Special Chapter 3: Bella's View

Börja om från början
                                    

Sa sumunod na araw ay dinala nila ang anak sa isang paaralan kung saan sinasanay ang mga tagabantay ng mga maharlika. Simula pagkabata ay dito sila sinasanay o hinahanda. Itinuturo rin sakanila ang paraan kung paano protektahan ang kanilang mga amo sa malinis na paraan. Pag tungtung sa edad na kinse anyos ay ganap na silang tagabantay.

Maraming ipinagbabawal sa kanila, isa na roon ay ang mapalapit sa kanilang amo o kahit kanino man sa nga maharlika. Hindi sila maaaring magkaroon ng ano mang ugnayan sa mga maharlika. Ang gawain lang nila ay protektahan ang kanilang amo at sumunod sa mga patakaran ng kanilang organisasyon.

"Why are we here po, mama?" Tanong ng inosenteng bata sa kanyang ina.

"Kailangan mo nang magsanay anak kaya tayo narito" sagot naman nito sa anak.

"Para po saan?"

Nanlumo siya nang makita ang inosenteng mukha ng anak. Hindi niya ito gustong gawin pero wala siyang magawa. Ito ang kapalaran na nakatadhana sa kanya. Hindi niya ito kayang baguhin at kailan man ay hindi na ito mababago.

Umupo siya at pinantayan ang taas ng anak.

"Sweetheart, you trust me right?"

"Yes,po. I trust you po, mama"

Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang makita siya ng anak na mahina. Na nanghihina.

"Then, if I tell you to do something...will you follow me?" maingat na tanong niya sa anak.

"Yes po, because I love you po, mama. I'll do whatever you want po." aniya ng inosenteng anak.

Napabuntong hininga siya at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ng anak at nagtungo sa isang kwarto kung saan mag-uumpisa ang lahat.

"Register?" tanong sa kanya ng lalaking nagbabantay sa registrar room.

"Ano sa tingin mo?" sarkadtikong sagot niya sa lalaki.

Natawa ang lalaki at napailing. " Wala ka talagang pinagbago, Beatrix."

"Just shut up and give the form, Antoña" mahinahon nitong sabi pero may halong pang-aasar.

Nawala ang ngiti sa labi ng lalaki at napalitan ng inis. "Stop!" aniya saka ibinagsak ang form sa harap ng mag-ina.

Nagulat si Bellatrix sa ginawa nito pero hindi ito nagsalita at tahimik lang na nagmasid sa kanyang ina at sa lalaking hindi niya kilala.

Ibinalik niya ang form sa lalaki. Tumayo siya at inaya ang anak para umalis na pero napatigil siya ng tawagin siya ng lalaki.

"You forgot to sign and your daughter's fingerprint." Aniya nakangisi.

Umikot ang kanyang mata at muling bumalik sa mesa nito para pirmahan ang kontrata at para na rin mapaglagyan niya sa anak ng fingerprint nito.

Lumabas sila sa kwartong iyon na mabigat ang kanyang loob. Wala silang kawala kahit ano man ang kanilang gawin. Ito na talaga ang kanilang kapalaran.

Pagkalabas nila ay dumaan sila sa field kung saan nag-iinsayo ang mga bata. Nasa walo-hanggan siyam na taong gulang palang ang mga ito.

Habang pinapanuod ang mga ito ay hindi niya mapigilang kaawaan ang mga bata. Nakikita rin niya ang sarili sa mga ito. Muling bumalik ang mga paghihirap niya noong sinasanay siya para maging isang ganap na guardian. Lalo siyang pinanghinaan ng maisip na sa susunod na araw ay ganito din ang kakaharapin ng anak niya.

Equinox Academy of Royalties :The Lost PrincessDär berättelser lever. Upptäck nu