KABANATA 17

1 1 0
                                    

"Pourquoi personne d'entre vous ne peut faire son travail correctement" singhal ko sa opisina dahil sa galit, Hiningi ko sa kanila ang papeles na pinagawa ko kahapon at sinabi ko sa kanila ng klaro na gusto kung maibigay nila iyon ngayong tanghali pero hindi pa daw ito tapos dahil nasira ang imprentador (printer) at nawala ang isang kopya

(Why can't anyone of you, do your job right)

"Je suis désolé Mme Leonor,"  paghinge nito ng tawad, kaya tumingin naman ako sa kanya, nakayuko lang ito habang hawak ang panlupi (folder)

(I'm sorry Ms. Leonor,)

"Je vous donne suffisamment de temps pour faire les rapports mais vous n'avez pas réussi à le faire passer à temps, pourquoi je vous ai embauché ?" galit na ani ko dahil nagiinit talaga ang ulo ko ngayon tapos dinagdagan pa nila

(I give you enough time to do the reports but you failed to pass it ontime, what did I hire you for?)

"Je suis vraiment désolé, Mme Leonor, je promets que cela n'arrivera pas la prochaine fois" ani nito

(I'm really sorry, Ms. Leonor, I promise it won't happen next time)

"Je vais vous laisser partir cette fois car les performances précédentes de vos équipes sont bonnes mais il n'y aura pas de prochaine fois, compris ?" ani ko at tinignan siya, bago umupo sa upuan ko

(I'll let you go this time as your teams previous performance is good but there won't be next time, understand?)

" Oui, Mme Leonor, merci" pagpapasalamat nito

(Yes, Ms. Leonor, thank you)

"Tu peux y aller maintenant et le finir avant quatre" ani ko sa kanya

(You can go now and finish it before four)

"Copie Mme Leonor" ani nito at Lumabas na ng opisina ko

(Copy Ms. Leonor)

"Ito na po ang kape niyo, Señorita Leonor" ani ni Fatima at linagay sa lamesa ko ang kape, Si Fatima ay kapatid siya ni Annette na tagapaglingkod ko at kung bakit Leonor ang tawag niya sa akin?... ay yun ay gusto ko ang pangalang Leonor at dahil isa din ito sa pangalan na gustong ipangalan ni Ina sa akin noon

"Ginawa mo na ba ang pinapagawa ko?" tanong ko sa taong kakapasok lang ng pinto

"Nagawa ko na Señorita Leonor wag ka pong magaalala nasabihan ko na din po ang mga tauhan niyo sa gagawin nila" ani ni Owen sa akin at tama kayo si Owen ang kausap ko ang tagabantay ko simula pa man noon

"Eh Ikaw Annette, naipagawa mo na ba?" tanong ko kay Annette na nasa tabi ni Owen,

"Naipagawa ko na po Señorita Leonor, at sinabi din po ni Don Algrante na babalik na daw po kami ni Owen at ni John sa Pilipinas para magsilbi mismo kay Don Algrante" ani nito sa akin

"Alam niyo na ang gagawin niyo at hindi ko na dapat na sabihin kung ano yun" ani ko sa kanila

"Alam na alam na po namin Señorita Leonor" ani nila ng sabay bago lumabas kasama si Fatima, napatingin naman ako sa salamin pero agad din akong nag-iwas dahil sa ayaw kung palaging tumitingin sa salamin

'Malapit na, malapit na at makakauwi na din ako sa Pilipinas'

FRANCISCO ALGRANTE

"Kailan ba uuwi si Celestina, Don Algrante?" tanong ko kay Don Algrante, napansin ko naman ang emosyon na dumaan sa mata niya pero agad din itong nagseryoso

"Hindi na babalik ng Pilipinas si Celestina, sinabi din ni Celestina na ayaw niya kayong makita at sana wag niyo na daw siyang padalhan ng sulat at nakakadisturbo lang kayo sa trabaho niya" ani ni Don Algrante

"Pero hindi ganyan si Celestina at hindi niya masasabi yan" ani ko

"Nag iba na siya Francisco, hindi na si Celestina ang Celestina na kilala mo noon kaya wag ka ng mangarap na bumalik sa Pilipinas ang pinsan mo.... dahil hindi na siya babalik" ani nito, pero parang may iba pa siyang pinapahiwatig sa sinabi niya, nakita ko naman kung paano siya napatingin sa uma (urn) na hindi ko alam kung anong laman, ang alam ko ay dinala niya ito galing sa Pransya tatlong taon na ang nakalipas

"Hindi totoo yan, Don Algrante dahil hindi ganyang tao si Celestina" ani ko at tumayo na bago lumabas ng opisina niya

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa huling sulat ng pinsab ko na si Celestina sa akin, noong nakaraang taon pa ang sulat na ito na nagsasabi na ayaw niya ng makatanggap ng sulat mula sa amin kaya sana ay tigilan na namin at nakakadisturbo lang daw kami sa kanya,

Hindi ko alam kung bakit naging ganito siya pero ang alam ko hindi niya to kayang sabihin sa amin sa akin, sabi pa nga niya na sulatan namin siya araw araw dahil cguradong hahanaphanapin niya kami at ayaw niya  na malayo ang loob niya sa amin lalo na at nasa malayo siya, pero bakit ganon, bakit bigla niya na lang na sa sabihin sa amin na ayaw niya ng makatanggap ng sulat mula sa amin at madidisturbo lang namin siya, disturbo na lang ba talaga ang tingin niya sa amin

'Saan na ba ang kilala naming Celestina? Nandiyan pa ba ang pinsan na kilala ko?'

Ng makababa ako sa hagdan ay nakita ko ang tagasunod ni Celestina na kakapasok lang sa pintuan, at kasama nito ang dalawang lalaki na ang alam ko ay tagabantay ni Celestina, kaya dali dali akong lumapit sa kanila at tumingin sa likod nila nagbabasakali na baka nandoon si Celestina pero bigo ako

"Magandang umaga, Don Francisco" sabay na bati nilang tatlo sa akin

"Nasaan si Celestina? Umuwi na ba siya?" tanong ko

"Si Donya Celestina po ba?" naguguluhang tanong ng tagasunod ni Celestina

"Oo sino pa ba, kasama niyo ba siya?" tanong ko

"Hindi po ba't pa--"

"Annette" putol ni Don Algrante sa sasabihin ng tagasunod ni Celestina na Annette pala ang pangalan

"Patawad po, Don Algrante" ani ni Annette

"Magusap tayo sa opisinang tatlo at ikaw naman Francisco puntahan mo na ng kailangan mong puntahan" ani ni Don Algrante bago umalis kaya sumunod naman sa kanya ang tagabantay at tagapaglingkod ni Celestina

'Bakit nandito na silang tatlo pero wala si Celestina, e dapat sabay silang umuwi dahil sila ang pinagkakatiwalan ni Celestina' ani ko sa isip ko bago pumunta sa sasakyan

Celestina: A Martyr GranddaughterWhere stories live. Discover now