PRAEFATIO

13 4 4
                                    

I’M  sorry! Hindi ko alam na ginagawa ko!”
Lagatak ang pawis ni Darius nang siya ay nagising. Ilang taon na din ang nakakalipas noong nangyari ang malagim na parte ng buhay niya.

Gabi gabi siyang binabangungot at gabi gabi din siyang binibisita ng mga taong naging biktima ng mga alters nito. Gayon pa man ay nagagawa niyang tumayo sa sarili niya habang pili niyang tinatayo ang sarili mula sa apat niyang alters na alam niyang mas malakas pa sa kaniya.

Tumayo siya at kumuha ng isang basong tubig saka ito ininom.


He was thinking all over again.

Bakit sa lahat ng tao ako pa ang meron nito? Bakit sa lahat ng tao ako pa ang kahati sa katawan ko. May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi tama? Nag kulang ba ako sa dasal at pang unawa?

Yan ang mga tanong ng binatang si Darius.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka niya tinawagan si Xyra, ang tanging kaibigan niyang natitirang naniniwala at tumulong sa kaniya kahit pa muntik niya na din itong pinatay sa isla.

“Hello? Darius napatawag ka?” agad na tanong ng kausap nito sa kabilang linya.

Humugot na malalim na buntong hininga ang binata saka niya ito sinagot.

“Binangungot na naman ako.” Sagot nito.

Rinig naman ng binata ang malalim na paghinga ng dalagang nasa kabilang linya.

“Mag relax ka lang okay? Wag kang papadala sa nerbyos alam mo namang hindi ka pwedi panghinaan ng loob hindi ba?” kalmadong sabi ni Xyra.

Habang nag uusap sila ay bigla na lang may malakas na kumalabog sa kabilang linya.

“May bisita k aba diyan Xyra?” tanong ni Darius.

Tumawa lang ang dalaga saka ito muling nagsalita.

“Wala baka pusa lang. Sige tulog ka na. Bukas may appoint ka. May fan meeting ka bukas and take note wag mong kakalimutan ang maskara mo at ang damit mo. Okay?”

Napangiti naman ang binata sa sinabi ng dalaga. “Opo Mama. Alam ko na ang gagawin kaya naman wag kang mag alala. Anyways hindi ka ba pupunta sa Fan meeting ko bukas?”

“Hindi eh. May gagawin kasi ako bukas baka next week na ang uwi ko.Kaya ingatan mo yang sarili mo okay? Wala pa naman ako and don’t worry I will ask Kennan na ipag drive ka the whole time.” sagot nito.

“Sure thanks Xyra. Ingat ka sa lakad mo.”

Agad na binaba ng binata ang telepono.

Simula noong natapos ang malaking kontrobersya na nangyari sa isla ay si Xyra at ang tita nitong psychologist na si Doctor Meli na ang tumatayo niyang Guardian at sandalan.

Walang naniniwala sa kaniya nang mga oras na yun at napaka impossibleng malusutan niya ang sanda makmak na kasung ibinato sa kaniya.
Lahat ng tao ay inaakalang isa nga siyang psychopath at walang ibang naniniwala sa kaniya kundi sila lang.

LUMIPAS ang ilang oras ay kaagad na gumayak ang binata para sa fan meeting niya sa isang mall malapit sa tinitirahan niya. Kalahating oras pa bago ang naturang event ay naroon na si Darius at ang sandamakmak niyang mga taga supporta. Bigla niya tuloy natanong sa sarili.

“Susuportahan pa ba kaya nila ako kung nalaman nilang totoo ang mga isinulat ko sa mga librong binabasa nila?”

“Ang dami mong fans Darius. Paano mo naabot ang achievements na yan?” nakangiting tanong ni Kennan habang nakatingin sa mga fans ni Darius.
“Hindi ko rin alam. Noong una parang wala lang sakin ang pagsusulat pero nakita kong dito ako magiging komportable at nagising na lang ako na dumadami na sila ng hindi ko namamalayan.” Sagot ng binata.

“Kung magpapakatotoo ka lang alam kong mas dadami sila.” Bulalas ni Kennana.

Napatingin naman si Darius kay Kennan. “Nasaan nga pala ang ate mo?” pag iiba nito.

Napatingin naman Kennan kay Darius at ngumiti. “Hindi niya din sinabi. Saka alam mo naman ang babaeng yun madaming bagay na ginagawa na hindi sinasabi sakin.” sagot nito.  

NAGSIMULA ang event at kagaya ng nauna niyang event ay madaming nagtatanong tungkol sa tunay na pagkatao ni Darius. Hindi niya pa rin kasi magawang magpakita sa ibang tao at hanggang ngayon ay dala dala niya ang bigat mga pasanin.
Natapos ang event ng walang nagiging problema. Lahat ay nakaayon sa plano at isa ulit itong accomplishments para sa lahat.

Nasa kotse na si Darius at si Kennan at pariho silang gutom. At dahil mas malapit ang apartment na tinutuluyan ni Xyra ay doon na nila naisipang tumulong.

Nang makarating sila sa apartment at pariho silang nagtaka nang makitang nakabukas lang ang pinto ng apartment kaya dali dali silang pumasok at bumungad sa kanila ang nagkalat na mga gamit ni Xyra.

Pariho nilang tinawag ang pangalan ni Xyra habang nililibot ng kani kanilang tingin ang buong
buong apartment.

Nasanay na silang laging magulo ang bagay ni Xyra dahil hindi naman talaga ito marunong maglinis kahit pa na ito ay babae.

“Ano ba yang si ate hindi man lang nag lock ng pinto o di kaya naglinis bago umalis.” Reklamo ni denilalapag ang mga dala nilang pagkain sa mesa.

Napatingin naman si Darius sa pinto ng kwarto at nagtaka siya. Kilaloa niya kasi ang dalaga at kahit pa hindi ito magaling maglinis ay lagi naman nitong sinisira ang pinto ng kwarto niya at 'ni minsan ay hindi niya pa ito nakitang nag iwan ng bukas na pinto.

Agad siyang lumapit sa pinto at bumungad sa kaniya dilim ng buong kwarto. Napakunot siya nang may naamoy siyang malangsang bagay.

“Dugo?”

Tanging nasa isip ng binata.

Agad niya namang kinapa ang switch na nasa gilid lang ng pinto at bumungad sa kaniya ang katawan ni Xyra na naliligo sa sarili nitong dugo.

Wala itong saplot pang ibaba at kitang kita ang ari nito. Nakatali din ang mga kamay nito at nabalot ng packaging tape ang bibig. Ang mas masaklap ay kitang kita ang mga saksak nito mula sa paa at sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Natulala lang si Darius at nataohan lang siya ng tinawag siya ni Kennan na abala sa pag hahanda ng makakain sa mesa.

“Anong ginagawa mo diyan?” takang tanong ni Kennan saka ito lumapit kay Darius.

“Darius kumain na ta-” Hindi nito natapos ang sasabihin nang makita niya ang kaniyang ateng naliligo sa  sariling dugo nito.

Natulala at nawalan ng lakas si Kennan kasabay ang malakas na pag sigaw nito sa pangalan ng kaniyang kapatid.

Forbidding Empath: Alter's New leaf (TST Book 2)Where stories live. Discover now