Chapter 37

16 1 0
                                    

Chapter 37

The White Chaos




Roman Cortez's POV

Hi! It's me, Roman! It's been a long time since noong nagkaroon ako ng presence sa story. Sana hindi ninyo pa ako nakalimutan, hehe...

I am also known as "Kupido" in our school because of my trustworthy love advices that worked successfully. Bata pa lang ako, mahilig na'ko mag-advise sa mga taong kakilala ko about sa love kaya naman, I saw this ability as my special talent.

Kaibigan ako ng anim na lalaking naghahabol sa isang babaeng si Savannah Obnimaga. Oh... tingin ko medyo mali kung sasabihin na kaibigan ko silang lahat. I would say, 'yung apat lang. Sila Charles, Giovanni, Tristan at Keane lang. Sila Arnold at Johnny, nitong mga nakaraang araw lang nakilala. Nagkasundo naman kami kaagad.

Anyway, pinagkakatiwalaan naman ako ng anim. Nag-ra-rant sila sa'kin from time-to-time kapag may nangyayaring bago sa romantic journey nila. I guess, komportable sila sa'kin kasi nagagawa naming anim na makapag-boys talk. Hindi ko naman sila hinuhusgahan doon.

But, kahit na sa iisang babae sila nagkakagusto, hindi ako bias sa kahit isa sa kanila. Pantay-pantay ko silang inaabisuhan at kinakampihan. Ayoko naman kasing masira ang samahan ko sa anim na 'yon.

Naalala ko 'yung araw na nagkagulo sila. Eh kasi naman, na-discover nila na iisang dalaga lang, which is si Savannah, ang pinagkakagustuhan nila. Naiintindihan ko naman 'yon since I think kahit sino namang tao, magagalit sa oras na malamang may kahati pala siya sa gusto nilang babae.

Balak ko sanang magpunta sa court that time kasi gusto kong magpapawis at mag-basketball. Nalaglag ang panga ko nang iba ang mamataan ko. May nag-aaway na anim na lalaki, nagsusuntukan pa sila.

Sinipat ko silang maigi at na-realize na kilala ko pala 'yung apat sa kanila! Bakit sila nagkakagulo ngayon?

"Anong nangyayari dito?" sigaw ko.

Napatigil silang lahat sa pagkilos. Taka nila akong tinignan.

"Bakit? Sino ka ba para pigilan kami?!" tinuro at sinigawan ako pabalik ng isang lalaking may pagka-moreno.

Ayokong aminin pero medyo nainis ako sa paraan ng pananalita niya. Umakyat ako sa stage para maitago iyon.

"Let me introduce myself then," umalingawngaw ang boses ko sa buong court.

"Ako lang naman... ang may-ari ng court na'to! Ang tinaguriang "Kupido" ng lahat. My name is Roman Cortez!"

Actually, hindi totoo na ako ang may-ari ng court na'to. Nag-kunwari lang ako dahil kung hindi, baka magsapukan na naman ang mga 'yan.

Humakbang ang apat na sina Charles, Giovanni, Tristan at Keane. "Teka nga... Kupido?"

Nakapinta sa mukha ng maliit na lalaki na nalilito siya sa tinutukoy ng apat. "Kupido? Sino iyon?"

Tristan answered. "Siya lang naman ang tinaguriang 'Master of Love' ng university natin. Roman Cortez is his name."

Halatang hindi nagustuhan ng morenong lalaki ang paliwanag ni Tristan. "At bakit ko naman siya kakatakutan? Diyos ba siya?"

Tristan replied. "Aba'y dapat siyang katakutan! Alam niya ang mga mangyayari especially about sa love. Kaya dapat lang na sambahin siya."

Hindi ko alam kung nagpapatawa ba itong si Tristan o kung ano pero... exaggeration naman 'yan! Baka imbis na maniwala iyong kausap na lalaki, baka mag-init pa lalo ang ulo sa sinabi niya.

On the other hand, dinedma ko na lang 'yon. I'm just really curious kung bakit ba nagkakaguluhan 'tong anim na taong 'to. Ano bang dahilan at bakit kailangan pa nilang umabot sa sakitan?

I Chose YouOnde histórias criam vida. Descubra agora