Nilapag niya ito sa table malapit sa flat screen ni Jacob.

"Rosie, tawagin mo lang ang dalawang 'to pag may kailangan. Nasa second floor lang sila."

Tumango ako at umalis na sila.

Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang nag sho-shower na si Jacob. Tinignan ko ang t-shirt na soot ko na may nakalagay na Nike at ang shorts ay Adidas. Bakit di ko yun nakita noon? Halos lahat ng gamit niya ay masyadong branded para sa isang magsasaka. Imposibleng mahirap siya! Hay! Ang tanga ko talaga. Inamoy ko yung t-shirt niya. Grabe! Sobrang bango. Kasing bango niya!

Naisipan ko ring tignan ang mga dvds niya malapit sa flat screen. Ilang minuto akong nagbabad sa dvds niya nang nakita ko ang mga maninipis na dvd na nakatago sa isang drawer. Puro yun... errr. porn. Natawa ako. Siguro ay dito siya nakakuha ng mga moves niya. Hindi ko kayang tignan ng higit sa tatlong segundo ang bawat cover ng mga dvds na yun. Bigla siyang lumabas sa shower niya kaya nabitiwan ko ang dvds na yun.

Nalaglag ang panga niya nang nakita akong nagpapanic na pinupulot ang mga iyon. Tinulungan niya ako sa pagpulot.

Tumawa ako, "Nanonood ka pala nito!?"

Namula siya at di ulit makatingin sakin nang nilagay ito sa drawer at sinarado. "M-Masama ba? I-Itatapon ko ba?"

Umiling ako at halos di na makahinga sa pag tawa.

I know. Boys will always be boys pero natawa lang talaga ako sa nangyari.

"Kaw ang bahala. Hindi naman yan akin!" Tumawa ulit ako.

"Pero i-ikaw ang girlfriend ko. M-May karapatan kang pag bawalan ako sa kahit ano..."

Natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Parang kinukurot ang puso ko. Para bang naramdaman kong kaya niyang gawin lahat para saming dalawa.

Biglang nagpakita sa pintuan ang isa pang katulong.

"Sir Jacob, may bisita po kayo." Aniya.

"Sino?"

"Si April. Nasa baba siya naghihintay." Tapos umalis yung katulong.

"Ah! Siguro bibigyan niya ako ng regalo." Wika niya.

At anong regalo iyoooon? Grabe lang yung mood swing ko. Agad nag switch! Climate change! Bakit naiinis ako sa term na regalo? Kasi naibigay ko na ang regalo ko sa kanya ng hindi sinasadya!? GRRR! Uyyy double meaning! Saan doon ang regalo? Yung oo o yung virginity mo, Roseanne?

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. "Lika na! Puntahan natin si April." Naglahad siya ng kamay.

"Jacob..." Sabi ko. "Hindi mo pwedeng sabihin kay April yung tungkol satin."

Kahit na gusto kong sabihin niya yun.

"B-Bakit?" Tanong niya.

"M-May gusto siya sayo."

Nanlaki ang mga mata niya, "Tapos?"

"Masasaktan mo siya."

Natulala siya.

"Hindi totoo yang sinasabi mo. Magkaibigan lang kami." Aniya.

Agad namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya, "Bahala ka! Alam ko, Jacob. Magkaibigan kami! Masama nga itong ginagawa ko dahil inaahas ko siya! Simala't saput alam kong may gusto siya sayo pero ano 'tong ginawa ko." Kinabahan ako.

"Hindi pwede yun!" Sabi niya. "Hindi siya pwedeng masaktan. Mahal kita at dapat maging masaya ang lahat sating dalawa."

Umiling ako, "Jacob, hindi magiging masaya ang lahat. Sabi ko naman sayo diba? Maraming may gusto sayo... Kung hindi mo alam pwes alam ko dahil babae ako. Maraming masasaktan. Maraming magagalit."

"Wala akong pakealam. Kailangan nilang matanggap iyon dahil yun ang totoo. Mahal kita at wala na silang magagawa. Tatanungin ko siya at sasabihin kong tayo na-"

Agad siyang umalis para puntahan si April.

Sinundan ko siya at kinakabahan. Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong napawi ang ngiti ni April nang naaninaw akong nakabuntot kay Jacob pababa ng hagdan.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now