Chapter 2

45 1 0
                                    

Christopher's POV

Nagdaan pa ang mga araw na ganon ang sitwasyon ko, ang ikinababahala ko na lamang ay kong sa mismong apartment na nya ako makunan ng litrato.

Hindi naman sana,

Nakatitig na naman ako sa liham na nasa lamesa ko, wala talaga akong ideya kong kanino nanggagaling ito.

I'm not sure why, but every time I see your expressions as you read these letters, I am incredibly delighted inside.

I have greater cravings as time goes on.

                                                             - your admirer

Diko alam kung anong ibig sabihin ng huling salitang iyon. Sa totoo lang ay diko malaman kong lalake ba o babae ang nagbibigay saakin ng ganito. Pero isa lang ang masasabi ko, natatakot na ako.

"Woi, napapansin namin na araw araw ka ng balisa, lagi ka na ring late at ayaw mo na mag overtime, may nangyari ba?" biglang sulpot na usal ni Shaira, napatingin naman ako sakanya saka ngumiti.

"Wala wala, okay lang naman ako wag mo akong intindihin" sabi ko na lang.

"Yung totoo? Pwede ka naman magsabi saamin" sinserong usal pa nya.

"Oo, wag kang mag alala, sasabihin ko sainyo kung meron man, salamat" sinserong usal ko din.

Ayokong ipagsabi kahit kanino, ayokong mandamay ng ibang tao.

Lumipas na naman ang oras na busy ang lahat, bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Tinatawag ako ng kalikasan.

Tumayo na ako at naglakad papuntang cr, sa pagmamadali ko ay diko napansing may nabangga na pala ako. Humingi na lamang ako ng paumanhin at diko na tinignan kong sino iyon dahil naiihi na talaga at nahihiya rin. Wala din naman akong narinig na sinabi nya.

Nang makarating ako sa cr ay agad na akong umihi, nakaramdam naman ako ng ginhawa. Pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay saka sandaling tumingin sa salamin.

"Sana matigil na to, natatakot na ako! " mahinang usal ko sa sarili. Pagbalik ko saaking upuan ay may liham na naman sa aking lamesa, agad akong naupo at binasa ang nakasulat.

Ohhh, to smell the fragrance of your hair,
                                                         - your admirer

Mukhang malalaman kona kong sino ang naglagay nito dito, sa dami namin dito ay imposibleng walang nakakita maski isa. Agad akong tumayo at nagtanong tanong kung sino ang naglagay ng liham na iyon sa aking mesa.

"Nakita moba kung sino naglagay nito sa lamesa ko?" tanong ko sa pinakamalapit na kasama ko sa mesa ko.

"Hindi eh, busy ako kaya diko napansin" sabi nya.

"Ikaw?" tanong ko sa katabi nya ngunit umiling din sya.

Halos tinanong kona lahat ng malalapit sa table ko pati na rin yung mga nasa malalayo sakin ngunit iisa lang sagot nila.

"Hindi ko napansin"

"Wala akong nakita eh"

"Wala, pasensya na"

Bigo akong naupo sa aking table habang nakatingin sa liham na iyon. Imposible namang walang nakakita maski isa, alangan namang bigla na lang tong nalagay dito o baka dalawa talaga ang binigay nya saakin sa araw na ito at diko lang iyon napansin.

28 Days in HellWhere stories live. Discover now