"Wala kang alam sa mga pinagdaanan naming magkakaibigan. Ilang taon na namin siyang kasama, ni hindi ka nga niya nabanggit samin," nang-iinis ang tono ng pananalita ni Apolo.

Inilapag ng taong ito ang hawak na papel at nilapitan kami. Hinawakan niya ang rehas na bakal at matalim na tinitigan si Apolo.

"Ha! Hindi ba kayo nagtataka na naglihim siya sa inyo?! Ang ibig-sabihin lang nun ay hindi niya kayo lubos na pinagkakatiwalaan!"

"Ipinagkait niyo sa kanya ang gusto niyang gawin. Hindi niyo siya sinuportahan. Hinayaan niyo ang ibang tao na lait-laitin siya! Na tatanggapin lang siya kapag nakagawa siya ng bagay na gusto ng ibang tao." Ramdam ko ang sakit na nadarama ng taong ito habang nagsasalita.

"Gusto niyo siyang baguhin pero hindi yon ang gusto niya. Itinuring niyo siyang halimaw..." Napaupo siya at natulala. Pinipigilan na umiyak sa harapan namin. Hinawakan niya ang dibdib at saglit na tumahimik. Nakikita ko ang pangungulila sa mga mata niya.

Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko ay malamang nilapitan ko na siya. Gusto ko siyang yakapin. Naiintindihan ko ang galit sa puso niya. May parte sakin na nauunawaan siya na para bang may pagkakapareho kami ng taong tinutukoy niya.

Buong buhay ko, trinato nila ako na parang isang halimaw. Simula nang mangyari ang aksidenteng yun na hindi ko naman talaga ginawa. Pinagbintangan. Sinabihan ng masasakit na salita. Laging pinagtatabuyan dahil akala nila sasaktan ko sila.

"Kaya nung nalaman ko na pinatay siya, napuno ako ng poot at galit. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip ko." Tumayo muli siya at nagpalakad-lakad sa harapan namin habang nagsasalita.

"Binuo ko muli ang Black Org at palihim na ipinagpatuloy ang paggawa ng lason..."

"Inabot ako ng ilang taon bago matapos ito. Nang natiyak ko na malapit na itong maperpekto, naisip kong kailangan ng test subject para makumpirma kung nagtagumpay ba ako..."

"Ang executive ng Red Org, siya sana ang unang makakasubok ng Loveshot poison pero hindi ako nagtagumpay. Pero guess what? Mas dumami ang test subjects. Sayang naman, hindi ka nakasali Zeta. Mararanasan mo sana ang pakiramdam na hatid ng Loveshot poison."

Anong ibig niyang sabihin??

"Hindi mo ba naaalala ang aksidenteng nangyari nun sa night club?" Napaisip ako at inalala ito. So ang lumason sa mga estudyante ay yung loveshot poison?

"Tama ang iniisip mo, Zeta... Nabalitaan ko na nasa ospital parin sila hanggang ngayon at hindi pa nagigising. Hayy. Akala ko naman mamamatay na sila. Sabagay, may isa na lang na kulang para maging perpekto na ito. HAHAHA!" Humalakhak ito ng napakalakas. Ibinaling niya ang tingin kay Apolo.

"Alam mo bang napaka-espesyal ng dugo ng kapatid mo? It is one of the rarest blood types. It's Rhnull."

"Sinasabi mo bang yan ang huling sangkap?!" sigaw ni Apolo.

"Tumpak!" pumapakpak ito. Mas lalong nainis si Apolo. Pinilit niyang tumayo saka lumapit sa taong ito. Isinandal niya ang katawan sa bakal at nakipagtitigan.

"Yun ba ang plano mo kaya dinukot mo kaming dalawa? Para maging hostage?"

"There's more than that." Ngumisi ito.

"Paglalabanan ko silang dalawa ng dati mong pinakakamahal na executive. May lihim kang galit kay Pacifica, diba? Dahil sa ginawa niya sa kaibigan mo..."

"Pinakamamahal na executive?" Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkakasabi ko nito. Sabay nila akong nilingon. Hinarap naman ako ng taong ito.

"Hindi mo alam? Si Apolo ang dating assistant ni Pacifica. Nang mamatay ang kaibigan nila--- Ow! Mali pala. Nang mapatay ni Pacifica ang kaibigan nila, muntik ng patayin ni Apolo ang sarili niyang executive. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pero ang alam ko ay hindi na sila nagkasundo pa. Hindi na nagpansinan..."

Naalala ko ang ikinuwento noon ni Magi, may isang tao raw na nakatalo sa executive ng Red Org. Kung ganon, si Apolo yun? Pero sinabi rin naman ni Magi na hindi yun totoo. Na chismis lang yon. Ano ba talagang nangyari noon?! Kung assistant siya dati ni Pacifica, tapos nag-away sila. Parte ba ng plano niya ang maging executive? Para matapatan si Pacifica?? Naguguluhan na ako! Hindi ko na alam ang totoo sa hindi!

"Pero hindi ka naman talaga kasali sa orihinal na plano ko. Si Zeta lang ang dapat na dudukutin. Since umaayon sakin ang mundo, nasama ka pa at naging daan ito para mapasakin ang dugo ng kapatid ko."

"Bukas na bukas din, maglalaban silang dalawa. Papaniwalain ko sila na kung sino mang mananalo ay papakawalan ko ang isa sa inyong dalawa. Uto-uto naman silang dalawa kapag nagkataon."

"At paano mo naman nasisiguro na magtatagumpay ang plano mo?" tanong ni Apolo.

"Isa lang naman talaga ang sigurado ako... Hindi kayang saktan ni Casano ang pinakamamahal niyang babae. HAHAHAHA!" Tumawa na naman ito ng pagkalakas-lakas. Iniisip ko na nababaliw na talaga siya.

Alam ko na ang tungkol kina Casano at ng executive namin. Ikinuwento na sakin ni Magi. Andami pa talagang dapat kong malaman sa dinadami-dami ng nangyari noon sa eskwelahang ito.

"Ngayon, sa lahat ng mga sinabi ko, hulaan niyo ang isang lie. Syempre magsisinungaling ako kahit papaano. Hulaan niyo kung alin sa mga sinabi ko ang hindi totoo!"

Kumunot ang noo naming pareho ni Apolo. Pinagtitripan ba niya kami? Pano naman namin malalaman ang hindi totoo dun?

"Bago pala ako umalis, may itatanong pa pala ako sayo, Zeta. Isang pangalan lang naman ang gusto kong marinig mula sayo." Kinakabahan ako sa mga titig niya.

"Sino ang taong sugatan na lumapit sayo noong unang araw mo dito sa Assasino University?"

Nagtataka ko siyang tinignan. Bakit naman niya gustong malaman kung sino ito? May kinalaman ba ang taong tinatanong niya sa plano niya?? Hindi ako makasagot. Iniisip kong mabuti kung sasabihin ko ba o hindi. 

Assasino Playground (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin