The Begining

19.2K 373 12
                                    

Isang gabi may isang pangyayari ang di inaasahan. Ang gabi kung saan nakakagimbal ang mga pangyayare. Ang gabi na sana ay isang panaginip nalamang.

Nagkakagulo ang lahat, marami na din ang nasawi, dumadanak ng dugo sa paligid ito ang kaunaunahang Gang War na nangyari.

Marami ang pilit na lumalaban marami ang pilit gusto makaalis sa mga oras na iyon.

Mga taong gusto paring mabuhay hindi lang para sa sarili nila pero para na din sa kanilang mga pamilya.

Sa kabilang dako naman habang nag aaway at dumadanak ang dugo may dalawang mag asawa ang nagsasagutan.

Hindi sana mangyayare ang lahat ng ito Dan kung hindi lang sa kawalang hiyaan mo."Sigaw ng isang babaeng 30 anyos ang edad.

Ngiti lamang ang masisilayan mo sa mukha ng lalaking nag ngangalan ay Dan.

Hindi ko kasalanan kung mga tanga ang mga gangster at assassin na yan basta ang alam ko natutuwa ako sa nangyayare."sabi nito sabay tawa at palakpak

Hindi alam ng mag asawa na may isang bata ang nagmamatyag at nakakarinig ng usapan nila.

Tama na please tumigil kana nababaliw kana, hindi mo alam na maraming tao na ang nagbuwis ng buhay nila para sa Gang War na ito " bulyaw ng babae dun sa lalaki

Tumahimik ka Clara ang dami mong alam kung ako sayo, wag kang pakialamera kung ayaw mong madamay sa gulong ito " maawtoridad na sabi ni Dan sa Clara

Hayop ka talaga Dan, pinagsisisihan ko nakilala kita, pinagsisihan ko na pumayag ako magpakasal sayo, bahala ka sa buhay mo aalis kami ng mga anak mo " Sabi ng Clara at akmang aalis na sana siya ng bigla siyang sabunutan ng kanyang asawa.

Hindi kayo aalis, walang aalis, at isa pa ang mga anak mo ang susunod sa yapak ko" sabi nung Dan habang nakahawak parin sa buhok ng kanyang asawa.

Hindi ako papayag na matulad sila sayo, hindi ako papayag na maging demonyo sila katulad mo" Dahil sa galit nung Dan Sinakal niya ang kanyang asawa.

Tsskk.. masyado kang madaldal Clara , wala akong pake sayo ang importante may magmamana sa trono ko at dapat ang mga anak mo yun, at siya nga pala Oo demonyo ako kaya ng ngayon palang paalam na kasi ako mismo ang papatay sayo " sabi ng lalaki na nanlilisik ang mga mata sinasakal na niya ngayon ang kanyang asawa.

Agad niyang kinuha ang baril at walang alinlangan na pinutok sa tiyan ng kanyang asawa.

Ha...yop ka..a, mag..babaya...d k...a" naghihinang singhal ng babae

Wala akong pake, paalam aking munting asawa. Kung di kalang sana pakialamera at madaldal hindi sana tayo aabot dito " sabay saksak ng punyal sa dibdib ng asawa at umalis na.

Sobrang nanghihina ang babae, maraming dugo na din ang nawala sa kanyang tiyan at isama mo na ang saksak sa kanyang dibdib.

Agad namang lumabas sa kanyang pinagtataguan ang batang babae, agad siyang lumapit sa naghihingalong si Clara.

Dadalhin ko po kayo sa hospital " naawang sabi ng bata habang inaalalayang tumayo ang Clara pero hindi niya ito kaya kasi maliit pa lamang siya.

Hi...ndi na Ih...a Ma....matay N...a a..ko"
nanghihina na sabi ng babae pero may kinukuha sya sa kanyang bulsa. Nang makuha niya ito inabot niya ito sakin ang isang pendant.

I...ha ita...go mo i..to, Ma..gagamit mo yan ba..lang a...raw" naguguluhan namang tinanggap ito ng batang babae, kahit di niya alam kung para saan ito.

Pa-ki u-sap t-angg-alin m-o ang pun-yal, pa-sabi n-a di-n s-a mga a-nak k-o ma-hal k-o si-la " at bigla nalang ito nalagutan ng hininga

nabigla ang bata sa mga pangyayare, hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman, hindi niya din alam kung para saan ang binigay na pendant ng babae pero isa lang ang sinigurado ng batang babae, gusto niya makamit ang hustisya para dun sa namatay na babae kahit hindi niya ito kilala.

Sinunod niya ang utos ng babae ang kuhanin ang punyal na nakatarak sa dibdib nito agad niya itong kinuha.

pero hindi niya alam may batang lalaki ang nakakita ng pagtanggal ng punyal at inakalang pinatay ng batang babae ang kanyang Ina.

Anong ginawa mo sa aking INA " Malamig nasabi ng batang lalaki.

Hindi tumingin sa likod ang batang babae nanatili siyang kalmado.

Pinatay mo si Mama magbabayad ka" Madiin na sabi ng batang lalaki, halata sa boses nito ang pag hihinagpis at galit.

Hindi ako ang pumatay sakanya " di parin ito lumilingon

Mag sisinungaling kapa?kitang kita ko kung paano mo kinuha ang punyal " madiin parin na sabi ng batang lalaki.

Wala kang alam, hindi mo alam ang mga nangyare" malungkot na saad ng batang babae at tumayo pero nanatiling nakatalikod.

Wala akong pake, tama na ang nakita ko para masabing pinatay mo ang mama ko" batang lalaki

Tssskk paniwalaan mo ang nakita mo yan ang gusto mo eh" at naglakad na palayo ang batang babae

Naiyukom ng batang lalaki ang kanyang kamao

Pagbabayaran mo ito satamang panahon, hahanapin kita kahit nasaang lupalop kaman ng mundo at ako mismo ang papatay sayo " Sabi ng batang lalaki habang nakayakap na sa mama nito napahinto naman sa paglalakad ang batang babae pero nagpatuloy na din ito sa paglalakad at umalis na sa lugar

Hindi man nakita ng batang lalaki ang mukha ng batang babae pero tinandaan niya ang Tattoo sa bandang likod ng batang babae na umiilaw pa sa dilim

~~~~~~~~~~~~~
<Back To Reality >
×Sappire P.O.V×

Agad akong napaupo sa aking kama. Napaginipan ko na naman ang mga pangyayare apat na taon na ang nakakaraan

Bakit sariwa parin ito saaking alaala? bakit masakit parin para sakin mapagbintangan sa isang kasalanan na di ko naman ginawa bakit paulit ulit ko nalang ito nakikita sa aking mga panaginip.

Isang masamang panaginip ng nakaraan na ayoko nang maulit pang muli" bulong ko sa aking sarili

~~~~~~~~

A/N:

Thanks sa pagbabasa :)

~DeathVampire

Fb Group: DeathVampire Readers


The Bloody Demon (Book 1&2)Where stories live. Discover now