Chakka o1 ~

13.8K 200 29
                                    

Chakka (INIBIG MO'Y PANGIT)

Sa panulat ni Joemar P. Ancheta

Chapter ONE

Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kongkawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino aymay matatag namang trabaho.

Kapag straight siguro akong lalaki, mukha pa din akong basurero kahit gaano pa kagara ang isusuot ko, kung naging babae naman ako, malamang walang manliligaw sa akin dahil masahol pa ako sa hitsura ng isang katulong na kahit damitan mong mamahalin... kaya nga marunong ang Diyos at ginawa akong bading dahil alam kong at the last minute sa amin kumakapit ang lalaking gipit na gipit. Ngunit kalimitan naman kahit pangit sa tulong ng sensiya ay gumaganda. Nareremedyuhan ang kapangitan. Ngunit ang likas na kapangitan ng ugali, matutulungan kakaya ni Belo o ni Calayan?

Kung sana nakikita ang kalooban ng isang tao, alam kong isa ako sa mga pinakamaganda. Kung abotng mata ang nasa kaibuturan ng puso alam kong ilalampaso ko ang Bareto sisters, iiyak sa inggit si Kristine Hermosa at seksing-seksi sa akin si Cristine Reyes. Malamang din na pipila si Pretty Woman na si Julia Roberts na humingi at magmakaawang makipicture sa akin...yun nga lang... hindi iyon agad nakikita, hindi iyon kaagad napapansin dahil sa panahon ngayon, kung maganda o guwapo ka, iyon ang batayan ng karamihan kung sino ang mamahalin.

Swerte ang mga baklang guwapo na, kilos at mukhang lalaki, mapera at may trabaho pa, dahil kahit arawan kung magpalit sila ng chuchurbahin. Madali din silang makatagpo ng katulad nilang guwapo at ang katulad kong pangit, nilulunok na lang ang laway sa inggit. Kung maylalapit man sa amin na guwapo, natatakot na kaming mahalin siya dahil una, natatakot kami sa kung anoang habol sa amin. Natatakot kaming masaktan at maloko lamang dahil kungtutuusin, sino ba naman ang guwapongmanatili sa tulad naming pangit. Madagdagan pa iyon kung ipapakilala ang guwapong ito sa mga kaibigan. Natural na sasabihin nilang...

"Magkano naman ang budget mo sa kaniya baduday?"

"In fairness guwapo ha, pero for sure, bukas makalawa magiging pulubi ka na uli bakla!"

"Naku, mag-ingat ka diyan, baka lolokohin ka lang niyan."

"Huwag kang makinig sa mga pambobola niya dahil peperahan ka lang niyan, alam ko ang kaliskis ng mga ganyan kasi galing na ako sa ganiyan, lalo pa't wala ka pa naman ganda beklabush ka."

Iyan ang walang tigil na payo o kaya ay sabihin na nating pang-ookray ng mga kaibigan kaya ikaw namang si pobreng pangit, iwasan ng mahalin siya at ienjoy na lang ang pakikipagkaibigan sa kaniya.Okey lang kung kusang lalayo ang lalaki, makakalimutan mo at pilit pigilin ang sariling mahulog sa kaniya.Ang masaklap ay kung pagkaraan ng isang linggo hayun at akay-akay na siya ng isa sa mga kaibigan mong dati ay pinagsasabihang kang lolokohin ka lang at peperahan. Malaman-laman mo na lang na ang kaibigan mo na ang bumibili ng mga mamahaling gamit ng dati ay ginusto mo. Masakit ngunit gano'n talaga ang takbo ng buhay naming bading na, pangit pa. Ngunit mababago ang lahat. Alam kong darating ang panahong luluhod din angtala ni Sharon Cuneta at sasabihin kong akin din ang dating Bituing walang ningning. Magsisisi lahat ang mga nang-api sa akin at sasabihing "kung sana bukas pa ang kahapon". Etchos lang. Mabait kaya ako!

Madami nga namang nagkalat na guwapo na sobrang ganda pa ng tindig at katawan. Pero sabihinkong karamihan sa mga iyan, berde din ang dugo. Kung hindi man sila gano'n, maraming girlfriends yan o masaklap may asawa na't kabit pa. Kung wala pa din sa nabanggit, siguradong tatama na ako kung sasabihin kong ang mga nagakalat na gwapong mga 'yan ay siguradong sumasanto ito sa salapi. Kung ang straight pumatol kay beklabush, hindika niya pinatulan dahil maganda ka, dahil ang tunay na ganda sa mga straight ay sa babae lang, ang sabihinmo, pinatulan ka ni straight dahil sa kinang ng iyong bulsa. Ang straight ay para sa babae at kung natikman moat sinabi niyang kayo na, puwes, asahan mong aagos ang pera mo mula sa kaniyang talampakan hanggang ulo at may ambon pa sa sikmura o buong katawan sa girlfriend o asawa niya. Kaya nga ako, kapag sinabi niyang straight siya, kahit pa gaano siya kagwapo, hands-off na ako. Lalo na kung sa una pa lamang ay may mga parinig na? Naku, umiwas ka na ng mabilisan bakla dahil siguradong gawinkang atm niyan.

CHAKKA : Inibig Mo'y PangitWhere stories live. Discover now