Chakka o6 ~

5.1K 118 7
                                    

Halos tatlong taon. Matuling lumipas ng tatlong taon. Naghilom ang sugat. Nagkapilat man ngunit wala na ako doong naapuhap na sakit. Tanging alaala na lamang ng nakaraan. Bago ko binuksan ang pintuan ay sinikap kong pakalmahin ang aking sarili. Namiss ko siya, sobra ngunit hindi nakakatulong ang agarang pagpapakita ng ganoong damdaminsa akin. Natuwa akong makitang bumabalik siya sa akin ngunit hindi tamang maglulundag ako sa tuwa. Ganoon naman talaga ang buhay, binabalikan ang taong walang ginawang masama, nilalapitan ang nagpunla ng kabutihan. Ngunit nabanaag ko sa kaniyang hitsura ang malaking pagbabago. May malaking pilat ang noo, basag ang labi at nangingitim ang gilid ng mga mata na parang sinuntok. Bumagsak ang dating hinangaan kong katawan niya. Mahabang buhok, impis ang pisngi na parang tumanda ng ilang taon. Anong nangyari sa kaniya?

Nang pagbuksan ko siya ng pintuan ay hindi niya alam ang gagawin. Parang gusto niyang magsalita ngunit walang namumutawi sa kaniyang labi. Malikot ang kaniyang mga mata. Napakaraming emosyon ang gustong ipakahulugan ng kaniyang mukha Bigla siyang tumalikod na parang nahihiya.

"Sorry." Yun lang at nagmamadali na siyang lumakad paalis ngunit bago niya marating ang elevator ay kumilos ang aking mga paa.

"Sandali." Mahina man ang pagkawika ko ngunit may kakaibang lakas ang aking mga kamay nang hawakan ko ang balikat niya para pigilan.

"Hindi ko pala kayang humarap sa iyo pagkatapos ng nangyari noon." Malikot parin ang kaniyang mga mata.

"Pare, walang nangyari. Kinalimutan ko na kung anuman ang sinasabi mong nangyari. Lumapit ka na din lang mabuting pumasok ka muna sa loob at nang makapag-usap tayo."

Pinaupo ko siya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung paano magsimulang magtanong. Ayaw ko na kasing itanong pa pero alam kong may nangyari. Hindi siya lalapit sa akin kung walang nangyari.

"Sandali lang, ipaghahanda kita ng makakain at maiinom." Iyon lang kasi ang alam kong paraan para matakasan ang nakakabinging katahimikan. Nang inaayos ko na ang miryenda niya ay bigla siyang nagsalita na nasa likod ko na pala.

"Ilang araw din kitang sinundan mula nang makita kita isang araw sa iyong pinagtratrabahuan. Hindi ko kasi alam kung paano kita lapitan. Hindi ko alam kung paano kita katukin saiyong pintuan."

"Hindi mo naman kailangang matakot sa akin. Hindi naman ako nagbago kaya wala ka naman dapat ikahiya. Maliban sa tumaba ako at pumangit pa lalo, wala ng nabago sa totoong ako."

"Napatay ni Mommy si Daddy sa matindi nilang away. Nakakulong si Mommy at dahil mag-isa lang akong anak ay parangpakiramdam ko ni isa ay wala ng naiwan sa akin. Ayaw kong umuwi sa probinsiya at paalipin kay lolo. Nasanay na ako dito sa buhay ko saManila."

"Sorry to hear that. Sobra pala ang pinagdadaanan mo. May magagawa ba ako para kahit papano guminhawa ang pakiramdam mo?"

"Tungkol kay Ram, nagiging mahigpit siya sa akin. Gusto ko siyang iwan noon pa ngunit hindi ko siya maiwan. Bumabalik at bumabalik lang ako sakaniya sa tuwing..." parang hindi niya narinig ang una kong sinabi. Animo'y may sarili siyang mundo. Parang batang nagsusumbong kahit hindi tinatanong. Ngunit nagging interesado ako doon sa balita kay Ram. Magtatanong pa sana ako tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya ngunit minabut kong huwag ng ungkatin ang alam kong maaring magpapaalaala sa kaniyang mapait na nakaraan.

Hinintay ko ang kasunod ng kaniyang sasabihin. Ngunit hindi ko nahintay.

"Sa tuwing ano..."

"Itong pilat sa noo ko, kagagawan niya ito nang minsang naging matindi ang pag-aaway namin dahil sa nagseselos siya sa kaibigan niyang nakikipag-usap lang sa akin. Nakahiga ako noon. Lasing na lasing ng hinampas niya ang noo ko ng lamp shade. Hindi ako puwedeng lumabas na hindi siya kasama. Wala naman akong mapuntahang iba. Wala naman akong malapitan at kailangang-kailangan ko siya dahil sa pangangailangan ko."

CHAKKA : Inibig Mo'y PangitWhere stories live. Discover now