CHAPTER 1

49 19 0
                                    

Yrina

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong kumikiliti sa talampakan ko. Walang pagdadalawang isip ko itong sinipa na talagang tumama sa pagmumukha niya.

"Tang¡na naman! Aray ko, ang sakit ng panga ko!" Mangiyak-ngiyak na usal ni Kuya... Sean. Ows si kuya Sean pala ang tangang kumiliti sa talampakan ko.

Agad naman akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas ito at iniluwa ang dalawa ko pang Kuya.

"Anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Kin.

"Sinipa ni Risse ang maganda kong mukha mga tol, tangina ang sakit ng panga ko." Iritang sagot ni Kuya Sean na tinignan pa ako ng masama. Agad namang napabulanghit ng tawa ang dalawa ko pang kapatid kaya lalong naging masama ang tingin sakin ni Kuya Sean. Ngumiti naman ako ng labas ang ngipin at nagpeace-sign. Umiwas lang naman ito ng tingin dahil syempre, sa kagandahan ko ba naman magagawa niya pa akong pagalitan? Syempre hindi, duh.

"Ano na naman ba ginawa mong kaabnormalan diyan kay Risse?" Tatawa-tawang tanong naman ni Kuya Sef.

"Kiniliti ko lang naman yung talampakan niya eh." sagot ni Kuya Sean nang makatayo siya.

"Bobo! Kaya naman pala, buti nga sayo bwahaha!" Pang-aasar naman ni Kin. Bago pa humaba ang usapan ay sumingit na ako.

"Tama na yan, gising na ako pwede na kayo lumabas. Shooo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanila. Sinamaan naman nila ako ng tingin at inosente ko lang silang nginitian.

"Sa gwapo naming 'to? Ginawa mo kaming aso, aba! Hindi pwede yan!" Mukhang tangang saad ni Kuya Sean, pano ba naman kasi may paturo-turo at taas ng kilay pa siya sa sarili niya.

"Gwapo? Kayo? San banda?" Sakrastikong tanong ko. Agad naman silang ngumiwi.

"Diyan ka na nga, pangit!" Nakangiwing saad ni Kin tsaka ako kiniss sa noo bago lumabas. Magrereact pa sana ako kaso agad din namang sinundan ng halik ni Kuya Sean at Kuya Sef ang noo ko.

"Maligo kana Risse, male-late kana." Bilin ni Kuya Sef bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Tulad nga ng sabi ni kuya, agad akong kumilos at naligo. Lunes na lunes pa naman ngayon, ang pangit kung male-late ka sa klase. Medyo strikto din ang professor ko sa first sub ko.

By the way, I'm Yrina Larisse Ravera—Valeco pero Yrina Montoya ang dinadala ko at yun ay hindi ko alam kung bakit. 18 years old. 2nd year college at Z University.

"Yrina Larisse! Kakain na!" Dinig kong sigaw ni Kin sa baba at saktong patapos na rin akong magbihis. Mabilis ko namang kinuha ang bag ko at ang isang suklay na nakita ko sa study table ko.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan habang nagsusuklay ng buhok. Ayaw kasi ni Kuya Sef na pinaghihintay ang pagkain. Pagdating ko sa munting sala namin ay naabutan ko silang nakaupo na at ako nalang talaga ang hinihintay. Agad naman akong umupo sa katabing upuan ni Kin na bakante, syempre sa akin 'tong pwesto eh.

"Magdasal muna tayo. Lead the prayer, Risse." Saad ni Kuya Sef ng makapwesto na ako. Tulad nga nang sabi ni Kuya, nagdasal muna kami na pinangungunahan ko. Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. As usual, tahimik kaming kumain. Madami kasing ayaw si Kuya Sef pagdating sa pagkain.

"Tapos nako," Saad ko ng masubo ang panghuling kanin ko. Agad naman akong tumayo at nagtungo sa lababo namin at akmang kukunin ko na sana ang sponge para hugasan ang plato ko ng magsalita si Kuya Sef.

"Ako na dyan Risse, baka madumihan pa 'yang uniform mo. Hintayin mo nalang sa sala si Kin at Sean at saka, ayusin mo yang pagsusuklay mo ng buhok mo." Saad ni kuya na agad kinuha ang plato sa kamay ko.

"Sige kuya," Sagot ko tsaka nagpunas ng kamay sa towel na nakasabit sa hawakan ng maliit naming ref. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa sala at naupo sa nag-iisang sofa namin at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok. Sakto namang natapos nako sa pagsusuklay nang sabay na lumabas si Kin na hindi nakaayos ang tie niya at si Kuya Sean na ang gulo ng buhok sa kusina. Ngayon ko lang napansin.
Agad naman akong lumapit kay Kin at inayos ang necktie niya.

"Ang tanda mo na Kin, hindi ka pa rin marunong mag-ayos nitong necktie mo." Nakataas ang kilay na saad ko sakanya na nginisian lang ako.

"Hindi ko na kailangang matutunan yan Risse, andyan ka naman para ayusin yan eh." Nakangising turan niya. Inirapan ko lang naman siya ng matapos ko ng ayusin ang necktie niya at lumapit kay Kuya Sean na naghihintay sa pintuan. Nagtatakang tinignan naman niya ako ng lumapit ako sa kanya. Agad ko naman siyang pinaupo sa isang monoblock chair na malapit sa pintuan at sinuklayan siya.

"Ang sweet naman ng Risse namin." Nang-aasar na turan niya. Inirapan ko lang naman siya. Nang matapos ay inilagay ko naman ang suklay sa tukador namin bago humarap kay Kuya Sean na nagsasalamin sa salamin naming nakadikit sa poste ng hagdan namin, sa pinakababa malamang.

"Tara na." Aya ni Kuya Sean ng makuntento sa pagtingin sa sariling mukha niya. Feel na feel ng abnormal na sobrang gwapo niya. Well, hindi ko din naman siya masisisi, gwapo nga naman siya. Syempre may kapatid siyang sobrang ganda na walang iba kundi ako, walang halong biro.

"Kuya pasok na kami." Paalam ko kay Kuya Sef na kalalabas lang sa kusina. Agad naman akong humalik sa pisngi niya at nagtanguan lang naman sila Kin at Kuya Sean kay Kuya Sef.

Paglabas namin sa apartment na tinutuluyan namin ay inabutan ako ni Kin ng helmet. Yup. Helmet kasi magmomotor kami. Unang umangkas si Kin kay Kuya Sean na nakapwesto na at sunod naman ay ako.

"Tol hinay-hinay lang, kasabay pa natin si Risse." Paalala ni Kin kay Kuya Sean. Actually, parating paalala niya yan kay Kuya Sean taga-sasakay ako sa motor na 'to.

"Naman tol! Matic!" Agarang sagot ni Kuya Sean.

"Kapit ka sakin Risse." Bilin ni Kin na agad ko namang ginawa. Nang makasigurong okay na kami sa pwesto namin ay sinimulan ng paandarin ni Kuya ang motor.

Magkaiba kami ng school. Bali ako lang pala ang naiiba ng school. Scholar kaming dalawa ni Kin pero sa ibang school nga lang. Magkaschoolmate naman si Kin at Kuya. Hindi scholar si Kuya, ewan ko sa kanya saan siya kumukuha ng pera pambayad sa tuition niya. Nagtataka din kaming mga kapatid niya pero sa tuwing tinatanong namin siya, hindi naman siya sumasagot kaya hinayaan nalang namin siya.

20 minutes lang ang naging biyahe namin at nakarating na rin kami sa school ko. Agad naman akong bumaba sa motor at tinanggal ang helmet na suot-suot ko. Inabot ko naman kay Kin ang helmet ng mahubad ko naman to. Katulad ko din ay tinanggal din nila ang helmet nila.

"Ingat sa pagmomotor Kuya, bye Kin." Paalam ko sakanila tsaka hinalikan sila sa pisngi. Agad din naman nilang binalik sa pagkakasuot ang helmet nila.

"Wag mo kalimutan yung bilin namin Risse ha? Pag may umaaligid sayo, sabihin mo sa'min." Seryosong saad ni Kuya Sean, ngumiti lang naman ako bilang sagot. Bago ako pumasok sa school ay tinanaw ko muna sila hanggang sa di ko na makita ang motor nila.

VOTE AND COMMENT!
THANKS!

-Leyaanaviaaa.

Girl Series #2: YrinaWhere stories live. Discover now