Chapter 2

7 0 0
                                    

The Fighter of Love

Sead's POV:

"PANSIN ko lang laging tinititigan ni Ren yung calling card nung babae. Type ata niya, bro." tumawa ako ng mahina pero lintek malakas talaga pandinig ni boss. Lagot!

"Sead! Mag push up ka sa harap ko ngayon na!" sigaw nito.

"Boss naman 'di na mabiro." sumimangot ako.

"Now!" agad akong pumwesto sa harap niya matapos nga ay nagsimula na akong mag push up. Kasalanan talaga 'to ng bunganga ko eh! Napakadaldal ko talaga! Lintek na yan!

"Wow! Sead, dumaldal ka na naman ano?" pang-aasar ni Earl.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" sumunod naman na dumating si Karl. "Ow! Mukhang may bwinisit na naman si Sead."

"Who wants ice cream?" napatigil naman sa paglalakad si Dexter ng makita niya ako sa sahig. "Sead, you want?"

"Nang aasar ka ba?" tanong ko sa kaniya habang tuloy parin sa paggalaw. "Nakikita mo ba kung anong ginagawa ko dito, Dexter?"

"Push ups." tipid na sambit nito sabay lakad papalayo. 

'Bakit ba nagkaroon ako ng mga kaibigan na ganito kung mang-asar. Sabagay nahahawa lang naman ako sa mga kaabnormalan nila.'

"Boss, ano pala next step natin?" tanong ni Karl. Bigla namang binalot ng katahimikan ang paligid kaya napaangat na naman ako ng tingin. Aba! hirap na hirap na kaya ako dito kakagalaw.

"Nahanap niyo ba siya?" seryosong tanong ni Ren. Nabaling ang tingin niya kay Karl kaya naman maingat akong bumangon, pagkakataon na makatakas sa parusang pinagagawa sa akin ni boss ko. Lintek! Pagod na ako. "Sinabi ko bang tumigil ka na, Sead?" 

'Damn! Nahuli pa!' 

"Boss, pagod na ako." nakatitig lang ang mga mata nito sa akin. Matalim na mga tingin kaya napasimangot ako at dumapa ulit. "Sabi ko nga push up pa."

"Hindi pa. Wala kaming makitang mga information about sa babaeng iyon. Mukhang pribado lahat ng detalye patungkol sakaniya." sambit ni Karl.

"Ako ang hahanap sa kaniya." pagprisinta ko.

"I'll go with you, Sead." biglang sulpot ni Dexter. Ang hilig nito sumulpot na lang ng biglaan. Dinaig pa ang kabute.

"Are you sure?"

"Boss, wala ka bang tiwala sa amin? Sa pogi naming 'to?" nakangiting tanong ko. "Wala kang tiwala? Seriously?"

"Kay Dexter meron sayo wala." diniinan nito ang pagkakasabi sa salitang 'wala'. Grabe naman magsalita sa kaibigan 'tong si boss masyadong sampal nawala tuloy ang ngiti ko.

"I'll give you 3 months to find her." tumayo siya sa kinauupuan niya. 

"Basic!" mayabang na sabi ko.

"Kapag nahanap niyo siya ibibigay ko ang dalawang sasakyan ko. Deal?"

"Alin doon?"

"Dalawang Ferrari." maangas na sambit niya matapos ay lumakad na paalis. Mahilig talaga siyang mag walkout. Habit na ata niya yun.

"Deal na deal, boss." sigaw kong pahabol kahit hindi na niya narinig. Sino ba namang hindi mapapa deal sa sinabi niya. Hayop! Ferrari ang award. Tumakbo ako sa kwarto tsaka kumuha ako ng papel at ballpen matapos nga ay bumalik sa sala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fighters of LoveWhere stories live. Discover now