Chapter 32

19 1 0
                                    

Chapter 32

Unreadable


"I promise that I will reclaim that "I love you" from yourself. I will do anything to make you choose me, so be ready, Savannah..."

Hanggang ngayon ay hindi iyon mawala sa isip ko. Para bang sirang plaka ang mga salitang 'yon na nag-p-play sa utak ko.

The way he said that... it's not Charles-like. He was like a completely different person. And sa pagiging tapat niyang iyon, seryoso siya sa mga binitawan niya.

I don't know what to do. He swore that however... there are five others that were also into me. Hindi puwedeng mawala sa utak ko 'yon.

I sighed. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa kuwarto ko. Nag-mumuni-muni ako at nakatulala lang sa dingding. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung new promise ni Charles sa akin kagabi after nung concert.

He looked cool yesterday all right! Is that an enough reason to justify that I'm thinking of him even at this moment?

Speaking of... hindi ako nagpanic ngayon, which is great! Nadala na ako kahapon eh. Nag-alarm na ako and ayun, nag-ayos ng sarili. Nakapaligo na rin ako, nakakain at nakapag-make-up at hairdo. Bale, hinihintay ko na lang kung 'yung magiging ka-date ko today.

Sa kabilang banda, mukhang masyado naman akong naging early bird ngayon. Baka nga nagsesepilyo pa lang ang ka-date ko ngayon eh.

Anyway, dahil doon ay inabala ko na lang ang sarili sa cellphone ko. I decided to read a new manga. One-shot na lang 'yung pinili ko.

After few minutes, tapos ko na. Ang unexpected ng ending. Hindi ko inexpect na sa best friend pala ng babae nagkagusto 'yung bida. Nakakabitin nga lang... but it's a one-shot so it can't be helped...

Napatayo ako nang lumipat ang mga mata ko sa oras. Hala! Baka natagalan ako ah! Kinalkula ko at twenty-five minutes lang naman ako nagbasa. Ah! Baka nandiyan na siya sa labas.

Binuksan ko ang pinto ng bedroom at tinakbo ang papuntang labas. Gosh!

Pero ang weird. Wala akong narinig na... "Savannah, may naghahanap sa'yo" which is ang go signal ko para harapin na ang partner ko sa labas. Bakit hindi ako sinabihan nila Mommy?

Lumabas ako ng bahay. Oh... walang tao. Walang lalaking nakatayo. Walang lalaking naghihintay. Napahiya lang ako sa pagmamadali ko.

Naglakad pa ako, nagbabaka-sakaling baka nandito lang 'yun. Baka naman ay nagtatago lang or natagalan lang sa biyahe.

Naka-tatlong lingon na ako sa kaliwa't kanan ko ay wala akong nakita. Nagpunta pa nga ako sa kapitbahay at nagtanong, ganoon din ang tugon nila. Napakamot na lang ako sa ulo.

I am currently wearing my light blue summer dress paired with my buckle detail chunky heeled ankle strap sandals. Ready na ako, ang partner ko, I don't know.

Masiyado ngang plain ang outfit ko eh. But it doesn't matter. Ang importante ngayon, mahanap ko ang ka-date ko.

Napaigtad ako nang mag-vibrate ang hawak kong phone. Na-realize kong galing pala kay Sir Keane iyon. Kaagad ko itong viniew.

Keane:

I'm sorry, Savannah.

My brow shot up. What does he mean?

Biglang dumaan sa'kin na baka konektado ang message niyang ito sa kung bakit wala pa rin akong kasama hanggang ngayon. Si Sir Keane pala ang aking partner for today!

Pero ang nakakapagtaka, bakit hindi siya nakapunta? May nangyari kaya?

I scrolled up to our previous conversations. Wala na naman siyang ibang tinext bukod doon. Lalo tuloy akong naguluhan.

I Chose YouWhere stories live. Discover now