"Alam ko naman iyon e. Kahapon lang naman nangyari iyon pre, kaya sobrang fresh pa non sa alaala ko. Ang akin lang, gusto ko munang ispoil ang sarili ko sa sakit para hindi na ako masaktan kapag tatanggapin ko na ganito talaga ang kapalaran naming dalawa." Umiiyak na saad ni sakuragi, bumuntong hininga naman si mito bago tinignan ang tatlong kaibigan na tahimik lamang na nakikinig.

"Gets ko, kaya sige.. sasamahan ka namin sa gusto mong gawin, pero pangako mo na pagkatapos nito, gagawin mo na iyong bagay na gusto mo ng hindi nagrereklamo." Anas ni mito, uminom muna si sakuragi bago tinignan si mito ng seryoso.


"Sige, pagkatapos nito magsisimula na ulit ako ng panibago." Saad nito na ikinatuwa ng mga kaibigan nito, maya maya pa ay sumigaw pa ang mga loko na dagdagan pa ang inumin.

Sabi na nga ba, totoo ang nasa isip ni mito simula palang na gagawa na naman ng hindi maganda ang mga kaibigan niya, buti nalang may dala siyang pera niya.

-
Samantalang sa bahay ng magulang ni rukawa, nag babalak ang mga itong dumalaw sa bahay nila aki subalit hindi iyon matugunan ni rukawa dahil hindi magandang ideya na pumunta sila doon agad.

"Pa, wag nalang po kaya muna, baka kasi makapang abot sila ni tita mommy." Bulong na saad ni rukawa sa tatay niya, nag aalala din naman ang ama ni rukawa na nakatingin sa asawang excited na makita ang anak.

"Anak, hindi ko naman kayang sirain ang magandang mood ng tita Mommy mo, baka sakin naman siya magalit." Anas ng daddy ni rukawa

"Ako na po bahala daddy, ako na po ang kakausap." Lumapit si rukawa sa tita mommy niya na nag aasikaso ng gamit na dadalhin paalis

"Tita mommy, what if wag nalang po muna natin ituloy ngayon. Baka kasi makapag abot kayo ni coach kotaro at maapektuhan na naman non si aki, paano pong nakita niya kayo? Ano po sa tingin niyo ang magiging reaksyon niya?" Saad ni rukawa na ikinatahimik ng kanyang tita mommy

"Mahal, tama ang anak mo.. hindi magiging maganda ang kalalabasan kung bigla ka nalang mag papakita sa anak mo, alam mo namang kahapon lang di na maganda ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang ama Diba?" Mahinahong saad ng tatay ni rukawa

"Pero, miss na miss ko na ang anak ko. Sobrang miss na miss na." Unti unting naluha ito kaya nataranta ang asawa nito at niyakap, tinignan niya si rukawa ng may pag angil.



"Kayo pong bahala tita pero mamayang gabi na po." Buntong hininga na sabi ni rukawa


Makalipas ang ilang oras sa loob ng bar, unti unti na ring dumadami ang mga tao sa loob kaya naging masikip na para sa kanilang lima na nagkakatuwaan, kahit na ang umiinom lang naman ay si sakuragi at nagbabantay lamang ang apat dito.


"Mito, umuwi na tayo, anong oras na oh! Lagpas ala sais na ang oras umuwi na tayo." Saad ni noma kay mito, tumango si mito at tinapik si sakuragi na lasing na lasing na.


"Sakuragi, tara na. Tama na yan, ginabi na tayo.. marami ka na rin nainom, ihahatid ka na namin." Anas ni mito, ngunit umiling lamang si sakuragi


"*Hik* a-ayoko umalish, gutho ko pang huminom *hik*." Lasing na sabi ni sakuragi, naiiling na tinanguan ni mito si ohkusu, isang tao lang kasi ang alam nila makakapag pahinto dito e.



"Hello, aki! Kaibigan ako ni sakuragi, nandito kami ngayon sa bar, lasing na lasing na si sakuragi Pwede mo ba siyang puntahan?" Rinig ko na saad ni ohkusu, sinabi naman nito ang location kaya naghintay nalang muna kami dito at hinayaan ito.


Mga 30 minutes siguro bago nakarating si aki dito na pawis na pawis, hinihingal din ito marahil ay tumakbo ito papunta dito. Nakapang pamjama pa ang suot.


"Sakuragi?! Teka? Anong nangyari sakanya?" Nag aalalang tanong ni aki, nilapitan nito si sakuragi bago hinimas himas ang likod, nakatulog na kasi ito.


"Pasensya na aki, hindi na namin napigilan, gusto niyang uminom kaya pinag bigyan na namin." Bumuntong hininga si aki bago tumango


"Tara na, iuwi na natin siya." Anas ni aki, tumango si mito bago tumungo sa bar counter para mag bayad.

Inilalayan naman ng tatlo si sakuragi palabas.


Mukhang naramdaman ni sakuragi na gumagalaw at may bumubuhat sakanya kaya ito umungol.

"A-aki? N-arinig ko boses ni aki." Rinig naming sabi nito bago muling nakatulog


"Ako na bahalang magbantay sakanya, uuwi din ako agad dahil baka hanapin ako ni daddy at malamang wala ako sa bahay." Tumango si mito bago tumulong sa pag akay at pag pasok sa taxi si sakuragi.







The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now