CHAPTER 5

3 0 0
                                    

Yrina

Maaga akong gumising kinabukasan kahit na medyo puyat ako. Baka kasi bulabugin na naman ako ni Kuya Sean, abnormal pa naman yun. Natagalan rin akong natulog kagabi dahil napasarap ang pag-stalk ko sa Alterio na 'yun. Kung saan-saan na nga akong platforms ng socmed umabot eh. Doon ko talaga napatunayan na sikat siya hindi lang sa school, kundi sa ibang school din.

Hindi na dapat ako magtaka. Mayaman siya. Active ang social life niya. Gwapo at basketbolista pa. Halos babae ang mga followers niya sa socmed. Sa pinost pa ngang picture ni Aela ay may nag-comment ng hindi maganda na kesyo sino daw si aela at bakit magkasama sila ni Alterio, hindi daw siya kagandahan para dumikit-dikit kay Alterio at marami pang iba. Gusto ko sanang mag-reply para ipagtanggol ang kaibigan, ang kaso lang na-lowbat ako.

"Risse, gumising ka na at maligo!" Dinig kong sigaw ni Kin sa labas ng kwarto ko. Magkatabi lang kami ng kwarto at tanging plywood lang ang divider namin kaya dinig na dinig talaga ang boses niya.

Hindi na ako sumagot at tumayo nalang para maghanda. Bago ako pumasok sa cr ay naghanda muna ako ng susuotin para pagkatapos kong maligo ay deretso bihis na rin sa cr. Wala naman kasi akong walk in closet, syempre mahirap lang ang lola niyo.

Bitbit ang bag at suklay ay lumabas ako ng kwarto para magtungo sa kusina. Pagkapasok ko sa kusina ay si kuya Sef ang nadatnan ko na nagluluto.

"Good morning, kuya," bati ko na nagpalingon sa kanya sa akin.

"Good morning! Umupo ka muna,malapit na 'to,"

Hinalikan niya pa ako sa noo bago muling binalik ang atensyon sa pagluluto. I really love my kuya Sef. Napakaresponsable niyang nakakatandang kapatid. Maagang pumanaw ang parents namin and I and Kin was still a child that time. Si Kuya Sef ang tumayong nanay at tatay namin. Sa murang edad ay nagtrabaho na siya para may maipakain siya sa aming tatlo ni Kin at kuya Sean. Wala akong alam sa pamilya ni Mama at Papa, kung may kamag-anak pa ba kami. 

"Good morning, dude, Risse."

Napatakip ako ng ilong nang umalingasaw ang lakas ng baho ng perfume ni Kuya Sean sa kusina. Prente siyang umupo sa harap ko at nginitian ako. Sinimangutan ko siya.

"Sana naligo ka nalang ng perfume, nahiya ka pa!"

Nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo. Inamoy niya ang sarili niya at muling nag-angat ng tingin sa akin.

"Sakto lang naman ah? Kunti lang ang nilagay ko, napakaarte mo naman." Tumawa pa siya.

"Hulaan ko? Half ng perfume mo ang in"

"Umagang-umaga Risse, nagbubunganga ka na diyan. Relax, sister!"

Hindi rin naman papahuli ang amoy ni Kin. Tumabi siya sa akin at kinurot ang pisngi ko kaya nahampas ko nga.

"Isa ka pa, naligo ka rin ba ng perfume mo? Daig niyo pa ang taong ngayon lang nakagamit niyan."

Pareho nila akong inismiran bago ngingisi-ngisi akong hinarap ni kuya Sean.

"Alam mo Risse, dagdag pogi points 'tong pagpapabango namin, " preskong saad ni kuya Sean. Inismiran ko siya.

"Ang kokorni niyo!" Lait ko na tinawanan lang nila. Bago pa ulit makabanat ang dalawa, sumingit na si Kuya Sef para matigil na kami.

Nagdasal kami bago nagsimulang kumain. Nakasanayan na namin ito kahit na parang pinaglihi sa hindi kanais-nais na nilalang si Kin at kuya Sean. Tulad kahapon, si kuya Sef pa rin ang naghugas ng pinggan at hinayaan na kaming umalis dahil baka ma-late daw kami.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Nov 05, 2023 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Girl Series #2: Yrinaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें