Pak! Awrang-awra ang lola niyo. Dama ko 'yong kontrabida vibes.

"Talaga, iho?"

Plastik. 'Kala mo talaga santo. Asa ka naman. Tatanda kang maiinggit.

Nginitian ko siya. "Opo, hanapin kita. Pero sa ngayon, kailangan ko na umalis kasi hinihintay na ako ng BOYFRIEND ko."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagmadali na na makalayo sa echoserang plastikada kong kamag-anak na never akong tinuring na kamag-anak. Makikisama na sa 'yo kapag sa tingin nila ay mapapakinabangan ka na nila.

Kapag talaga ako yumaman, hindi ko magiging idol ang mga ugali niyo. Pabatukan ko kayo sa kangaroo, e.

"Ay!" Muntik na akong masagasaan ng sports car na grayish-blue nang tatawid na sana ako kahit red naman ang traffic light at nasa pedestrian lane naman ako.

"Hoy! Gago ka ah! Mabunggo ka sana!" sunod-sunod kong sigaw sa papalayong sasakyan.

Mga mayayaman talaga. Porket naka-Lamborghini Veneno, ang lakas na ng apog na managasa ng tao. Hindi dahilan ang pagmamadali 'no! Tsaka hello? Ang laki at ang luwag ng daan mhie! Hindi sila maaabala kahit pa magzigzag sila sa kalsada.

Jusko naman. Ang aga-aga ha! Pasalamat kayo, mabait ako ngayon.

Bumalik na ako sa apartment ko habang dala ang ngiti sa aking labi. Muli kong tinignan ang dala kong paper bag na puno ng mga recipe ng lulutuin ko. Bumili na rin ako ng extra na itatambak ko sa ref para naman hindi na ako magpabalik-balik sa tindahan. Pero mas mainam talaga kung maggrocery na ako bukas.

Pagkarating ko sa kusina ay sinimulan ko na ang pagluluto. Inabot pa ako ng halos kalahating oras dahil ginalingan ko talaga. Matapos kong iluto 'yon ay nag-ayos ako ng sarili.

"Future hubby, here I come!"

Marahan ang pagbukas ko sa pinto at gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi pero agad ring napawi 'yon nang madatnan ko ang nagusot kong kama na walang taong nakahiga.

Baka nag-CR!

"Pogi?"

Wala rin.

Bumili lang ako ng pagkain, nawala na siya? Wala man lang thank you? Grabe na talaga ang world. Lablayp na, naging waley pa. Mabundol ka sana. Hindi ka man magiging akin, pwes hindi ka rin mapapakinabangan ng iba.

Charot! Huhuhu! Prince charming ko!

*

Balak kong i-expand ang café, hindi na lang tayo sa beverages at pastries magfofocus.
sabi ni Maki na nakaupo sa isa sa mga upuan habang may mga kaharap na papeles na hindi ko alam kung para saan.

Wala pang customers kaya tamang punas-punas muna ako sa mga tables kahit malinis naman na. Ang walanghiyang Waylen ay pumapapak na naman ang mga pagkain sa kusina at hindi man lang ako tinulungan. Mabulunan ka sana.

Nagkatinginan naman kami ni Akio sa sinabi ni Maki. Anong ibig mong sabihin, Maki? ako na ang nagsalita.

Tumayo si Maki bitbit ang mga papeles at lumapit sa counter, inabot niya iyon kay Kael na nakatulala sa cashier station. Iniisip na naman siguro 'yong inspector niya kasi hindi sumulpot kanina.

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now