CHAPTER 1

19 0 0
                                    

"Miss Lyka!" tawag ko sa aking Assistant Manager mula dito sa aking opisina.

Napahilot akong bigla sa aking sentido nang makita na isa-isang hinuhubad ni Rica ang kaniyang suot na uniporme. Naka-ilang palit na rin ako ng sekretarya at palagi na lang ganito ang kinahihinatnan. Kung puwede nga lang ay huwag na akong kumuha pa ng sekretarya ko, kaso hindi rin maaari dahil marami rin akong trabaho na dapat asikasuhin.

Humahangos na pumasok ang aking Assistant Manager na si Miss Lyka sa loob ng aking opisina at nadadnan niya si Rica na nagsusuot na ng kaniyang uniporme.

"S-sir?" nauutal na wika ni Miss Lyka.

"Sir Mazer please! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na mahal kita!" naiiyak na turan ni Rica.

"That's not love Rica, it's just lust. Now get out!" pagkasabi kong iyon ay hinila na ni Miss Lyka si Rica palabas ng aking opisina. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago pa siya makalabas ng opisina ko.

"Pagsisisihan mo ito Mazer! Balang araw magiging akin ka rin tandaan mo 'yan!" Pagkuwa'y isinarado na ni Miss Lyka ang pintuan.

Naka-ilang palit na ako ng sekretrya dahil paulit-ulit na lang ang mga ginagawa nila. Napadako naman ang tingin ko sa litrato namin ni Kristine sa gilid ng aking lamesa. May anim na buwan na rin noong maghiwalay kaming dalawa. Nagkaroon siyang bigla ng proyekto sa ibang bansa at kailangan siyang mamalagi roon ng ilang taon. Pinag-awayan pa namin iyon dahil ayoko siyang umalis, pero pinagpilitan niya kung ano ang gusto niya.

Alam kong matagal na niyang pangarap iyon simula noong nag-aaral pa lang kami sa kolehiyo. Hindi ko siya magawang ligawan noon dahil sa mas priority ko noon si Macelyn. Nang umuwi siya rito ay nagkaroon ulit kami ng komunikasyon. Alam kong naging kasintahan niya si Marco na asawa na ngayon ni Macelyn.

Hindi ko naman siya minamadali at bagkus ay pinaramdam ko naman sa kaniya kung gaano ko talaga siya kagusto. Naging kasintahan ko siya ng apat na taon, at dahil sa kaniyang trabaho ay kinailangan na naman niyang bumalik sa ibang bansa. Hindi ko ito pinaboran dahil ang gusto ko ay manatili na lamang siya rito kasama ko. Mariin siyang tumutol sa akin at sinabing babalik siya pagkatapos ng kontrata niya. Pero sa galit ko ay nagpasya na lang akong makipaghiwalay sa kaniya kahit na hindi pa man din siya pumapayag.

Parati siyang tumatawag sa bahay o kaya naman dito sa aking opisina. Ngunit hindi ko naman ito sinasagot. Mahal ko pa rin si Kristine pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na mas nangingibabaw ang trabaho niya sa malayo kaysa rito na lang at kasama ko.

Maya-maya ay muling bumalik sa opisina ko si Miss Lyka na nakahalukipkip na humarap sa akin. Sinulyapan ko naman siya at nagpakawala ng malakasa na buntong hininga.

"Sir Mazer wala ka na namang sekretarya, saan na naman tayo maghahagilap ng sekretarya mo?"

"Maghanap ka na lang ng may edad na."

"Sir okay ka lang?! Saan ka nakakita ng sekretarya na matanada na? Baka nga malabo na rin ang mata no'n eh."

"Ikaw na lang kaya?" Nanlaki pa ang kaniyang mga mata sa aking sinabi.

"Ayoko nga 'no! Mas malaki kaya ang sahod ko kaysa maging sekretarya mo!" Napailing na lang ako dahil sa idinahilan niya sa akin. Kaklase ko siya sa kolehiyo, at noong mangailangan siya ng trabaho ay kaagad ko naman siyang tinanggap.

"Oo nga pala si Sef baka gusto niya maging sekretarya ko? Hindi ba nag-resign na siya sa pinapasukan niya?"

"Bakit si Sef?"

"Bakit hindi? At isa pa graduate naman siya ng college at marami na rin siyang napasukang kumpanya kaya marami na rin siyang alam. Saka ayoko na rin ng babaeng sekretarya," mariing wika ko sa kan'ya.

"Bakit sir, dahil ba ayaw mong ma-in love sa iba? Dahil hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin si Kristine. At ayaw mong magkaroon ng issue kapag bumalik na siya," saglit akong natigilan sa kaniyang sinabi.

Aaminin ko naghihintay ako sa kaniyang pagbabalik at kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Labis lang akong nasaktan noong mas pinili niya ang malayo sa akin kaysa ang makasama ako rito. Magsasalita na sana ako ng may biglang kumatok at pinagbuksan naman ito ni Lyka.

"Hi kuya!" masayang bati ng aking kapatid na si Macelyn nang makapasok na siya sa loob ng aking opisina. Sinama naman niya ang kambal na si Jk at Madeline.

"Papa!" sabay takbo sa akin ng dalawa kong pamangkin at umupo sa kandungan ko.

"Galing na kayo sa daddy niyo?"

"Opo papa. Kaso may patient pa si daddy kaya umalis na rin kami kaagad," nakangusong saad ni Madeline.

"And you buddy, how's school?"

"Great! Marami akong nakilalang friends. Kaso puro girls papa eh," reklamong sagot naman ni Jk na ikinatawa ko.

"Mukhang magiging lapitin yata ng mga babae itong anak mo Mace ah."

"Mana kasi sa'yo kuya," nakangiting saad niya sa akin at nakaupo naman sa harapan ng aking lamesa. Lumabas naman muna si Lyka sa aking opisina at kami na lang ang naiwan.

"Hindi mo pa rin ba kinakausap si Tin kuya? Sinulyapan ko siya at ibinaba muna ang kambal at muli siyang hinarap.

"Pinili niyang lumayo Mace."

"Kuya intindihin mo na lang, mahalaga rin sa kaniya 'yong trabaho niya. Hindi naman niya piniling lumayo eh. Gumagawa naman siya ng paraan para kahit papaano magkausap kayo, ang kaso ikaw naman ang pabebe riyan."

"Ako pabebe?"

"Oo kuya! Masyado kang pabebe. Kuya alam kong mahal niyo pa rin ang isa't-isa, ang akin lang huwag mong hadlangan ang mga gusto niya sa buhay kung alam mo naman na ikabubuti niya at ikaliligaya niya. Ang mahalaga may oras pa rin kayo sa isa't-isa at maayos pa rin ang relasyon niyo." Bigla naman akong napaisip sa sinabing iyon ni Mace. Tama rin siya, naging makasarili lang siguro ako dahil sa ayoko siyang umalis.

"Natatakot lang kasi ako Mace."

"Ano namang ikinakatakot mo kuya?"

"Baka kasi ano__"

"Baka ipagpalit ka niya ganoon ba?" Marahan naman akong tumango sa kaniya at yumuko.

"Diyos ko naman kuya! Six months na kayong wala malamang may umaaligid na sa kan'ya kasi sa sobrang ganda ba naman niya imposibleng walang magkagusto sa kaniya," bigla namang napataas ang kilay ko sa kan'ya at hindi malaman kung pinapagaan ba niya ang nararamdaman ko o inaasar lang ko. "Alam mo kuya kung talagang mahal mo siya susundan mo s'ya sa France at liligawan mo siyang muli."

"Paano Mace kung mas gusto na niyang manatili roon?"

"Maybe mas mahal talaga niya ang propesyon niya kaysa sa'yo kuya." Natahimik akong bigla sa sinabi ng aking kapatid. Nagpaalam na rin sila at naiwan na akong mag-isa sa aking opisina at matamang nag-iisip.

Paano nga kaya kung mas piliin na niya ang manatili sa ibang bansa dahil sa kaniyang propesyon? Kaya ko ba siyang palayain o ako ang mag-aadjust para sa aming dalawa para makasama ko lang siya habang buhay?

Nakapagpasya na ako, pupuntahan ko si Kristine sa ibang bansa. Hindi ko siya kayang tuluyang mawala sa akin. Kung mas gusto niyang manatili roon dahil sa kaniyang trabaho, I will give up everything just to be with her. Kaya kong iwan pati ang trabaho ko para lang makasama siya habang buhay.


My Last Love (Mazer & Kristine)Onde histórias criam vida. Descubra agora