Prologue

650 9 1
                                    

Prologue

"Malia Fey Acosta," nagpakilala ako sa in-applyan kong bar. Wala akong dala na kahit ano at biglaan lamang itong pag-a-apply ko sa kanila.

"Ilang taon?" Tinanong ako nung matandang babae. Manager ang tawag sa kaniya rito.

"25 po."

"Nag-aaral pa? Nakapagtapos?"

"Nagstop na po ako."

"Bakit?" Tumaas ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. She's judging me especially my clothes. Paano ba naman, ang dumi-dumi kong tingnan. Malakas kasi ang ulan kanina kaya puro putik na ang suot kong damit.

"Nagkasakit po kasi ang Tatay ko at ngayon po... comatose po siya." Pagsisimula ko. "Kaming dalawa nalang po kasi ang magkasama kaya pinatigil ko na po muna siya na magtrabaho at sinabing ako na po ang magtatrabaho." Pagpapaliwanag ko.

"Anong trabaho niya?"

"Tricycle driver po," sagot kong muli.

"Anong grade ang natapos mo?"

"Senior high school lang po." Sagot ko at hindi ko naman ikinakahiya iyon.

"Bakit sa bar mo gustong magtrabaho?" Marami ang tanong niya. Sunod-sunod pa ito.

"Ang totoo po, wala pong tumatanggap sa 'kin na iba dahil highschool lang po ang natapos ko. Kaya nagbakasali po ako na... baka rito matanggap po ako. Kahit anong trabaho naman po, okay sa 'kin." Hindi na ako mamimili pa. Kailangan ko kasing makahanap na ng trabaho. Paubos na 'yung perang inipon ni Tatay na dapat sana ay pang kolehiyo ko.

"You're hired."

Nanlaki ang mga mata ko. "Po?"

"Yes, tanggap ka na." Seryosong sabi niya. Hindi ako makapaniwala kaya naluha ako sa sobrang saya.

"Maraming salamat po." Tuwang tuwa ako. "Ano po palang magiging trabaho ko rito?"

"You'll be a bride." Ang kaninang saya ay agad napalitan ng pagtataka.

"Bride po?" Naguguluhang tanong ko.

"One billion pesos. You're just going to marry a rich man." Kumunot ang noo ko, hindi pa rin siya maintindihan. "Babayaran ka ng isang bilyon, pakasalan mo lang 'yung taong magbabayad sayo. Six months contract. Pagkatapos no'n, you're free with the money."

"I-Iyon po ang magiging trabaho ko?"

"Oo, kung tatanggapin mo. Pero kung hindi, wala na akong mao-offer pa na ibang trabaho sayo." Sabi niya kasabay ng pagring ng phone ko. Agad ko naman itong sinagot.

"Excuse me lang po." Tumayo ako at lumabas muna ng office niya. "Hello po, Manang?" Bungad ko.

"Malia, ang Itay mo nag-seizure!" Sagot ni Manang Lina, ang nagbabantay kay Tatay ngayon sa hospital.

"Po?!"

"Asan ka ba? Kailangan ka rito!"

"Sige po, papunta na po ako!" Nagpaalam agad ako sa Manager at umalis muna ng bar para pumunta sa hospital.

Habang papunta ako sa hospital, iniisip kong mabuti 'yung offer sa akin na maging bride ng isang mayamang lalaki na hindi ko pa naman nakikilala. Sa loob ng anim na buwan, magkakaroon ako ng sobrang laking pera. Hindi ko lang mapapagamot si Tatay sa malaking perang halaga na 'yun. Makakabili pa kami ng bahay at lupa pati na rin ng mga mamahaling sasakyan kung sakali.

Pero... kakayanin ko ba? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa anim na buwan na kasama iyong mayamang lalaking pakakasalanan ko.

Paano kung masama siya?

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now