Pasaglit niyang tiningnan Ang palad niyang Ngayon ay nakabukas, nanginginig ito na para bang Anu Mang Oras Wala Nang balak pang tumigil. Isa nalamang mahabang buntong hininga Ang kaniyang pinakawalan habang Nakatitig sa mga kamay nito.

" Hindi ko alam kung kelan ka titigil sa panginginig, pero sana Naman... Wag kanaman sanang makaapekto pa sa laro ko." Mahina niyang bulong sa sarili matapos ay tumingin kung asan Ang kulay asul na dagat na mismong Nasa harap lamang Niya. Habang inaalala Ang mga nakaraan nila Nang matalik nitong kaibigan na Si Miyo Ishikawa.

                               FLASHBACK

" Miyagi! Hindi dapat pinupwersa Ang opensa kapag balak mong eh shoot Ang bola. " Wika nito habang dinidribble Ang bola sa mga kamay nito.

" Ha? Hindi ka makakawala kung Hindi mo pwe-pwersahin." Angal Naman Niya rito Nang bahagya Siya nitong tawanan.

" Kapag matumba Ang nagbabantay sayo, may posibilidad na makagawa ka Nang foul... Maaaring maibigay mo pa Ang pagkakataon sa kalaban mo." Paliwanag nito sakaniya, matapos ay itinuro Ang tamang pamamaraan Nang paglalaro... Mula sa pinaka basic papunta sa pinaka major Nang laro.

" Alamo? Gusto Kong maging kagaya mo Miyo, gusto Kong makasali sa All-star kagaya mo... Balak ko ring makilala Nang saganun masuklian ko ang pagtuturo mo sakin." Aniya habang nakatingala sa liwanag Nang buwan... Pasimpleng napangiti Ang binatilyo sa itinuran Nang kaibigan Niya... Pakiramdam Niya Ang idolohin Nang Isang kaibigan Ang pinaka magandang achievement na nakuha Niya para sa sarili.

" Darating din Ang Araw na yon Miyagi, lagi mo lang tatandaan na kapag Nasa Oras ka Nang laro, isipin mo Ang mga Taong umaasa sayo... Nang saganun matalo mo Ang bagay na posibleng makatalo sayo." Mahabang pahayag nito Kay Miyagi habang Nasa maliwanag Rin na buwan nakatingin...

" Isipin mo Rin kung Ano Ang kinakatakutan mo at Hindi para matantiya mo Ang dalawang Yun pagdating Nang Araw. Ano ngaba Ang kinakatakutan mo? " Dagdag pa nito sa sinabi, bahagya Namang nagbaba Nang tingin si Miyagi papunta sa gawi nito bago magsalita.

" Natatakot akong makalaban ka Miyo... Ayuko Yun." Seryosong wika nito...

" Ano kaba, panigurado kapag nangyare Yun mas magaling kana." Patawang sambit nito sakaniya.

" Seryoso Ako Ron, Yun Ang Isa sa pinaka kinakatakutan ko... Naiisip ko palang Yun para nakong nawawalan Nang kompiyansa sa sarili. Hindi birong ikumpara sayo Miyo, kahit gano Nako kagaling Basta Ikaw Ang kalaban ko parang Wala parin kung ikukumpara Yun sakin." Mahabang Turan ni Miyagi rito na nakapagpatahimik sa buong paligid. Bata palang lagi na Silang ipinagkukumpara ni Miyo, maging sa acads ay lagi itong nanalo.... Nanliliit si Miyagi sa sarili dahil sa kahit ano Mang larangan tinatanggap niyang Hindi Niya matatalo Ang kaibigan. Bahagya Siya nitong tinapik sa balikat dahil simula pa Pala noon ito na Ang nararamdaman Nang kaibigan Niya satuwing ikinukumpara ito sakaniya. Taliwas sa inaasahan Niya Ang sasabihin nito pagdating sa bagay na kinakatakutan nito sa Buhay. Bigla siyang nakadama Nang panandaliang Inis sa sarili... Hindi Niya ginustong maging threat Siya sa kaibigan Lalo nat Ang gumaling lang Naman Ang hangad Niya para rito.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now