Chapter 1

411 7 0
                                    

Chapter 1

"Ang laki pala ng bahay mo."

Halos hampasin ko siya sa pagkamangha. Hindi lang kasi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Para akong isang prinsesa sa pansamantala na tutuluyan ko. Na ang tinutukoy ko ay ang bahay niya! Bahay pa nga ba ito?

Malaki... Sobrang laki nito! Feeling ko tuloy maliligaw ako rito!

May swimming pool ito at sariling basketball court. Marami rin ang nakaparadang mga sasakyan sa gilid at kahit natatanaw ko palang iyon, alam ko ng mamahalin ang mga presyo niyon. May malaki rin na fountain sa gitna ng garden. At sa sobrang laki ng mansyon niya, may mga kabayo rin akong nakikita.

"You'll live here for six months." Saad niya sa tabi ko pero hindi na ako nakasagot dahil namamangha pa rin ako hanggang ngayon. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong kalaking bahay.

Ngunit nawala bigla ang pagkamangha ko at napalitan ng pagtatanong nang makitang ang daming bantay? Mga bodyguards niya... na may mga baril? Tama ba?

Naisip ko nalang na kapag may ganito ka na kalaking bahay, normal lang siguro na maraming bantay para sa mga magnanakaw na magtatangkang pumasok dito, ano? Pero kakaiba lang ang suotan nila. Lahat sila ay mga naka itim. Iyon siguro ang uniporme nila rito.

"Ang dami mong bodyguards," wala sa sarili kong sabi pero hindi siya sumagot.

Umaga na rin nang makarating kami sa mansyon niya. Ni hindi ko nga alam kung paano kami nakarating dito. Nakatulog kasi ako sa buong byahe dahil madaling araw na rin nung umalis kami sa bar.

Pagkahinto namin, naramdaman ko agad ang pagwelcome nila sa akin dahil para akong isang prinsesa ng pagbuksan ng pinto. Inalalayan pa akong bumaba at talagang sinugurado na hindi ako mauuntog.

Princess Treatment... ba ang tawag dito?

"Salamat po," saad ko sa umalalay sa akin.

Akala ko... tapos na ang pagkamangha ko ngunit halos maging emosyonal na ako nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Talagang parang nasa palasyo ako ng mga prinsesa sa laki at ganda ng mansyon ni Nikolaus. Totoo ba talaga ito o nananaginip lang ako? Parang panaginip lang kasi ang lahat ng ito.

Bukod kay Briggs at Nero, may sumalubong sa amin na apat na lalaki. Isa na roon iyong umalalay sa akin kanina sa pagbaba ko ng sasakyan.

"Welcome to Cassano's Mansion, Miss Malia. I'm Faolan Robles." Nagpakilala ang isa rito hanggang sa sunod-sunod na silang nagpakilala.

"Ryker Chiu po."

"Theron Hernandez."

"Avel Marquez po, Miss Malia."

"Hello, ako nga pala si Malia. Malia Fey Acosta." Maayos din akong nagpakilala sa kanila. "Mga kaibigan kayo ni Nikolaus?" Tanong ko dahil hindi naman sila mukhang mga bodyguards. Kakaiba ang suot nila sa suot ng mga nasa labas.

Ngunit napakunot ang noo ko nang makitang lahat sila ay napatingin kay Nikolaus na nasa tabi ko at kanina pa walang imik. Bakit kaya?

"Kumain ka na ba, Miss Malia?" Nagsalita naman ulit si Ryker kaya napunta sa kaniya ang baling ko.

"Breakfast is ready, Miss Malia. Tara na po sa dining room?" Sabat din ni Faolan. Tumango tango nalang ako, nagtatanga sa bigla nilang ginawa. Ni hindi man lang nga nila sinagot ang tanong ko.

Naunang naglakad si Nikolaus at hindi man lang ako hinintay. Inisip ko na lang na baka gutom na siya kaya nauna na. Pero guest niya ako, 'di ba? At ang magiging asawa niya? Ano, ganito ang trato?

Mukhang princess to servant ata ang mangyayari sa akin dito?

Mukhang ang prince charming ko pa ang magiging kontrabida sa buhay ko.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon