Bigla namang naalala ko ang huling sinabi ni Casano bago ako iniwan kanina.

"Huwag kang mag-alala, may ipapatawag ang council para ipagtanggol ka." Sino naman kaya ang tinutukoy niya??


(SOMEONE'S POINT OF VIEW)

Bago makarating sa gusali ng Prime Org ay hindi ko naiwasan ang mga matatalim na tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Hindi ba sila nagsasawa? Wala namang magbabago kahit na titigan nila ako ng masama buong araw.

Nauna na si Casano na pumasok sa isang room kung saan ay may madaming computer. Nagtaka naman ako dahil hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin. May lalaking nakaharap sa computer at kasalukuyang ginagamit ito. Tatlo lang kami ang nandito ngayon.

"Kailangan ka namin para panoorin ng mabuti ang video footage. We need your opinion. Hindi naman kami basta-basta mag-aakusa ng walang matibay na ebidensya." Tinuro niya ang computer na nasa harap ng lalaki.

Nilapitan ko siya at ibinaling ang tingin sa computer.

May dalawang babae sa video na naka-pause. Magkaharap ito kaya side view nila ang nakikita namin.

"On the right side is Ms. Leona while on the right side is---"

"Anndrew Zeita," ako ang nagtuloy sa sunod niyang sasabihin. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang mukha niya ngayon dito sa monitor. Magkahawig talaga sila ni...

Hindi ko alam kung tuwa ba ang dapat kong maramdaman o takot nang makita siya. Hindi ordinaryong eskwelahan ang pinasok niya at lalong hindi matitino ang mga estudyanteng nandito.

Naghalo-halo na ang mga emosyon na nararamdaman ko kaya tinignan ko na si Casano para ipahiwatig na i-play na ang video. Pinindot niya naman ito at hinayaan akong panoorin ito.

Nag-uusap silang dalawa sa umpisa. Pareho silang may tinatagong kutsilyo. Tss. Walang audio ito kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Nagsimula akong macurious sa sinabi ng babaeng nasa kanan dahil nag-iba bigla ang awra ni Zeta. Tinatakpan niya ang kanyang mga tainga hanggang sa napahawak ito sa kanyang ulo. Ano kayang atraso niya kay Leona? Nakapagtataka para sa isang miyembro ng Seeker Org na naghahamon ng away sa isang baguhan na tulad ni Zeta.

Alam ba ng executive niya ang pinaggagawa niyang ito??

May sinasabi ang ibang babae na si Leona kaya nagkakaganon si Zeta. Nagbago na ang awra nito. Itim. Kinilabutan ako ng konti. Nawalan na siya ng control sa sarili niya at pinalitan ito ng hindi ko inaasahang meron sa kanya. May natatago siyang halimaw. Napapanood namin ngayon kung paano siya lumaban o mas magandang sabihin na magaling siyang makipaglaban. Naiwasan niya ang lahat ng atake ni Leona. Mabilis niya din itong nahawakan sa leeg at sinakal.

Nabitawan ni Leona ang kutsilyong hawak at pinipilit na kumawala sa mga kamay ni Zeta. Parang walang naririnig si Zeta nang mga oras na ito hanggang sa... lumiwanag ang mga mata nito na parang kagigising lang. Naguguluhan itong nakatingin sa kamay niyang sumasakal kay Leona.

Tinutukan ko ang gilid na parte ng video at may napansin ang mga mata ko.

"I-pause mo ang video," utos ko. Nang ma-pause ito ay tinuro ko ang bahaging napansin ko sa video.

"May kutsilyong lumipad sa harapan ni Leona. Nagmula ito sa bandang ito. Hindi na sakop ng CCTV kaya hindi rin natin malalaman kung sinong nagbato nito."

"Masyadong silang okupado sa isa't-isa kaya hindi nila namalayan ang pagtama ng kutsilyo sa tiyan ni Leona. Pagkabitaw ni Zeta ay siya ring pagsisimula ng pagdugo sa natamaang tiyan ni Leona. Nabitawan na ni Leona ang kutsilyo habang hawak-hawak naman ni Zeta ang sa kanya. Walang dugo ang hawak niya kaya hindi siya ang sumaksak kay Leona. Case closed," pagpapaliwanag ko habang nakatingin sa naka-pause na video. Ngunit may isa pa akong napansin kanina.

Hinarap ko si Casano na nakatutok din sa monitor.

"Anong resulta ang sinabi ng mga doctor?" tanong ko sa kanya.

"There are no fingerprints in the knife. It's just a knife with... poison in it." Nagulat naman ako sa sagot niya.

"Lason? Paano nagkaroon ng lason? Nagbibiro ka ba?" naguguluhang tanong ko. Tumayo ang lalaking gumamit ng computer at lumabas.

"No, I'm not. Hindi pa ba nakarating sayo ang balita? Nang gabing naganap ang welcoming party, may pinadala silang babae para i-anunsyo ang pagbabalik nila. They're back and you know it. The poison that they put in your office, you should know it already. Hindi yun ordinaryong lason, at kilala mo ang mga taong may kakayahang gumawa nun."

"And for your information, on the first night of Zeta here in Assasino Univ, muntik na din siyang tamaan ng kutsilyong kapareho ng lasong tumama kay Leona," dagdag pa niya.

"Bakit nila pag-iinteresan ang isang tulad ni Zeta? Wala siyang kinalaman sa nangyari noon. Ano namang gusto sa kanya ng Black Org?" Sa pagkakataong ito ay wala akong ideya kung bakit naging target nila si Zeta.

Kanina, ang isa pang napansin ko na hindi ko na nasabi. Hindi si Leona ang totoong target ng kutsilyong bigla na lang sumulpot. Sa direksyon ni Zeta papunta ito ngunit dahil nga nasa harapan niya si Leona ay ito ang natamaan.

"Alright. Since, hindi pa naman miyembro si Zeta ng organisasyon mo ay pansamantala muna siyang mananatili dito---"

"Sinong nagsabing hindi siya miyembro ng Red Org?" nakangising tanong ko. Baliw na kung baliw pero may tuwa akong nararamdaman ngayon.

"You said earlier---"

"Kanina pa yon, iba na ngayon. Tinatanggap ko na siya bilang miyembro ng Red Org." Nagkatitigan kami ni Casano. Nagtataka siyang tinignan ako at halatang binabasa niya kung anong iniisip ko ngayon. Hindi niya inaasahang bigla-bigla na lang magbabago ang desisyon ko.

"You're gonna use her as your bait?"

"She's part of the game now." Nginitian ko siya.

Bago ako makalapit sa pintuan ay may naalala ako.

"Syangapala, alamin niyo din kung magkapareho ang lason na nasa kutsilyo at ang lason na ininom ng executive ng Hunter Org." Yun lang saka binuksan na ang pintuan ng room at naunang lumabas.

Pagkalabas ko ay naaninag ko ang isang pamilyar na tao na kasalukuyang kausap sina Kimberly at Magi. Nakatalikod sakin ito at hindi narinig ang paglapit ko sa kanya.

Nakatingin sakin sina Kimberly at Magi kaya nakaramdaman ang taong ito at tumalikod. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.

Sa tinagal-tagal ng panahon na nandito ako ay ngayon lang ulit ako nakakita ng taong hindi ako binigyan ng masamang tingin. Walang takot. Normal na reaksyon lang.

Nagkatitigan kaming dalawa. Ibang-iba siya sa babaeng napanood namin sa CCTV Footage. Napaka-inosente ng mga mata niya ngayon.

"Anndrew Zeita, simula ngayon ay miyembro ka na ng Red Organization." Nanlaki ang mga mata niya at hindi nakapagsalita. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, naglakad na ako palabas ng gusali ng Prime Org.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now