Chapter 5

22 0 0
                                    

Christopher's POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos kong matanggap ang sulat na iyon ay dina ako muli pang nakatanggap ng liham mula sa taong iyon.

Hindi ko alam kong dapat ko bang ikatuwa iyon o dapat kong ipangamba. Wala na rin akong natatanggap na email sa kanya, mukhang tumigil na rin sya kakakuha ng litrato sakin ng palihim.

Unti unti nang bumabalik yung sigla ko sa trabaho. Kung noon ay kada pasok ko ay kinakabahan ako, ngayon ay hindi na. Sana nga ay magtuloy tuloy na, sana nga ay tumigil na sya.

Labis din ang tuwang naramdaman ng mga kaibigan ko, sumisigla na daw kasi ako. Sabi din nila na bumabalik na yung Chris na kilala nila, yung late umuwi at laging maaga pumasok. Sa tingin ko kasi ay  tumigil na sya ng tuluyan, kaya din ulit ako natatakot na magpa-overtime.

Kasalukuyan kaming nasa karinderya ngayon at kumakain.

"So, kailan mo balak mag leave?" tanong sa akin ni Shaira saka sumubo.

"Next month siguro. " sagot ko saka sumubo din.

"Ilang araw mo balak mag leave?" tanong ulit ni Shaira saka muling sumubo.

"7 days lang, uuwi ako sa probinsya. Namimiss kona sila nanay eh" sabi ko saka muling sumubo.

Matagal-tagal na rin nung huling uwi ko sa probinsya. Uuwi ako dun dalawang araw bago yung kaarawan ng kapatid ko, magtatampo na yun kapag di pa ako umuwi sa birthday nya.

"Buti naman at tuluyan nang tumigil yung nagbibigay sayo ng letter!" biglang usal naman ni Ed, tumango naman ako.

"Oo nga eh, sumuko din sya." sabi ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos ang oras, bumalik na kami sa kumpanya at muling nagtrabaho.

Ilang araw na ding wala si Sir Ethan, pumunta daw sya sa New York para bumisita din sa pamilya nya. Meron naman syang pinalit sakanya pansamantala para may magmanage parin sa kumpanya nila kahit papaano, walang sinabi si Sir Ethan kung kailan ang balik nya.

Medyo matanda na yung pansamantalang pumalit kay Sir Ethan, pero sobrang ganda nya. Sa tingin ko ay hindi bababa sa 45 ang edad nya, sobrang puti nya at tulad ni Sir Ethan ay sobrang lalim din sya kung tumingin. Baka kadugo nila ito, makikita naman sa tindig at kung paano sya tumingin.

Dumaan ang oras na abala ang lahat sa trabaho, nakabantay kasi yung babae, kada minuto ay lumalabas sya at naglalakad lakad, pinapanood ang bawat galaw namin. Mukhang mas strikto pa ito kay Sir Ethan.

Mag aalas dies na nang matapos ko ang ginagawa ko, linigpit kona ang mga gamit ko saka ako bumaba ng building.

Nang makalabas ako ay diko mapigilang mapatingala sa kagandahan ng buwan, napakalaki at napakaliwanag. Diko mapigilang mapangiti habang nakatingala sa kagandahan ni Luna, nakakahumaling syang pagmasdan hindi nakakasawa.

"aw aw" Sa di kalayuan ay may narinig akong huni ng tuta kaya lumapit ako kung saan galing ang tunog. Di nga ako nagkakamali, kulay itim at puti ang tuta, napakadungis at payat.

"Andugyot mo naman! " sabi ko, kausap ang tuta. Lumapit sa akin ang tuta saka dinilaan ang sapatos ko. Naupo ako saka ito hinaplos, magaspang ang katawan at mabaho ang amoy. "Baho mo, wala bang may ari sayo?" usal ko sabay tingin sa paligid.

Malamang bobo, kung may nagmamay-ari yan e di sana hindi ganyan karungis yan,

Diko alam kung iuuwi ko ito, bukod kasi sa mabaho at dugyot ay may kahati ako sa pagkain. Tinitigan ako sa mata nitong tuta kaya naawa ako, nagpapaawa para maiuwi. Tinignan ko ang kasarian nito at lalake ang tuta kaya natuwa ako, mas gusto ko kasi ang lalaking hayop kesa sa mga babae.

28 Days in HellOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz