Napalunok ako sa sobrang kaba. Kung kinabahan ako kanina na lumalapit pa siya sa akin, mas kabado na ako ngayon dahil literal na one hand apart na lang kami. Saka ko lang napansin na Paris Brun ang kulay ng mga mata niya. Mas lalong luminaw sa akin ang buong mukha niya. At walang bahid ng dumaang pimples sa mukha niya. May nunal siya sa left chin niya.

Napansin ko ring . . . ang chubby ng cheeks niya! Cutieee!

“H-hahalikan mo ba ako?” Niliitan ko ang boses ko para dama 'yong pagiging pure and innocent ko.

Ngumisi siya ng nakakalokong, 'yong tipong kakabahan ka talaga dahil ito na 'yong moment na may gagawin na siya sa akin. OMG! CAN'T WAIT!

Hinaplos niya ang mukha ko gamit ang free hand niya, pakiramdam ko mas smooth pa 'yong kamay niya sa mukha ko. Bigla akong nahiya.

“You're cute.”

Opo! Matagal na! At mas lalo pa akong magpapacute dahil sa sinabi mo.

Inipit ko ang bangs ko sa gilid ng tenga ko at pumikit. “Ready na po ako.” sabi ko.

Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko nang mas lumapit na siya sa akin. Habang nakapikit ako, lumitaw ang mga imahe ng mga kaibigan ko. Sandali lang 'yon. Agad ko namang iwinaksi ang mga pangit nilang mga mukha sa isipan ko.

Hello? Moment ko 'to, e! Hindi ko pwedeng palagpasin 'to. Hindi ako papayag na may nanliligaw na sa kanila habang ako magiging matandang binata. No! Sayang ang lahi ko.

“Mm, you smell really nice...” bulong niya sa tenga ko.

Sinukahan mo nga ako, e!

“Ehe! Nakikiliti ako, enebe!” Nahampas ko siya sa dibdib niya.

Tigas!

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinahaplos ang dibdib niya. Ang tigas, bato! Naglakbay pa ang kamay ko sa malapad niyang balikat at maskulado niyang braso. Ang sarap!

Pero bakit ang tagal niya akong halikan? Ano ba hinihintay niya? Mukha ba akong nagjojoke? Nakapikit na ho ako oh!

Sa sandaling idinilat ko ang mga mata ko ay sumalubong ang kabigatan niya sa patpatin kong katawan. Muntik pa akong matumba. Tulog na pala ang hinihintay kong magiging unang tikim ng paraiso ko. Grabe! Ang saklap ng gabing 'to.

“Jusko naman! Ang pinangarap ko paraiso, delubyo naman 'to, e. Wala na bang mas ibibigat 'to? Sulitin niyo na po, lord para naman isang beses lang akong mahirapan!”

Sunod-sunod ang paglagutok ng mga buto ko sa sobrang bigat niya. Tao ba 'to? Grabe, ang laking pasanin!

Bumaling ang tingin ko sa kakapasok lang na lalaki. Nagulat pa siya nang makita ang sitwasyon namin. Nakasandal pa rin ako sa pader habang sinusuportahan ang bigat niya para hindi kami parehong matumba pero kung titignan mula sa direksyon niya, mukha kaming may ginagawang kababalaghan.

“Naks! Ilang round na 'yan?”

Napangiwi ako nang magsalita siya.

“Knock-out na nga, e.” sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. “Kuya, tulungan mo naman ako oh! Ang bigat kasi nito, e! Hanggang parking lot lang.”

“Ayoko nga, nasusuka pa ako!” saka siya dumeritso sa sink.

“Mamaya mo na isuka 'yan!” sigaw ko. “Tulungan mo muna ako, please... Kapag namatay ako dito, ikaw agrabyado!”

Tumaas ang kilay niya. “At bakit? Pake ko ba sa inyo?”

“Tangina mo tulog 'to oh!” Dinuro ko ang lalaking ang sarap ng pagkakasandal sa akin. “Ikaw lang ang magiging possible suspect dito. Kita ka sa CCTV sa labas.”

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now