FOUND (Edited Version)

19.1K 403 31
                                    

             FOUND

KIA

IPINIKIT ko ang aking mga mata at isinara na iyong librong binabasa ko. Ilang beses ko ng nabasa ito pero hindi ko maiwasang ulit-ulitin. Maganda kasi e.

“You done?” Gulat akong napatingin kay Ricky. My bestfriend.

“Ano sa tingin mo?” Pagtataray ko.

Natawa siya. “You keep on repeating that. If I know, patay na yang author niyan kaya hindi natuloy iyong book 2.”

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas ko siya.

“Hindi pa patay si Mr. Tokihawa no!”

Tumango-tango nalang siya. Hays. Hindi pwedeng mamatay si Mr. Tokihawa. Hindi maari hanggang sa hindi niya natatapos iyong book 2.

“Fine. Umuwi na tayo. Gabi na o!”

Tumayo na ako at nagpagpag ng damit. Ito lang ang buhay naming mga non-elite ability users. Hindi kami pwedeng mag-aral ng high school. Kaya it’s either nagtra-trabaho kami or tumatambay gaya ng ginagawa namin ni Ricky ngayon.

Habang naglalakad kami pababa ng burol ay nagkwento si Ricky.

“I heard that they have a link about the crest.” I rolled me eyes. He talks about the missing crest of Fraxinus Academy again.

“I don’t care I said.” The crest had been missing for almost seventeen years already. It was stolen on the day of the 82nd anniversary of Fraxinus Academy. Someone from the fair stole it at hanggang ngayon ay hindi pa iyon nahahanap. I heard it was powerful. Pero wala akong paki-alam.

“Nagsusungit ka na naman.” Sabi niya at ginulo-gulo ang buhok ko. Tinabig ko naman ito. Kumukulo talaga ako kapag naririnig or nababanggit ko iyang Fraxinus Academy na yan. It’s a school for elites. Elites only.

Hindi ko nga alam kung bakit pangarap ni Ricky na makapasok doon. Gosh.

Inunahan ko na siya sa paglalakad pero biglang may nagzap sa likod ko. Nakita ko nalang siya sa baba ng hill.

“Ang daya mo talaga kahit kalian!” Sigaw ko.

Ginamit na naman niya iyong ability niya. Teleportation.

“Ang bagal mo!” He said and I ran after him. Para lang kaming nagtatakbuhan doon hanggang sa marating namin iyong bayan.

Nagpa-alam na ako kay Ricky dahil malapit lang dito ang bahay niya.

“Dito na ako. Babye Andrea.”
I smiled and waved at him bago naglakad papunta sa susunod na burol. My late grandmother’s house is located up on the hill. She died 10 years ago so I’m all alone now. I’m lucky I have Ricky by my side.

I hate the education system of this Kingdom. Ang unfair dahil kung mahirap ka na, hindi ka na pwedeng mag-aral. Wala kang karapatang makatunton sa high school or college. At an early age, napilitan akong magtrabaho para hindi mahirapan si Lola at nung namatay siya, mas kinailangan kong magsumikap. But I’m not dumb. Kahit hindi ako nakapag-aral, I know things.

Nung makarating na ako sa bahay ay agaran na akong nagluto ng hapunan. Gulay for life ang kinakain ko. Wala akong pera pambili ng karne. Pagkatapos ay napagpasyahan ko ng matulog. Umakyat na ako sa attic. Luma na ang bahay ni Lola pero gawa rin naman sa semento, hindi nga lang napinturahan. May mini garden din sa labas. Humiga na ako sa maalikabok kong kama at napatingala sa itaas. Kitang-kita sa bintana iyong buwan. I closed my eyes and absorbed the comfortable feeling the moon gives me.

I was about to sleep but then my birthmark started hurting.

“Aray!” Daing ko. Bigla akong kinabahan dahil sobrang sakit nito. Parang ngayon lang siya sumakit ng ganito!

“FUDGE!” I shouted when I felt a stinging sensation.

WHAT THE HELL?

Nagiging blurred na iyong pangin ko at nahihilo ako. Ang sakit! Pinilit kong tumayo para kumuha sana ng tubig pero hindi ko kaya. Nakakapanghina. I was catching my breath nung biglang umilaw iyong birthmark ko.

“Sacred elf!”

Am I going to die? Sasabog na ba ako? Para kasing sasabog iyong paki-ramdam ko!

Then I heard footsteps.
Bigla akong nanigas.
Sino ang mga iyon?

Habang palapit ng palapit iyong mga footsteps ay palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Just when I saw their silhouettes, biglang bumigat iyong mga talukap ng mga mata ko.

Before I was engulfed by complete darkness, I heard one of them talk.

“Finally, you’re found.”

GUSTO kong dumilat pero hindi ko magawa. I am hearing loud arguments kaya mas lalo akong nahihilo. Parang nasa sasakyan kami ngayon at sobrang likot ng mga tao dito sa loob. Nahihilo ako!

“Are you sure she’s the accelerator?” Narinig kong tanong ng isa sa kanila. It was an unfamiliar voice at obvious sa boses niya na kinakabahan siya. Gosh. Who are these people?

“Psst! Wag kang maingay! Mukhang gising na siya.” Sabi naman nung isa. Wag maingay daw pero ang lakas naman ng boses niya. Bakit ba kasi ako hindi makadilat?!

“Hayaan niyo, hindi yan makakalaban dahil mahina pa siya.”

Sacred elf. Na-kidnap ba ako? Wala akong matandaan. Makapagsalita sila parang mga villain a.

“Paano kung hindi naman pala siya yun?”  Sabi ulit nung lalaki kanina.

“Siya yan. Look at the birthmark, diba yan yung crest? Bobo ba kayo? Nakita niyo na ngang umilaw e!” Another guy snapped. Mukhang napatahimik naman sila.

“In fairness, she’s a beauty.”

“Anong beauty? Yan beauty? Saan banda?” Aba! Akala ba nila hindi ko naririnig?!
Pinilit kong imulat ang aking mga mata at unang bumungad sa aking ang bintana ng kotse.

Mukhang dumadaan kami ngayon sa mga rice fields at parang madaling araw na.

“Ang tagal naman ng biyahe, pwede naman kasing magteleport ang daming echos ni Ms. Angelina.” Sabi ng bagong boses.

“Kaya nga. Ba’t kasi ang layo ng downtown sa Fraxinus? Napapagod na ako sa kadra-drive.”

“A-Aray!” daing ko dahil sumakit na naman iyong birthmark ko.

“Hey, gamutin mo Shellly.” Panicked na sabi nung isa.

Sino ba si Shelly?

Mas lalo akong napasigaw dahil sa sakit. Pero hindi ako makapagsalita! Don’t tell me napipi na ako?!

“A-anong nangyayari sa kanya?”

“I-I don’t know! Wait, I think-

Hindi ko na narinig pa iyong sinabi niya dahil nawalan na ako ng malay.

-

Fraxinus Academy (Accelerate)Where stories live. Discover now