko na kung saan sila pupunta. Sinundan ko pa rin sila para malaman ko kung tama ba talaga ang hinala ko, at hindi nga ako nagkamali. Pumunta sila sa kuwarto ni Princess Bella. Binuksan nila ang pinto ng dahan-dahan. Biglang nanlamig ang kamay ko at tatayo na sana para humingi ng tulong nang maramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa takot.

Parang nagsisimula na ang kuwento. Napakapit ako sa antique na aparador pero nasagi ko iyong nakapatong na vase kung saan ako nagtatago.
Nang bumagsak ito sa sahig biglang napa lingon ang natirang mga lalaki sa labas ng kuwarto ni Princess Bella.

Narinig ko nalang sa loob ng kuwarto ni Princess Bella ang malakas na boses ng pag tili niya. Habang nando'n ang atensyon nila sa Prinsesang nagising ay tumakbo ako palayo para mag tawag ng tulong. Pero dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Bigla akong nadapa sa hallway. Nahabol naman rin ako ng mga assassin at pinaharap ako. Nakahiga ako at may pumatong na isang assassin sa akin habang hawak nito ang mga kamay ko.

Nagpupumiglas naman ako pero hindi ko magawa ang makaalis dahil sa sobrang lakas niya.

"Sayang ka. Ang ganda mo pa naman. Pero dito na magtatapos ang buhay mo. Malas mo at nakita mo kami binibini."
Sabi niya sa akin at itinaas ang hawak niyang espada para saksakin ako.

Reincarnated as a Maid who killed the Princess (On Hold )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt