Chapter 2

342 6 0
                                    

Chapter 2

"Kiss daw!"

Nikolaus looked seriously at Mayor Salvacion. Nakita ko naman na parang natakot si Mayor sa kanya kaya nagsalita na s'yang muli.

"Congratulations, newlyweds." Saad nito.

"Walang kiss?" Singit ko. "'Di ba kapag kinasal may kiss dapat?"

"Do you really want us to kiss?" Seryosong sabi ni Nikolaus.

"Wedding 'to, eh. Hindi kumpleto kung wala 'yun."

"Kiss na yan!" His foremen shouted again.

"'Wag nalang. We don't need to kiss just to prove our wedding." Bawi ko. Tsaka hindi ko rin naman gusto na halikan siya.

Nagpasalamat kami lalo na ako kay Mayor Salvacion. Humingi rin ako ng sorry dahil na-late kami ng dating kanina ni Nikolaus dahil kumain pa kami. Nakakahiya naman dahil baka marami pa s'yang gagawin at pinaghintay pa namin.

Bago kami umalis ng office ni Mayor Salvacion, nauna na kaming bumaba nina Briggs at nagpaiwan saglit si Nikolaus dahil may pag-uusapan pa ata silang dalawa ni Mayor. Hindi ko na tinanong kung ano iyon.

"Wait, uuwi na tayo?" Sabi ko nang mag-aya na si Nikolaus pauwi.

"What do you expect? To have a catering service for our civil wedding celebration?" Tumaas pa ang kilay niya.

"Ay, hindi ba?"

"I still have a meeting. I'm busy, woman." Woman pa rin? Eh, asawa niya na nga ako!

"Okay. 'Wag nalang." Hindi na ako nagpumilit pa.

"Ipapaluto nalang kita kay Manang ng makakain, Malia." Bulong sa akin ni Briggs pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako kay Nikolaus.

I hate him!

He doesn't care at all.

Sabagay, ano pa ba ang inaasahan ko? This wedding is all about pretending and planned. I should have expected it, considering how he treated me. The way he treated me as his wife.

Wife nga ba? Eh, woman nga lang ang tawag niya sa akin.

Habang pauwi na kami ng mansyon, hindi inaasahang may sumalubong sa amin na mga van at harangin kami. Nagpaulan sila ng mga bala kaya agad akong niyakap ni Nikolaus at sabay kaming yumuko para hindi matamaan ng mga bala.

"A-Anong nangyayari?" Nagpapanic kong sabi. Nagsimula na akong lumuha habang nanginginig ang mga kamay.

"Hey, hey," hinawakan ako ni Nikolaus sa magkabilang pisngi. "Look at me..." Tumingin ako sa kanya pero panay pa rin ang agos ng luha ko. "Calm down. I'll protect you, okay?"

Bababa na sana siya ngunit mabilis ko s'yang hinawakan sa damit para pigilan s'yang bumaba. Hindi ako makapagsalita sa takot kaya tanging iling nalang ang nagawa ko. Baka mamaya ay may mangyari pang masama sa kanya kapag bumaba siya.

"Just stay here, I'll take care of everything." Malumanay na sabi niya at laking gulat ko nang bigla s'yang maglabas ng baril. Hindi ko napansin kung saan niya iyon hinugot o kinuha dahil nagpoprose pa ang isip ko sa nangyayari at sa kanya lamang nakatingin.

Pero bakit nga ba may baril siya?

Bumaba siya ng Lamborghini, hawak-hawak iyong baril niya. Napatakip pa ako sa tainga ko ng sunod-sunod na palitan ng putok ang narinig ko mula sa labas kahit nakayuko na ako. Kahit sina Briggs ay alam kung paano gumamit ng baril. Na tila bang bihasang bihasa sila sa pag-gamit nito. Na tila alam nila ang gagawin at walang pakielam na makapatay ng tao.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon