PROLOGUE

8 1 4
                                        

"Ang hirap naman kasi sa 'yo Pops, napakasungit mo."

Naglalakad kami ngayon sa field at naghahanap ng puwesto para makapagpahinga after kumain.

Nabusog ako!

"Eh ano bang magagawa ko? Ayoko sa mga lalaki." iritang sabi ko.

"Alam mo, porket sinasabihan ka nila na isa kang poging babae e pinaninindigan mo rin! Gusto kong makakita ng pamangkin sa 'yo babaita ka!" inis na sabi ni Joe, pinsan ko.

Natatawa naman akong lumingon sa kaniya.

"Sorry Joe-joe, wala po akong balak mag-anak."

Bigla namang nagbago ang mood niya at hindi na nagsalita. Napatingin nalang ako sa field dahil may mga naglalaro ng badminton at baseball, at nakakuha ng pansin ko ang matangkad na player na 'to.

"Joe, bago 'yan?"

Intriga naman siyang napalingon sa tinuro ko.

"Ah oo, uy pogi 'yan!"

Walang gana ko siyang tiningnan.

"Hindi ko tinanong kung gwapo ba."

Medyo malapit na kami sa mga naglalaro dahil papunta na do'n ang direksyon ng bakla.

"Gwapo naman talaga si Aaron! Ano ka ba? Siya na talaga ang e r-reto ko sa 'yo!" Excited niyang sabi at hini-hila pa ako paupo.

"Heh! Manahimik ka nga. Ano kayo close para e-reto mo sa 'kin 'yung tao?"

Kinikilig pa nga ang bakla habang na n-nood sa mga badminton player, may crush kasi do'n. Napatingin naman ako kay Aaron at totoo ngang gwapo.. pero hindi ko type!

"Ihh baka nga, siya na ang d-dilig sa bulalak mo Pop– POPPY!"

Nagulat ako sa sigaw ni Joe at biglang may baseball gloves na humarang sa mukha ko.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?"

Hindi agad ako naka-react dahil natulala ako sa mukha niya.

Moreno, singkit, matangos ang ilong, may makapal na kilay, gwap– huh?

Parang may mga bulaklak na sumabog sa likuran niya ng humarap siya sa 'kin at naiinis ako don!

"Huh? w-wala, ayos lang ako." sabi ko at umiwas na ng tingin.

Nakatingin pa din siya sa 'kin na parang hindi na kontento sa sagot ko kaya tinanong ko na baka may kailangan pa e.

"Anything else po?"

Natauhan naman siya at umiling. Saglit pa siyang tumingin sa 'kin at bumalik na sa team mates niya.

Nag-usap-usap sila doon, siguro nagtatanong kung anong nangyari tapos bigla niyang binatukan yung lalaking nagbato ata kanina ng bola papunta sa 'kin which is hindi naman non sinasadya at kasalanan naman namin dahil nandito kami ni Joe.

"Be, ang gwapo 'no?" kinikilig na sabi ni Joe at agad ko naman siyang hinampas dahil sa inis.

"Muntik na akong ma-headshot do'n tapos 'yan lang sasabihin mo? D'yan ka na nga!"

Tumayo na ako at iniwan siya. Hindi ko alam kung anong mero'n sa 'kin ba't lumingon pa ako kay Aaron at mukhang kanina pa siya nakatingin sa 'kin at ngumiti pa ang loko!

What the, nakakairita!


choshawavee.

Everything we knowWhere stories live. Discover now