dual 7

258 8 0
                                    

Nag iisang umiyak si sandy sa kwarto nya, ano bang nangyari sa kanya, malas nya,, napakamalas nawalan sya ng kaibigan,ditto sa quessian dorm, dahil kay dual..

 Humagulhol sya ng iyak na umupo sa gilid ng kama nya at yapos ang mga paa nya.

Biglang bumukas ang pinto pero hindi nya alintana yun, dahil sa takot, sa kaba na nararamdaman nya.

“may kinalaman kaba sa pagpatay nila mikki at eula?”narinig nyang sabi mula sa likuran nya, natigil sya sa paghikbi, alam nyang si leah yun.

napailing sya, hindi sya kumibo. Iyak lang sya ng iyak.

Hindi nya namalayan nasa harapan na pala nya si leah.

“sumagot ka?”matigas na sabi ni leah sa kanya, pansin nya may namumuong luha sa mga mata nito.

Napailing sya,at napayakap sya ng mahigpit sa kanya mga paa at nagsalita.” Si dual..si dual..ang pumatay sa kanila at hindi ako..hindi ako!”humagulhol sya ng iyak, hindi nya malaman kung anong gagawin, parang nawalan na sya ng ulirat dahil sa mga nangyari sa kanya.

                “du..dual..sinong..dual?”nanlaki ang mga mata ni leah ng sabihin ni sandy ang pangalan, sa 1 yr nyang pagstay ditto, wala syang natatandaang dual ang pangalan ditto sa quessian dorm.

                “halika..may ipapakita ako..sayo para maniwala ka..?”desperado na si sandy, hinawakan ni sandy ang kamay ni leah at dinala sa cr nito. Pagdating nila sa c.r , humarap sila sa salamin ng cr at nagsalita si sandy na parang may kinakausap.

                “dual..lumabas ka..ano bang kilangan mo..bakit mo sila pinatay.”emosyonal na sabi ni sandy.

                Nabigla sya ng magsalita ulit si sandy.” Oh..bakit?pinatay ko sila dahil wala silang modo”anito. Hindi nya alam kung maaawa ba sya sa kaibigan o matatawa, parang baliw ito na kinakausap ang sarili at sya din ang sumagot.

                “walang hiya..ka..bakit mo ginawa iyon huh..”galit na sabi ni sandy sa kanya.

                Parang napansin si lea ng refleksyon nito sa salamin.

                “oh..hi..ikaw pala si lea..im dual..ako ang dual ni sandy.”nabigla si lea sa sinabing pangalan ni dual,si dual at si sandy ay iisa may dual identity disorder sya.naalala nyang lecture ng pysichology nila noon” dual identity is a mental disorder characterized by at least two distinct and relatively enduring identities or dissociated personality states that alternately control a person's behavior, and is accompanied by memory impairment for important information not explained by ordinary forgetfulness”.

                “oh..my god”bulong nya dahil sa gulat.

                Walang hiya ka,,sagutin mo ako may kinalaman kaba sa pagpatay ng mga magulang ko?”galit na galit si sandy sa dual identity nya na si dual.

                Ngumiti si dual at nagsalita”oo..ako ang pumatay sa kanila dahil wala silang modo kasi lahat ng gusto nila masusunod” sabi ni dual na may halong ngiti.

                Napaatras si sandy sa gulat, hindi nya alam kung ano ang gagawin nya sa taong pumatay sa mga magulang nya. Nahagip ng kanyang mata ang shampoo na sa gilid ng shower kinuha nya ito at hinagis sa salamin, basag ang salamin,.

                Umupo si sandy sa gilid at umiyak nalang sya wala syang magagawa.

                Naawa si leah sa kaibigan, imbes magalit si leah kay sandy dahil pumatay ito ng tao,. Nilapitan nya ito at niyakap.

                Umiyak silang pareho.

DUALOnde as histórias ganham vida. Descobre agora