Chapter 1

10.9K 229 2
                                    

Honey's POV

Natapos na ang performance ko pero nakatulala pa din ako, hindi ko malimutan yung ginawa nung lalaki kanina, hindi man yon ang first kiss ko pero pakiramdam ko sya yung first kiss ko, Grrrr. Pinagsasampal ko ang noo ko, baka kasi makalimutan ko na pag ginawa ko yun.

"Bruha, ano yung eksena kanina !? Aba honey huh. lumalandi ka na, kaloka gurl ang gwapo nung fafa huh"eksaheradang sabi ni mamu aba't kinikilig pa.

"Naku mamu, wala yun hinila nya kasi ako at saka ayoko lang ng gulo kaya pinabayaan ko na"ganti kong sagot sa kanya.

"Baka kamo, bet mo lang yungg otoko na yun. ikaw gurl huh may tinatago ka palang landi sa katawan mmm "Panguuyam pa sakin ni mamuu.

"Mamu naman e, kilala mo naman ako diba, alam mong wala yan sa plano ko"

"Ano ka ba hon, alam ko naman yun. Hindi naman ako nagagalit o naiinis e, ang totoo natutuwa ako kasi sa wakas parang naging easy easy ka na sa buhay mo, biruin mo umeeksena ka na, e dati sobrang tahimik mo, kong di ka papansinin di ka iimik"masayang sabi sakin ni mamu

"kalimutan mo na yun mamu, wala lang yun. At saka anong oras na ohh 1:30 na kalahating oras nalang uuwi na tayo kaya tara na sa labas, tutulong na din ako maglinis para makapagsara na agad tayo ng bar"pag-iiba ko ng topic dito.

"ayy tompak, tara na at lumabas, wala na din namang mga costumer e"

Nagpalit na ako ng maayos na damit, naka tshirt na malaki ako at ang short shorts na suot ko kanina total ay kami kami nalamang naman ang nandito, naghilamos na din ako at itinali ang nakalugay kong buhok kanina na medyo basa pa sa pawis, lumabas na ako at tumulong na din sa kanila sa paglilinis.

May kalakihan ang bar at hindi na din naman talaga recquire ang maglinis kami pero dahil na din sa request ng mga trabahante dito e napagkasunduan na kami kami nalang din ang maglilinis dito sa bar, para hindi na dumami pa ang i-hire at magkaroon din kami ng extra Php350 sa paglilinis, bawat isang matitira mahigit nasa 30 kami na nagtatrabaho dito sa bar. Malaki ang kita ng bar sa loob ng buong gabi mula alas-8:30 ng gabi nagbubukas na ang bar hanggang 2am sa 6hrs na yun kumikita kami ng mahigit isang daang libo, bukod kasi sa pribado ang bar na ito mga mayayaman ang nagpupunta dito at mayroon ding kamahalan ang mga inumin sa loob, may iilang private room din kayat mas nadadagdagan ang kita at ngayong darating na buwan ay may balak na gawing extension sa building para mas mapalaki pa hindi pa man nagtatagal simula ng magbukas ang bar na ito ay napakayabong agad ng pag-unlad, marahil dahil na din sa maganda ang ambiance ng lugar.

Nasa labas na ako ng bar at hinihintay si mamu, nakasandal lang ako sa motor ko at prenteng naghihintay ng may biglang humigit sa braso ko.

"Ano ba !? bitiwan mo nga ako!"pagpupumiglas ko, pero wahh epek malakas sya, okay fine papatianod nalang ako marunong naman ako magself defense.

tumigil kami sa BMW na sasakyan wow, mayaman siguro to.

isinandal nya ako sa gilid ng sasakyan nya at ikinulong sa malalaki at matigas nyang braso, ipinantay nya ang mukha nya sa mukha ko pero nakatungo lang ako at nasamyo ko ang pamilyar na amoy, napanganga ako ng marealize na siya yung lalaking humalik saakin kanina, iaangat ko na sana ang mukha ko para makita sya pero agad nyang sinunggaban ang labi ko.

"hmmmmmpppp. An--o b--a"pinipilit ko syang itulak pero ang lakas nya, tapos yung braso nya nakagapos sa bewang ko, kaya hirap na hirap talaga ako. Kinagat nya ang labi ko dahilan para mapasinghap ako at agad naman nyang ipinasok ang dila nya sa bibig ko lumuwag ang pagkakakapit nya sa bewang ko, akala ko okay na at makakawala ako pero nanlaki ang mga mata ko ng hawakan nya ang magkabilang gilid ng pisnge ko at mas nilaliman pa ang paghalik, hindi ko namalayan na tinutugunan ko na pala ang mga halik nya, naging marahan naman ang kanyang paghalik.

Itinulak ko sya dahi feeling ko, kakapusin na ako ng hininga, tumingin ako sa kanya at agad syang tinuhod where the sun dont shine at tinalikuran at umalis, nakita ko sa aking peripheral vision na napaluhod sya. Marahil ay namimilipit siya sa sakit, kayat di na nya ako nahabol pa. bumalik ako sa motor ko at buti nalang nandon na si mamuu agad ko namang pinaandar ang motor at umalis na.

Matapos kong ihatid si mamu ay agad na akong sumibat pauwi, sinilip ko muna sa kwarto si mama na mahimbing na natutulog, nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang buhok. Maganda talaga si mama kahit na may edad na, pero ng dahil sa nagkasakit siya ay namayat siya, hindi siya nagsasalita at nakakalimot minsan ay bigla nalamang sya iiyak o di kaya ay magwawala at kadalasan ay nakatanaw siya sa labas ng bintana at tila may malalim na iniisip, pinag-iiponan ko pa din kasi ang para sa therapy ni mama at ilang gamut na niresita ng doctor, hinalikan ko siya sa noo at marahang umalis na sa tabi niya at sinarado ang pinto.

naabutan ko si calvin na natutulog sa study table sa kwarto namin marahil ay nakatulog siya habang gumagawa ng assignment, inayos ko ang mga nagkalat nyang notebook at icheneck baka may nakalimutan o di siya natapos, tinapik ko sya para magising at pinalipat na sa maliit naming kama, umupo na ako sa study table at sinagutan ang ilang mga tanong sa kanyang takdang aralin nilagyan ko na din ng formula at paliwanag ang mga ito, bandang alas 4 na ako natapos naghalf bath na din ako at umidlip, pero ng pumikit ako nakita ko ang mukha ng lalaki sa bar, bigla nalamang ako napamulat at hinawakan ang aking labi kasabay ng aking pagpikit ay ang pagkaramdam ko ng aking antok.

Marrying Mr. Billionaire (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon