41 | Poisoned

Mulai dari awal
                                    

"He was dragged with Kenzo by the girls, there," turo ni Light. Sinundan ko kung saan niya itinuro at nakita ko nga si Lucas na nakikipagtawanan kasama ang ibang grupo at si Kenzo.

Natanawan ko rin malapit sa mesa nila si Azee na kausap ang ilang babaeng kagrupo niya yata.

"Here comes the gold digger," naagaw ng pansin ko ang narinig kong bulungan.

"Wala na, sira na ang gabi ko," mas lalo akong nagtaka ng marinig ang sinabi ni Firexia. After she had a sip on her wine ay binigyan ko siya ng 'what are you talking about' look.

Pasimple niyang nginuso ang isang direksyon. Nang lingunin ko ito ay agad kong nakita ang gusto niyang ipakita sa akin.

There, a girl walking to the red carpet alone wearing her red halter gown. Palingon-lingon ito at hindi inaalintana ang bulungan ng nakararami. Parang may hinahanap itong kung ano. Mayamaya ay nag-landing ang mata nito sa akin. Tiningnan lang ako nito at nang magawi ang tingin sa katabi kong si Azriel ay lumawak ang ngiti nito at mas dumoble ang bilis ng lakad.

Madapa ka sana.

Lihim na natawa na lang ako ng matalisod ito. Narinig ko ang impit na tawa ng ilan malapit sa amin.

"Ay, tanga," hindi naman napigilan ni Firexia na magkumento na agad binawalan ni Arine.

"Good eve, Lexcey," bati ni Light dito ng makalapit sa amin. "Wine?"

"Good eve! Thanks but no, kakalabas ko lang ng pagamutan," aniya at tiningnan ako. Wala naman itong pinakitang kahit anong emosyon hindi kagaya noon na lihim niya akong tinatarayan.

"H-hello, Azriel. G-good evening."

"Walang galang," pabalang na ibinaba ni Firexia ang hawak niyang wine glass.

"Xia, ayos lang 'yon tutal malapiy diya sa atin—"

"Sa inyo lang. Ugh, nakakasira ng gabi," at bigla na lang siyang tumayo at umalis. Humingi naman ng paumanhin si Arine kay Lexcey bago sinundan ang kaibigan.

"I'll just go and grab some another wine," paalam ni Light. I call him before pa siya makalayo.

"Ako rin, hindi ko na tutunggain ng isahan. Promise!" sabi ko rito. Naiiling na lang ito bago pumayag at umalis na dala ang wine glass naming dalawa.

And now I'm left with this two irritating persons in this realm. Sana pala sumama ako kay Light.

"Good eve," matagal bago sumagot si Azriel sa kaniya. Mukhang malalim ang iniisip ng mokong dahil kanina pa pinaglalaruan ang laman sa wine glass niya.

"C-can we have a dance later?" tanong ni Lexcey. Kapal din ng babaeng 'to eh.

"Sure," simpleng sagot ni Azriel. Tumayo na ako dahil sa bagot. Mabuti pang hanapin ko sina Fire at Arine o kaya'y pumunta sa lugar kung nasaan si Light kaysa manood sa dalawang 'to.

Parang mga timang, tsk.

Napairap na lang ako at inayos ang gown ko. Magsayaw sila hanggat kailan nila gusto. Matapilok or kaya matapakan sana nila ang paa ng isa't isa. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong inis ko pero for sure ay dahil kay Lexcey.

That girl really irritates me since the time na nalaman ko ang ugali niya. Such a plastic. Masama sa environment.

"Sam," before pa ako makaalis ay tinawag ako nito. Si Lexcey na mula sa likuran ni Azriel ay lumapit sa akin. Kita ko sa peripheral vision kong napatigil sa paglalaro ng baso niya si Azriel pero ang tingin nito ay nandoon pa rin.

"Oh?"

Naglajad ito pabalik. Nagulat ako ng bigla itong umamba ng yakap kaya't napaatras ako. Parang wala naman 'yon sa kaniya at nilapit pa rin ang sarili. Napaismid ako sa kakapalan ng mukha niya.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang