Kaya ko ba?

33 3 0
                                    

Kaya ko ba?

Bigla akong napaisip na kaya ko ba?
Nakakabahala.
Parang kapag umakyat ako ay mahulog ulit ako bigla.

Baka mabalewala lang ang paghihirap ko.
Aakyat paba ako para simulan ang paglalakad ko.

Kung makaakyat man ako.
Saan ako magsisimula?

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Sa dulo ba o sa gitna?

Pano kung bumalik nalang muli ako sa hukay?

Hindi. Hindi pwede.
Maglalakad ako kung saang direksyon ko gusto.
Ngayon alam kong tama ang direksyon ko.

Mahuhulog kaya ulit ako?
Hindi naman siguro.

Sana nga.
Pero nakayanan kong umakyat paalis sa hukay.
Kaya aakyat nalang ulit ako kung mahuhulog ako.

Sari-saring SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon