00

5 2 51
                                    

"Dali na, Liz! Sumama ka na," pamimilit sa akin ni Emie na manood ng basketball game, na sa tingin ko ay hindi naman kawili-wili. She persists in nagging, despite the fact na ilang beses ko nang sinabi na ayoko. Anong gagawin ko roon? Tutunganga na lang habang napakaingay ng paligid ko?


"Bilis na, pagbigyan mo na ako please, Liz? Minsan na nga lang akong mag-request sayo, eh..." Nakapulupot ang braso niya sa braso ko at nakapatong naman ang ulo niya sa balikat ko.


"Since when have you been interested in basketball? And for the last time, ayoko nga. Paano kung matamaan ako ng bola?" I reacted paranoidly.


"Come on, sumama ka na, Liz." Sabi ni Cloud habang sinusuklay ang maikli at kulot niyang buhok na hanggang leeg lang.


“Tama, para kumpleto na tayo this time,” singit naman ni Astri dahil last time ay hindi siya nakasama sa gala namin.


Napatingin ako kay Yuri na hindi pa nagsasalita simula kanina, "Are you coming?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Akala ko ba hindi rin siya interesado sa mga ganitong bagay?


"My brother will be playing.." mahina niyang sabi. Ah, kaya lang pala siya sasama dahil gusto niyang suportahan ang stepbrother niya.


Tumawa ng mahina si Astri, "Wala ka nang magagawa, Teyuri is with us."


"Sige na nga." Napapayag nila ako kahit na hindi ko talaga makita ang punto ng panonood ng isang bagay na hindi ko naman kinagigiliwan.


Saka bakit ang lapit ng pwesto namin sa mga players? Paano kung matamaan talaga ako ng bola dito?


Nag-aalala akong tumingin sa paligid, "Bakit ang lapit natin? Paano kung mamatay ako dito..?"


"OA mo naman, bola lang yun! Hindi ka mamamatay agad, kasi alam mo kapag tinamaan ka—tinamaan ka. At this is the best seat kaya!" said Emie as Cloud stared at her suspiciously.


"Kailan ka pa naging interesado sa ganito, ha? Emierald?" Nagtataka na tanong ni Cloud kay Emie.


Bahagyang tumawa si Emie, "Wag mo nang alamin." Nag-lipbite pa siya.


"Ako! Alam ko!" sabat ni Astri at nagtaas pa ng kamay. "She came here for someone."


"Hoy, hindi, ah! Mapag-imbento ka. Hindi ba pwedeng kasi gusto ko lang? Kumbaga, for experience?" depensa ni Emie sa sarili.


"Ulol," sabi sa kanya ni Cloud, "Huli ka na. I-legal mo siya sa amin mamaya."


"Ay, ayoko! Baka ma-jinx! Hindi pa nga kami, ih!" Maarteng balik ni Emie.


"Si Robles ba? Alpha Robles?" Nanlaki naman ang mga mata ni Emie sa assumption ni Astri. Ah, okay...


"Hindi, ah!" Emie immediately denied, "Watch niyo na lang yung game." Aniya bilang pagbabago ng usapan at ibinaling ang tingin sa mga players.


"Sino d'yan, Astri? Ituro mo nga." Bulong ni Cloud kay Astri pero sadyang nilakasan ang boses niya para marinig din namin.


"Aa! Tumigil nga kayong dalawa! Huhu." Sinubukan silang pigilan ni Emie pero naituro na ni Astri kung sino ang tinutukoy niya.


"Yan! Siya 'yan!" bulalas ni Astri at tumawa ng malakas.


"Ay. Mas pogi pa baby ko d'yan," sabi ni Cloud matapos makita 'yong Alpha na pinag-uusapan nila, "Pero in fairness, pogi nga. May taste ka." Sinundot niya ang tagiliran ni Emie.


"Hele, enebe!" Inilagay pa niya ang buhok niya sa likod ng tenga, "Sinong gustong magpareto sa kaibigan niya?" she moved her brows up and down, "Pero sa kaibigan lang, kasi mine na siya. Ikaw, Cloud? Ay, bawal nga pala, taken na—taken for granted.. Astri—err wag na, baka mamaya may biglang sumabunot sa buhok ko. Yuri? Big no, her Kuya's here... Liz?" napatingin siya sa akin, nakangisi pa.


"Nope!" Agad akong tumanggi. Ayaw ko. Please lang, Lord. "Ayoko ng basketball player," dagdag ko pa.


"Choosy nito." sabi ni Astri na parang siya ay hindi.


"Sorry, wala ka nang magagawa," tinapik ni Emie ang balikat ko, "Mahalin mo na lang ako ng sobra-sobra," pagkanta niya.


"Woohoo! Go, Kuya!" Nagulat kami ng biglang tumayo si Yuri at humiyaw, eh madalas sobrang tahimik lang niya at hindi nagsasalita. Dahil doon, tumayo din sila Emie at mga naghiyawan na parang mga manok.


Sino naman 'yong nakasuot ng number 03 sa jersey na teammate ng Kuya ni Yuri? Feeling main character at mayabang pa pero gustong-gusto siya ng mga tao. Hindi naman siya ganun kagwapo but it seems like they love him very much. Halos mabingi na nga ako kasi pati mga kaibigan ko ay nagchi-cheer sa kanya kapag nakaka-score siya, nakakainis.


Pula ang jersey na suot ng team nila, at naka-black headband 'yong lalaki na tinutukoy ko kaya kitang kita talaga ang makinis na noo at makapal na kilay niya. Sa tingin ko ang kilay niya ang pinaka-distinctive na feature niya.


"Grimpula..." I mumbled the last name that was written on his jersey.


Alright, nagbago na ang isip ko, pogi nga yata siya—pero 'di ako sure.





























ako po, sure ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one more timeWhere stories live. Discover now