Gusto ko ang ako

5 0 0
                                    

Gusto ko ang AKO 

halata naman sigurong gustong-gusto kita, 'di ba? 
manhid ka siguro kung hindi mo mapansin ang pagtingin ko. 

kung tatanungin ako kung ano ang pinakagusto ko sa sarili ko, 
isasagot ko na gusto ko ang ako kapag kasama ka.

ewan ko ba, napapakita ko siguro sayo ang tunay na ako kapag magkadikit tayo,
mas dikit pa sa suman at mas dikit pa sa mga siomai na makikita mo sa daan. 

alam mo 'yon, parang mas nalalabas ko pa ang totoong ako 
lalo na kapag nagtatanong ka kung ano ba ang meron sa ako
at hindi ko alam kung bakit mas interesado ka pa sa'kin kaysa sa sarili mo. 

pero ayos lang kasi kapag nagtatanong naman ako tungkol sayo, 
nagugustuhan ko na rin ang mga nais mo. 

sa timpla ng kape, gusto mo nang itim na kape kaya pinilit ko nga ang sarili ko 
gustuhin ang kapeng barako. 

sa kanta, mahilig ka sa opm kaya lagi akong nasa youtube para maghanap ng playlist ng mga underrated artist para lang may mapag-usapan tayo at magustuhan mo ito. 

sa mga lugar, marami kang gustong puntahan sabi mo kaya lahat ng lugar na nababanggit mo ay nililista ko at nagbabakasakaling mapuntahan na'tin. 

hindi ko namalayang unti-unti ko ring nadidiskubre ang sarili ko dahil sa mga tinatanong mo. 
may mga bagay kang nagustuhan mo kasi sabi mo gusto ko,
may mga bagay ka ring nalaman na ilang taon ko nang tinatago sa sarili ko.

binuksan mo ang pinto sa totoong ako. 
ganoon ka kalakas, ikaw ang laging susi sa lahat ng pintong gusto kong buksan sa buhay ko
at ako ang pinakamasayang tao kapag nasa piling mo. 



Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon