"May kakaibang paraan kasi ng pag-propose dito sa eskwelahan natin. Hindi naman kasi normal etong eskwelahan natin. At hindi rin ganun kaganda ang samahan ng mga estudyante rito dahil nga nahati sa apat na organisasyon. Para sa mga babae, hindi sila gaanong nakikipagkaibigan sa mga lalaki lalo na kung hindi sila magkapareho ng organisasyon...

Kaya nauso itong unspoken rule... Na kapag hinawakan ng isang lalaki ang isang babae at pumayag naman ito, ibig-sabihin may gusto sila sa isa't-isa. Idineklara ng lalaki na pagmamay-ari na niya ang babae. At kapag hinalikan ka sa leeg, ibig-sabihin nun ay ikaw na ang bride niya. Tinanggap mo naman ito nang hinayaan mo na halikan ka niya."

"Well, madaming estudyante ang gumagamit ng katawagan na 'Assassin's Bride' kaya ikaw naging isa kana rin... Isa ka ng ASSASSIN'S BRIDE."

Pauso naman ang mga estudyante dito? Wala namang ganon e. Pero gaya nga ng sinabi ni Magi, hindi ito normal na eskwelahan kaya hindi ko pwedeng asahan na normal ang mga gawain nila rito.

Ang gulo. Hindi ata ako makakatagal dito. Ibang-iba sa dati kong pinasukan. Isang linggo pa lang ako rito pero andami ng nangyari sakin. At ang karamihan dito ay mga bagay na hindi ko maintindihan. Hindi ito para sa isang normal na tao.

Nagdadabog ako habang naglalakad. Sumasakit ang ulo ko dahil kay Apolo. Matapos niya akong takutin ng husto, ang kapal ng mukha niyang gawin akong bride.

Sinipa ko ang maliit na bato na nasa harap ko. Gusto kong sumigaw pero wala rin namang magbabago. Mapapaos lang ako pero hindi naman magiging maayos ang lahat.

Tumalikod ako bigla nang makarinig ako ng mga yapak palapit sakin. Nakaalerto parin ang katawan ko kahit na nag-dadrama ako ngayon.

"What are you doing here? It's dangerous." Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Casano.

"Ikaw lang pala..." Napansin ko namang tila bihis na bihis siya ngayon.

"May date ka ba ngayon?" tanong ko na may halong biro.

"Nah. I just want to welcome someone. Ikaw may date ba kayo ngayon ni Apolo?" Nagpantig ang dalawa kong tenga sa tanong niya.

"Tse! Huwag mo ngang babanggitin ang pangalan niya! Makaalis na nga rito!" tinarayan ko siya at nagsimula ng maglakad. Pati ba naman siya aasarin ako. Alam niya na siguro ang ginawa ni Apolo sakin. Palibhasa, kapatid niya.

"Be careful! Delikado na diyan sa dinadaanan mo. Baka makasalubong mo ang taong gustong pumatay sayo!" narinig kong sigaw nito. Hindi ko naman ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Nang medyo makalayo na ako ay bigla na lang lumamig ang simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil t-shirt lang ang suot ko ngayon. Natanaw ko ang Gym kaya binilisan ko na ang paglalakad.

Hindi naman sa gusto ko talagang magtungo sa Gym kundi gusto ko lang makaalis sa madamong dinadaanan ko ngayon. Ibang daanan kasi ang ginamit ko imbes na yung pathway.

Likod ng gym ang natatanaw ko at may maliit na silong dito. Binilisan ko lalo ang paglalakad dahil kanina pa ako nakukutuban na may sumusunod sakin. Isang tao lang ito pero hindi ko parin masisiguro na hindi ito mapanganib.

Diretso lang ang tingin ko at hindi pinapahalata na nabisto ko na ito. Nang makarating sa silong ay palihim kong kinuha ang baon kong maliit na kutsilyo. Ito ang kutsilyong may lason na muntik ng tumama sakin noon. Ipinatanggal ni Casano ang lason nito at binigay sakin bilang welcoming gift.

Sinong mag-aakala na magagamit ko ang kutsilyong muntik nakong patayin?

Nakatalikod parin ako at hindi nililingon ang taong nakasunod sa akin. Kunwari akong may hinahanap pero naghihintay lang ako ng susunod nitong gagawin.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now