CHAPTER 1

5 0 0
                                        

Maaga pa lang ay gising na ako. Ramdam ko pa ang hapdi ng katawan ko mula sa dami ng gawaing bahay kahapon, pero agad pa rin akong bumangon. Kailangan ko pang balutin ang mga panindang sibuyas, kamatis, at kalamansi para sa maliit naming pwesto sa palengke.

"Destiny, kumain ka muna. Maaga ka pa sa palengke. Nagsaing na ako, ulam na lang ang kulang," sabi ni Itay habang umiinom ng mainit na kape.
"Sige po, Tay. Maliligo lang ho ako tapos diretso na ako sa pwesto," sagot ko. Tumayo ako, nagtimpla ng kape, at saglit na tumabi kay Itay sa lamesa.
"Yung mga kangkong kay Mang Benji, kunin mo na rin. Dalhin mo sa pwesto para maibenta."

Pagkatapos uminom ni Itay, pumasok na siya sa kwarto para asikasuhin si Inay na may sakit. Ako naman, mabilis na naligo, nagbihis, at nagpaalam kay Inay.

Simpleng damit lang ang suot ko komportable at pang-hakot. Dumiretso ako kina Mang Benji kung saan nakaayos na ang isang malaking plastic na puno ng kangkong. Para na akong delivery girl sa hirap ng pagbuhat, pero sanay na ako.

Habang naglalakad ako sa kalsada, napansin kong may mga batang naglalaro. Nilakihan ko ang iwas ko sa kanila pero napagitna ako sa daan at ng saktong may paparating na kotse.

"Ahhh!" sigaw ko dahil sa takot na baka mamatay na akong hagard.

Nanginginig ang tuhod ko sa kaba. Muntik na talaga ako! Bigla itong huminto, at may bumabang lalaki na halatang mayaman.

"Hey! Are you blind?!" sigaw niya sabay tanggal ng shades.
Seryoso? Ang kapal ng mukha!
Kuya, hindi ko naman ho sinasadya. Ikaw na nga 'tong muntik na makabangga, ikaw pa 'yung galit?" bawi ko sa kanya.

Buti na lang talaga at hindi ko red days kung hindi, baka naihagis ko na ang kangkong sa mukha niya.

"I'm in a hurry. If you're okay, then I should go," malamig niyang sambit bago bumalik sa sasakyan.
Wala man lang sorry! Pero, infairness... guwapo.

Naisip ko, hindi siguro siya taga-rito at baka bagong lipat lang. Bihira kasing may gano'ng klaseng kotse sa Cabanatuan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa palengke. Binuksan ko ang tarapal ng pwesto namin at inayos ang mga paninda. Saktong dumating si Aleng Linda, isa sa mga suki kong kasambahay sa isang subdivision.
"Good morning, Destiny! Isang kilong kamatis, sibuyas, patatas. Limang talong, tatlong taling sitaw, limang taling kangkong. May gabi ka ba? Isang kilo rin. Ay! Singkamas at sinigang mix!"

"Marami-rami po ito, Nay Linda. May kasama po ba kayo? Gusto n'yo po ako na lang magbuhat?" alok ko.
Isa-isa kong kinuha't binalot ang mga paninda niya. Pinabantay ko muna ang pwesto sa kapitbahay naming tindera, saka namin binuhat ang mga gulay papunta sa tricycle. Si Nay Linda ang humawak sa magagaan, samantalang ako naman mukha na namang delivery girl sa bigat ng bitbit ko.
Pagdating sa subdivision, sinalubong kami ng tahol ng aso. Pagbukas ng gate, lumabas si Mika, kasambahay rin doon.

"Ay naku, Nay Linda! Ang bigat nito. Bakit hindi ka nagpasama kay Manong?" tanong ni Mika, sabay tingin sa akin. "Sino 'tong maganda mong kasama?"

"Ay, si Destiny. Sa pwesto nila ako bumibili. Presko at mura," sagot ni Nay Linda.

"Pasok muna kayo. Halatang pagod na si Destiny. Ang bigat ng bitbit mo!" alok ni Mika sa akin.

"Sakto, dumating na si Amo. Mukhang masama na naman ang timpla. Wala talagang araw na 'di siya bad mood," bulong niya pa.

Biglang bumukas ang pintuan.
"Who are you talking"
Pamilyar ang boses. Paglingon ko, nagtama ang mga mata namin.

"Ikaw?!" sabay naming sigaw.

"You?! What is she doing here? Palengke girl?" inis niyang tanong.
"Huy! May pangalan ako Destiny!" giit ko.

"Whatever. Why are you here? Are you stalking me?"

Grabe 'to! Pwede na bang isampal ang kangkong sa pagmumukha niya?
"Ay iho, nagkita na pala kayo," singit ni Nay Linda.

"Yeah. Kanina lang. Muntik na niyang masira kotse ko. Siguro suhol niya 'tong gulay," sagot ng arroganteng 'to.

"Kapal mo! Ikaw na nga 'tong muntik na makabangga, ikaw pa ang galit?!" bulyaw ko sa kanya.

"Ay, tama na 'yan," awat ni Aleng Linda. "Papasukin muna natin si Destiny. Tinulungan niya akong buhatin 'yang mga gulay."

"Hindi na po, Nay Linda. Pinaiwan ko lang saglit ang tindahan. Babalik na po ako," paalam ko agad. Ayoko nang makasama ang taong 'to sa iisang kwarto.

Naglakad ako paalis, pero sa laki ng bahay nila, hindi ko mahanap kung saan ang labasan!

"Where are you going?" mahina pero may tono ng inis na tanong niya.
"Jacob! Wag mong pag-initan si Destiny. Mabait 'yang bata," sigaw ni Nay Linda sa kanya. Ah, Jacob pala ang pangalan ng masungit na 'to.

Sinamahan ako ni Mika palabas. Nagpaalam ako at nagpasalamat sa kanya. Habang naglalakad ako palabas ng gate, ramdam na ramdam ko ang mainit at nakatitig niyang mga mata sa likod ko.

Kaya naman bago ako tuluyang lumabas... nilingon ko siya, binigyan ko siya ng matalim na tingin
sabay labas ng dila ko sa kanya.

Beautiful Pretender(Ongoing)Stories to obsess over. Discover now