Sinapak ko na siya.

"Ano?" Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko.

Hindi parin matanggal sa isipan ko ang nangyari samin sa kubo. Namula din siya nang natigilan kami sa harapan ng kwarto niya. Hindi siya makatingin sakin.

"Anong masasabi mo... uh... sa nangyari?" Mas lalo pa siyang namula.

"Huh?" Natatawa na naman ako.

"Ano? O-Okay lang ba yun?" Di talaga siya makatingin.

Binuksan niya ang pintuan. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero may ganun ba talaga? Tinatanong ba talaga yun pagkatapos?

"Ewan ko, hindi ko alam. Wala akong mapagkumparahan kasi una ko rin yun!" Uminit pa lalo ang pisngi ko.

Nakatingin na siya sakin at half-open na naman yung bibig niya.

"Jacob." Maliit ang boses ko.

Nabigla ako nang sinarado niya ang pintuan.

"Jacob, wala ng round two... wa'g dito." Sabi ko nang nakita siyang naglakad patungo sakin. Kainis lang! Nakakatempt siya.

Tumawa siya at nilagay ang daliri niya sa chin ko nang nakalapit na. Damang-dama ko ang init ng hininga niya lalo na nang hinalikan niya ako. Ayan na naman ang bugso ng damdamin at makamundong pagnanasang naramdaman ko kanina.

"Jacob..." Sabi ko sa gitna ng halik.

"Sarap pakinggan ng boses mong tinatawag ang pangalan ko habang hinahalikan kita."

Errrr. Bakit ba hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kahit ayaw ng utak ko. Itinigil niya ang paghalik.

"Ikaw at ako lang, Rosie. Sa mundong gagawin nating dalawa, ikaw at ako lang ang laman. Pangako."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit damang dama ko ang sinabi niya. Sarap talaga ng feeling na 'to. Sana hindi na magbago. Sana ganito palagi.

May biglang kumatok galing labas. Binuksan ito ni Jacob.

"Kami na ang magbibihis kay Rosie." Sabi nung dalawang katulong kanina.

Binuksan ni Jacob ang pintuan at nakita kong may dala silang bathrobe. Sumulyap at ngumisi si Jacob sakin.

"Wa'g niyong ipasoot yung bathrobe sa kanya. Madaling na... natatanggal yan eh. Etong t-shirt ko na lang tsaka shorts. Maliligo lang ako." Sabi niya sa dalawang katulong.

Kaya ko namang bihisan yung sarili ko kaya naiilang ako nang nandito sila kahit na parehong nakatalikod.

"Tapos na." Sabi ko at nakita kong may dala si manang na mainit na sabaw, kape, kanin, fried chicken at iba pa.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now